Special Chapter: First Anniversary

844 54 2
                                    

Lumipas ang mga araw na puro trabaho na ang inaatupag namin dito sa kompaniya. Ako at si Drake, hindi, lahat kami dito ay subsob sa trabaho dahil sa mga bagong projects.

Halos limang oras na lang ang tulog ko simula ng nakaraan. Si Drake naman ay hindi ko na rin nakikita ngayon dito. Ang alam ko ay may business trip ito sa Japan at bukas pa siya babalik.

Sana ay hindi siya masyadong magpagod para hindi siya magkasakit.

"Bhie, una na ako. Out ko na pala." Dali-dali na lang umalis ang katabi ko at hindi man lang ako nakapagsalita.

Hayyy ang babaeng talaga 'yun oh. Palagi na lang nagmamadali.

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Tutok lang ang atensiyon ko sa harapan ng computer at ang mga daliri ay nangangalay na sa kakatype pero hindi ko na lang pinapansin iyon at nagpapatuloy na lang. Mas lalo ko lang mararamdaman ang pagod kapag  pinansin ko pa iyon. Tuluyan lang akong tumigil ng matapos ko na ngang gawin lahat ng mga dapat kung gawin.

Sa wakas natapos din!

Nag-unat-unat naman muna ako saka napahikab. Bigla na lang sumakit lahat sa katawan ko dahil natapos na ako.

Kahit nakaupo lang ako ay nakakapahod rin. Lalo na iyong likod at daliri ko. Hayyy.

Napatingin ako sa wrist watch ko at agad na nanlaki ang mga mata ng makitang 9:14 pm na.

Napalinga-linga naman ako sa paligid at napanganga ng makitang ako na lang mag-isa ang naririto. Wala na talagang tao maliban sa akin at ang tahimik na rin ng lugar.

Siguro ay hindi ko napansin dahil sa mga ginagawa.

Kinuha ko na lang ang bag ko saka nag-ayos na ng sarili at inayos na ang desk ko. Nang maayos na lahat ay naisipan ko ng umalis.

Bakit parang ang dilim ngayon dito sa kompaniya?

Siguro ay may nasirang ilaw na naman.

Bumuntong-hininga na lang ako habang hinihilot ang likod na sumakay sa elevator.

Habang nasa loob ako ay panay ang hikab ko. Kahit na sanay na ang katawan ko sa ganito, hindi talaga maiwasang hindi sumakit. Maaga atang tumatanda ang katawan ko.

Agad na akong lumabas ng makitang bumukas na ang pintuan ng elevator. Habang naglalakad ay agad kung nakita ang guard na nasa pintuan kaya ngumiti naman ako sa kaniya. "Mukhang pagod na pagod po kayo ah." Tatawa-tawang saad nito kaya natawa naman din ako.

"Ganiyan talaga kapag nagtatrabaho po tayo. Hindi maiiwasan 'yan." Saad ko naman saka tinapik na ang balikat nito. "Una na po ako." Paalam ko pa.

Balak ko na sanang magtawag ng taxi ng biglang napatigil ng makita si Drake na nakatayo sa harapan ko habang nakangiti at may hawak na bouquet ng rosas. "Stella, I'm back." Sambit nito dahilan para mapatakbo ako at agad na napayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Akala ko ay bukas ka pa makakauwi?" Tanong ko sa kaniya habang nakayakap pa rin.

"Happy Anniversary." Iyon ang isinagot nito at  agad na ibinigay sa akin ang dalang bulaklak na agad ko rin namang kinuha saka ngumiti ng napakatamis.

"Happy Anniversary!" Agad namang dumampi ang labi nito sa noo ko dahilan para mapangiti ako lalo.

"Let's go? Magpaparty pa tayong dalawa sa bahay." Natawa naman ako saka sumakay sa kotse nito.

"Akala ko ay bukas ka pa uuwi?" Tanong ko habang hinihimas ang bulaklak na hawak.

Ang ganda.

"Alam kung importante ang trabaho pero mas importante ka para sa akin. At ayaw ko na mag celebrate tayo ng magkalayo lalo na at Anniversary natin ngayon. Akalain mo 'yun? Ang tagal na natin." Napatango naman ako sa sinabi niya at hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa labi ko.

"And that is the best gift for me. Thank you for choosing me. I love you." Agad akong dumukwang at hinalikan ito sa pisngi.

"I love you too."

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon