09

2.1K 126 19
                                    

Nagising ako ng maramdamang nanunuyo ang lalamunan ko at tila nauuhaw ako. Unti-unti ko namang iminulat ang mata saka napatingin sa tabi ko. "Nauna na ba siya sa baba?" Mahinang tanong ko sa sarili at bumangon na saka nagsusuot ng damit bago napagdesiyonan na bumaba pero bago iyon ay tiningnan ko muna si Astreed at nakitang gising na ito at dumedede kaya binuhat ko na siya habang nakangiti. "Si Mommy mo ba ang nagtimpla ng num num mo?" Tanong ko pa matapos pisilin ang pisngi nito.


Siguro ay tinupak kaya bumait kay Astreed.

Habang pababa sa hagdan ay bigla kung nakita ang dalawang tauhan na siyang nagbabantay sa pinto na ngayon ay nasa ilalim ng hagdan at nakatingin na sa akin. "May problema ba?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Si Ma'am Stella..."

"Ano si Stella?" Nakangiti tanong ko sa kanila habang inaayos ang pagkakakarga kay Astreed.

"Umalis..."

Bigla akong napatigil sa ginagawa at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko habang paulit-ulit na narinig ang salitang iyon.

Parang ayos naman kami kagabi, ah? Nagalit ba siya dahil sa ginawa namin? Pero hindi ko siya pinilit. Pareho kaming hindi lasing. Nasa tamang katinuan kaming dalawa pero hindi siya tumanggi... Kaya bakit?

Maybe she's still hates me...

"Paanong nakaalis? Akala ko ba nagbabantay kayo?" Naguguluhang tanong ko.

"Siguro ay maaga pa itong umalis kaya hindi namin namalayan o nakita ang pag-alis niya, Sir. Pasensiya na po."

Bumuntong-hininga naman ako saka tumango habang umiigting ang mga panga. "Go to this place."

Nang makitang umalis na ito ay nailing na lang ako saka dumeritso sa kusina at naupo sa upuan at napayuko na lang pero agad din na nakita si Astreed na nakatingin na rin sa akin. "Babalik din si Mommy sa atin. Babalik din siya." Nakangiting saad ko pero nakakuyom na ang mga palad ko.

This sucks.

Nilagay ko muna si Astreed sa crib nito saka pumunta na sa ref at kumuha ng makakain at dumeritso sa hapagkainan at mag-isang kumain.

Sobrang tahimik ng buong lugar. Parang mabibingi ka dahil sa katahimikan. Sinasakal ako ng katahimikan dahilan para mahirapan akong lunukin ang kinakain ko. Marahas na bumuntong-hininga at nagpatuloy na lang sa pagkain, iyon na lang ang ginawa.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at ng matapos ay  naghugas naman ako ng mga pinagkainan ko saka naglinis na rin ng bahay. Ayaw kung mabakante dahil tiyak na maiisip ko na naman si Stella at kakainin na naman ako ng lungkot.

Nang matapos ay agad naman akong umakyat sa taas saka naligo na dahil masyado na akong marumi. Baka magkasakit si Astreed kapag hinawakan ko ito na marumi pa ako.

Hindi rin ako masyadong nagtagal sa pagligo dahil naiwan ko si Astreed sa baba. Baka mamaya ay umiiyak na iyon.

Nagsuot lang ako ng pambahay na damit saka bumaba na at pinuntahan si Astreed. Sa kaniya ko na lang muna ibinuhos ang buo kung atensiyon.

Agad naman akong napatingin sa pinto nang bigla na lang itong bumukas at nakita ko si Stella na hawak-hawak ng dalawang lalaki.

"Bitawan niyo ako! Ano ba?! Bitawan niyo sabi, eh!" Pagsusumigaw pa nito at tumigil lang nang makita kami ng anak ko pero agad din itong nag-iwas ng tingin kinalaunan.

Senenyasan ko na ang dalawa na bitawan na si Stella at umalis na. Naiwan kaming tatlo sa loob ng bahay. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at nagsimulang maglakad papunta sa dining room.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon