22

1.4K 82 11
                                    

"Don't miss me. You have a wife now, right? I bet she will be jealous if she heard that." Naguluhan naman ako sa sinabi nito at parang hindi madigest ng utak ko ang mga pinagsasabi nito.

Nakita ko pa itong ngumiti sa akin bago tumalikod at nakayukong naglakad palayo sa akin pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang humahagunos na track.

"Stella!" Malakas na sigaw ko at tumakbo papunta roon pero bago pa ako makarating ay nakita ko ng tumilapon ang mag-ina ko. Parang natigil ang pag-inog ng mundo ko habang nakatingin sa mag-ina ko na ngayon ay nasa sahig na at naliligo na sa sarili nilang mga dugo.

Nanikip ang dibdib ko at doon na tuluyang tumagas ang mga luha ko saka agad na lumapit sa kanila. Agad kung binuhat si Astreed. "Hey baby, wake up for Daddy. I'm here now." Saad ko habang tinatapik ang pisngi nito pero hindi na ito gumagalaw. Nakapikit na lang ito at hindi na humihinga dahilan para manginig ang buo kung katawan.

Agad naman akong napatingin kay Stella at agad na nilagay muna si Astreed sa gilid at hinawakan si Stella na ngayon ay nakatingin lang sa akin habang lumuluha. "Hey, don't close your eyes. Huwag kang pipikit. Huwag niyo kung iwan. Huwag naman. Papakasalan pa kita." Humahagulhol na saad ko lalo na ng haplusin nito ang pisngi ko at agad ring nalaglag at tuluyang pumikit ang mga mata niya. "No. No. No. No. Tulungan niyo kami! Tulonggggg!" Sigaw ko at agad na niyakap ang mag-ina ko na hindi na gumagalaw ngayon.

Pati ako ay puro na dugo pero hindi ko na pinansin iyon. Ang tanging hiling ko lang ay mailigtas ang mag-ina ko.

Maya-maya ay agad na dumating ang ambulance. Nakiusap naman ako na doon na lang manatili at pinayagan naman nila ako.

Nasa kabilang ambulance si Astreed habang andito naman ako sa ambulance na sakay si Stella.

Nanginginig at parang lutang lang ako habang nakatingin sa mga nurse at doctor na pinipigan ang mga pagdurugo ni Stella habang nilalagyan ng mga kung anong bagay sa katawan.

Nasa isang tabi lang ako at parnag tanga na hindi alam ang gagawin. "Iligtas niyo siya. Maawa kayo..." Iyon lang ang lumalabas sa bibig ko habang nakatingin kay Stella. Nasa kaniya lang ang paningin ko.

Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng nurse dahil parang nawala na ang pandinig ko.

Nang makarating sa opsital ay nakasunod lang ako sa mga doctor habang nakatingin kay Astreed at Stella.

"Hanggang dito na lang po kayo Sir. Bawal po kayo sa loob." Saad ng isang nurse at isinarado ang pintuan at naiwan na naman ang mag-isa dito sa labas.

Walang lakas na naupo ako sa isang upuan saka napahilamos na lang ng palad sa mukha.

Parang tuluyan na akong mababaliw.

Maya-maya ay narinig ko na may tumatawag kaya naman agad ko na lang sinagot. "I really need your help rightnow. Can you go to XX hospital?" Agad na saad ko habang nakatingin sa palad ko na puno na ng dugo.

"What happened?! Anong nangyari?" Agad na tanong nito.

"I see Stella today." Nakangiting saad ko at tumulo na naman ang mga luha ko.

"Talaga? Eh nag-propose ka na ba sa kaniya? Sinabi mo na ba na siya talaga 'yung mahal mo? Bakit andiyan ka pala sa ospital?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Hindi eh." Natatawang saad ko saka napatingin sa kisame. "Bago ko pa kasi masabi ay may nangyari na kaagad. Andito kaming tatlo ngayon sa ospital." Mahinang saad ko saka tinuyo ang mga luha. "Kaso sila na 'yung nasa hospital bed at sinisikap na buhayin ng mga doctor. Sa tingin mo kaya, iiwan ulit nila ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Anong pinagsasabi mo gago! Magiging maayos lang ang lahat. Sandali, papunta na ako diyan. Hintayin mo'ko." Namatay na ang tawag dahilan para para mapasapo na lang ako ng noo at  malakas na napabuntong-hininga.

Maya-maya ay nakita ko na si Nana na tumatakbo papunta sa gawi ko at agad akong niyakap ng mahigpit. "Maayos na ba ang lahat? Anong sabi ng doctor?" Tanong nito habang hinahagod ang likod ko.

"I don't know. Hindi pa sila lumalabas ng operation room. Nally, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Ayaw ko ng marinig ang sasabihin ng doctor. Natatakot ako." Pabulong na saad ko.

Makaraan ang halos pitong oras na paghihintay namin ni Nana dito sa labas ay tuluyan na ngang lumabas ang doctor mula sa OR.

"We're sorry, Mr. Zaragozaa. But your child didn't survive. She's dead on the spot. Sobrang lakas siguro ng pagbunggo ng track kaya tumilapon talaga sila at nabagok talaga ang ulo ng---"

"No. No. No. This can't be true... This can't be true!" Sigaw ko sa kaniya at napasabunot sa sariling buhok.

Astreed. My princess...

"I'm sorry to say but it is the truth, Mr. Zaragozaa." Saad ng doctor kaya napatulo na lang ulit ang mga luha ko.

"And how about Stella? The mother of the child?" Tanong ni Nana sa doctor.

"Madaming nabaling buto sa katawan niya at madami ring nawalang dugo. Mabuti at nadala niyo agad siya kaya naagapan ka agad. Kung napatagal pa kayo ng kaunti ay baka hindi na rin siya umabot ng buhay. But sadly to say, a bad news, masyadong malakas ang impact ng pagkabangga sa kaniya kaya nabagok ng malubha ang ulo niya. And this may lead to amnesia. Ngayon pa lang ay sinasabihan ko na kayo. Pwedeng hindi na kayo makilala pa ng pasyente paggising nito. Nasa 3 percent lang ang pinakamataas na pag-asa na maalala niya ang mga tao na naging malapit sa kaniya ng husto. And a good news, oo, hindi niya na kayo makikilala pero mananatili naman siyang buhay dahil doon. Masyadong nadamage ang utak niya kaya kapag may komplikasyon at maguluhan siya o may bigla siyang maalala ay pwedeng sumabog ang ugat sa utak nito at tuluyan siyang mamatay. Kaya nasa inyo na ang desisyon ngayon. Mamili na lang kayo sa dalawa kung ano ang inyong gagawin. Pero payo ko ay lumayo na lang kayo sa kaniya o hindi kaya ay huwag niyo ng ipaalala sa kaniya kung ano kayo dati sa buhay niya."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga narinig. Ayaw magsink in ng mga iyon sa utak ko.

"I'm sorry for your lost, Mr. Zaragozaa." Iyon lang at naiwan kaming dalawa ni Nana doon.

"Drake..."

"Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Bakit kailangang mawala pa sila sa akin. Bakit?!" Galit na sigaw ko pero niyakap lang ako ni Nana at hinagod ang likod ko.

"Magiging maayos din ang lahat." Saad pa nito.

"Alam namann nating hindi na manyayari 'yun." Mahinang saad ko.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon