Special Chapter: Coffee

788 55 2
                                    

"Good morning Stella! Mukhang maayos na tulog natin ah." Natawa naman ako at tinapik ang balikat niya.

"Medyo maayos na kasi humupa na 'yung mga trabaho ko." Sagot ko saka naupo na sa upuan ko at humarap sa computer ko pero agad na nakuha ang atensiyon ko ng kape na nasa mesa ko.

Andito na naman 'to?

It's been a month since may naglalagay ng kape sa table ko. Pero hindi ko alam kung sino.

Unti-unti namang gumuhit ang ngiti sa labi ko saka hinawakan iyon at ininom.

It's my favorite. Starbucks double latte...

Nagsimula na akong magtrabaho. Magaan na lang ngayon ang trabaho ko. Ewan ko kung bakit. Siguro ay dahil sa bago naming boss.

Sa mga tsisimosa ko lang rin narinig. Hindi naman ako masyadong updated sa mga ganap dito eh.

"Stella nakilala mo na ba 'yung bagong CEO natin?" Aniyang kinikilig pa.

"Ewan hindi eh. Sino ba?" Tanong ko sa kaniya at humigop ulit sa kape. Sarap.

"Me. Why? Do you need anything?" Nagulat naman ako sa biglang nagsalita kaya napatingin ako doon at agad na nakita si Drake na nakangiti.

"I-Ikaw?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.

"Kilala mo na si Boss, Stella? God! Tapos sabi mo hindi." Siniko ako ng katabi ko kaya napangiwi naman ako at napatingin ulit kay Drake.

"Pft. You look so shocked. Ayaw mo ata akong maging boss, hm?" Tatawa-tawang saad nito.

God! Kunin mo na akoooo! Hayop. Tapos noon ang dami ko pang kahihiyan na ginawa. Jusko!

"Let's go." Inilahad nito ang kamay.

"S-Saan?" Utal ko naman na tanong pero binigay pa rin ang kamay.

Baka sisisantehin na ako! Waaaaaah no!

"Somewhere else. Madaming mata na nakatingin sa atin dito." Tumango lang naman ako saka sumunod sa kaniya.

Ang sama ng tingin ng nga bakla sa akin habang ang iba naman ay nagsisitilian.

Nang makapasok sa elevator ay napahinga naman ako ng maluwag dahil wala ng mga matang nakatitig. "Are you okay?" Agad ko naman siyang sinampal sa braso.

"CEO ka pala dito tapos sinabi mo sa akin dati na Janitor ka. Ang layo ng CEO sa janitor, Drake! Baliw ka talaga." Saad ko pero tinawanan lang ako nito.

"Bakit? Mag-iiba ba ang turing mo sa akin kapag sinabi ko sayo?" Tanong nito.

"Malamang! Sabi mo kasi janitor ka kaya kung ano-ano naman ang tinatawag ko sayo. Tapos CEO na pala kaharap ko tapos hindi ko man lang tinatawag na boss. Hoy! Huwag mo'kong sisisantehin ah. Kailangan ko ng trabahong 'to." Kinapalan ko na ang mukha ko. Ayaw ko mawalan ng trabaho lalo na at maganda sweldo dito.

"Pft. Just act like before. And don't call me boss. Drake is okay for me. At bakit naman kita sisisantehin? Edi mawawalan na ako ng masipag na manager." Natawa naman ako saka nailing na lang at humigop na ulit sa kape na dala ko.

"So you really like it, huh?" Napatingin naman ako sa kaniya at napatingin sa kape na hawak ko at agad na nanlaki na naman ang mga mata.

"I-Ikaw ang naglalagay ng kape sa table ko?!" Tumango naman ito saka ngumiti.

"Nakikita kasi kitang palaging pagod at inaantok." Napakamot na lang ako ng noo.

Siya pala... God! Anong gagawin ko?!

"Salamat. Malaking tulong 'to sa akin tsaka paborito ko'to." Nakangiting saad ko.

"You will pay me back. Treat me a good meal." Tumango maman ako saka naglakad na palabas sa elevator ng bumukas ito.

"Got it. Tara. Kailangan ko pang bumalik mamaya sa office para tapusin ang trabaho ko." Nakangusong saad ko saka naglakad na.

"Madami ka pa din bang trinatrabaho? Masyado ka bang napapagod?" Umiling naman ako.

"Hindi naman na. Salamat sayo at hindi na masyadong madami ang trabaho namin sa opisina."

"It's nothing. Just treat me a meal."

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon