Chapter 4

11.7K 697 262
                                    

Kung sakit lang ang love, malamang sa malamang ay may taning na ang buhay ko.

Hay...ito na nga ba ang sinasabi ko. Once na makita ko si North, magloloko na naman puso ko. Kung kanta lang si North, malamang may LSS na ako.

Shit, korni ko.

Kanina sakit, ngayon naman kanta. Ano pa bang pwede kong ipagkumpara ng sitwasyon ko? Gusto ko na lang manakit ng sarili.

Kung maririnig ako ni Jean, may pakiramdam ako na hahagisan niya ako ng timba. Ayoko mang-asar ng buntis at baka literal na umikli buhay ko.

Enough na kasi dapat yung nagkita kaming lahat. Pero wala — out of impulse ay nagkusa akong i-message siya, lumabas kami — at ngayon nga'y napagtripan naming it-treat ko siya ng halo-halo kahit saan.

It's been a week since that day na lumabas kami na kaming dalawa lang — just a week — and she was able to turn my life upside down once again.

Hindi naman niya kasalanan pero parang ganoon na rin.

Bumangon na ako kahit masakit pa rin ang ulo ko. It was already seven in the morning and ilang oras lang akong nakatulog. Isa sa dahilan kung bakit sleep deprived ako today ay dahil puro si North ang nasa isip ko, ni hindi ako nakapaglaro ng maayos kagabi.

Minsan hindi ko na rin sure kung anong gagawin ko sa buhay ko. Wala naman akong pinaglalaanan ng mga bagay-bagay. Sa family, hindi naman ako nagp-provide at stable na sila dahil meron silang business sa province.

May ipon ako pero wala rin naman akong gagawin sa ipon ko, baka kahit tumigil ako sa pagtatrabaho, mabubuhay pa rin ako ng mga ilang buwan o taon. It was enough to stay unemployed for a while, but my body was already used working and spending time like this.

But now I was having the urge to pack up and live somewhere, yung mas mahihirapan akong makita si North. Pero parang ayaw naman ako sundin ng katawan ko.

Ito na naman ako.

Paris Avegail Sebastian, you're in serious trouble.

Pagkatapos ko magligpit ng higaan at mag-ayos ng sarili ay tulala na naman ako. Dati ayos lang na ganito ang setup ko, ngayon ay hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot.

Suddenly, my place felt empty. It was big but the silence was somehow killing me. The bed was now too big for me.

Life like this should be considered lucky, I can live however I want, I can go to places, play a lot, buy anything I want — but it's just, really...

Ah, ayoko na! Magj-jogging na lang ako!

Minsan talaga hindi rin nakakatuwa na single lang talaga ako for years, eh. Sana tinotoo ko na yung boyfriend kuno ko. We tried, though, we just decided that it won't surely work out.

26 years old — pwede na magpakasal pero ni jowa wala. Buti pa si Jean, happily married and with baby on the way na. Ilan sa kaibigan ko may love life na at umuusbong na love life. Ang wala na lang ay sina Yuka, Jade, at...North.

Si North na hindi mo malaman saan kinukuha ang standard.

Hindi ko pa rin nalilimutan yung tingin na 'yon ni Jade kay North no'ng magkakasama kami sa mall. Feeling ko talaga may gusto siya kay North, eh.

Sino ba namang hindi? Ako nga ilang taon nang may tama ro'n sa tao, si Jade pa ba? Si Jade na laging may babae. Nakakapikon.

Tumingin ako sa salamin at nag-ayos ng buhok. Mas maganda naman ako kay Jade — dala-dala rin ng sarili minsan — mas matangkad lang siya sa akin pero kung titingnan, mas matino ako.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon