10

2K 125 5
                                    

"Gusto mo bang magshopping? Gusto mo ng bagong mga gamit? Madami sa online ngayon lalo na at may sale." Saad ko ng maabotan itong naghahanap ng damit sa cabinet.

"Wala akong pera." Simpleng saad nito.

"You don't need money because I will pay it for you. Come here and pick something you like." Tawag ko sa kaniya at pinagpag ang tabi ko. Nasa kuwarto kami ngayon at nakatulog na si Astreed kaya tanging dalawa na lang kami ang naiwan na gising.

Parang nagdadalawang isip pa ito pero lumapit pa rin saka tumabi sa akin. "Here." Ipinakita ko naman sa kaniya ang mga gamit na binibenta sa online.

"Letsugas na 'yan?! T-Shirt na ganiyan, 3k?! One hundred lang 'yan sa palengke, eh!" Naiinis na saad nito habang nakaturo sa damit na nasa screen.

Natawa naman ako dahil sa naging reaksiyon nito. "This one is original Stella that's why it's expensive. But it's okay, as long as you like it. I will buy it for you." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Drake?" Tanong nito habang nasa tablet pa rin ang paningin.

"Kasi gusto kitang bilhan ng mga gusto mo." Nakangiting sagot ko.

"Hindi iyon ang ibig kung sabihin. Bakit---Bakit mo pa ako pilit na pinapabalik dito. Nasayo na ang anak mo ngayon. Puwedeng-puwede ka namang maghanap ng ibang babaeng magbabantay sa anak mo. Bakit kailangan ako? Bakit kailangang manatili pa ako rito? Ano pa bang kailangan mo sa akin?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Bakit ko ginagawa 'to? Simple lang naman. Una, dahil ikaw ang ina ng anak natin. Ikalawa, dahil gusto kung maging ayos tayo ulit. Ikatlo, dahil ayaw kitang malayo sa amin ng anak mo. Ikaapat, ayaw ko sa iba. Ikalima, gusto kung manatili ka rito kasi gusto kitang makasama. At madami pang rason at baka maabotan tayo ng bukas kung iisa-isahin ko talaga lahat." Hinawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sa akin at tiningnan ng deritso sa mga mata. "Stella, I just lied to you back then because I want to stay by your side. Akala ko ay matatago ko ang totoo kung nararamdaman at pagkatao ko habang buhay sa iyo. Ang importante lang sa akin noon ay makasama ka. Mapamasama man o mabuti. Kaya nagpanggap akong bakla, dahil iyon lang ang paraan para hindi mo'ko itaboy. Pasensiya sa pag-iwan ko sa'yo. Kung alam ko lang na masasaktan ka ay hindi na sana ako umalis. At kung tatanungin mo kung ano ang dahilan ko bakit ako umalis? Simple lang, ikaw. Ikaw ang dahilan ko. Gusto ko sanang ayusin ang sarili ko. Gusto kung bigyan ka ng oras para makapag-isip. Gusto ko pagbalik ko ay makita mo na ako bilang isang lalaki at hindi bilang isang baklang kaibigan mo dati. Alam ko na mali pa rin kahit na may rason ang mga ginawa ko. At alam ko rin na nasaktan kita dahil sa mga ginawa ko. Pero sana naman Stella... huwag mo namang isarado 'yang puso mo, oh. At yung nangyari sa atin ng gabing iyon, oo, ako ang may pinakamalaking kasalanan doon. Nadala ka na lang din ng kalasingan ng mga oras na iyon at ako naman itong gago na hindi na napigilan ang nararamdaman kaya sinamantala ang kahinaan mo. Pero alam mo, hindi ko iyon pinagsisisihan kahit na gusto-gusto iyong pagsisihan. Ang gulo ko. Gusto kung pagsisihan ang ginawa ko dahil nabastos kita at sinamantala ko ang kahinaan mo. Pero hindi ko rin iyon pinagsisihan dahil sa nangyari sa atin ay may Astreed na tayo. Pero pasensiya na, pasensiya kung maaga ka na naging ina dahil doon. Pasensiya na kung madaming problema ang dinala mo. Pasensiya na sa lahat ng maling ginawa ko. I'm sorry. I'm really... really sorry. Kung puwede ko lang saluhin ang lahat Stella, gagawin ko 'yon para sa'yo." Madamdaming saad ko at niyakap ito ng mahigpit.

Sa ilang mga taong nagdaan ay dinamdam ko ang lahat ng ito at gustong-gusto kung sabihin pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin iyon sa kaniya.

"Pero ang sakit dito sa puso ko hindi mabubura ng mga sorry mo." Mahinang saad nito. Parang may kumurot naman sa puso pero pinilit ko na lang ngumiti saka hinarap siya at agad na tinuyo ang luha na tumutulo mula sa mata nito.

"Then let me help you erase that pain. Hindi ko sinasabing patawarin mo'ko kaagad. Pero sana naman ay bigyan mo naman ako ng chance. I deserve a second chance, right? Everyone deserve that second chance. Pero hindi lahat ng tao ay nabibigay iyon. Pero sana, bigyan mo naman ako, oh. Huwag kang umalis. Huwag mo kaming iwan ng anak mo. Hayaan mo lang akong ipakita sa iyo kung gaano ako kaseryuso sa'yo. Please... give me a chance, Stella."

"H-Hindi ko na alam. N-Nalilito ako, Drake." Saad nito na inaasahan ko na pero nasasaktan pa rin ako.

Mas pinili ko na lang na manahimik at niyakap na lang ito ng mahigpit at nanatili lang ng ganoon sa matagal na oras.

Natatakot akong pakawalan siya. Baka hindi ko na magawa ito sa susunod. Parang limitado lang kasi ang oras na mahawakan ko siya.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka napatingin sa kaniya at nakita itong natutulog na ng mahibing. Nakatulugan na ang pag-iyak. Tinuyo ko naman ang luha nito saka maingat na inihiga sa kama at tinitigan ng ilang sandali saka mapait na lang na mapangiti. "I didn't hear what I want to hear, Stella. Am I not that deserving for that words?" Mahinang saad ko saka kinumutan na ito at hinalikan sa noo saka pumunta sa crib ni Astreed pero mahimbing naman itong natutulog kaya hindi ko na ito ginanbala at pumunta na lang sa may sofa at doon nahiga.

Nakatingin lang ako sa kisame saka napabuntong-hininga na lang at ipinikit na ang mga mata at sinubukang makatulog pero walang nangyari. Hindi ako dinadalaw ng antok.

Umiba naman ako ng posisyon sa pagkakahiga at ipinikit ulit ang mata at hinintay na antukin ako pero makaraan ang ilang mga minuto ang nakaraan ay wala pa ring epekto kaya naman iniba ko ulit ang pagkakahiga at mariin ng ipinikit ang mga mata dahil gustong-gusto ko ng makatulog pero wala na talagang nangyayari kaya napaupo na lang ako at saka inihilamos ang sariling nga palad sa mukha ko. Tahimik akong bumuntong-hininga habang nakayuko ang ulo at nakatingin lang sa sahig.

It sucks...

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now