Chapter 5

10.7K 608 125
                                    

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hinahanap yung room ko. Inagahan ko na nga yung pasok pero ang dami pa ring mas naunang mga estudyante sa akin.

Sobrang ingay, ang daming mga palakad-lakad. Lahat kami tinitingnan kung saang room nakapaskil ang mga names namin. Hindi ko pa rin sure kung anong section ako, basta tinuro lang kung saan ang building ng mga first years.

Yung ibang mga nakita na ang section nila, nasa loob na ng classroom, yung iba nakatambay pa rin sa labas. Ang aga pa pero mainit na kaagad.

Nahinto ako ng mabasa ko na sa wakas ang pangalan ko.

I - Camia. Paris Avegail Sebastian

Camia ako, Camia! Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong section, saka ko lang napagtanto na based sa flowers lahat ng section. Parang no'ng elementary lang ako.

Inayos ko yung malaking bag na suot ko. Para akong hanger na nilagyan ng bag at uniform. Matangkad ako sa karamihan ng mga estudyanteng nadaanan ko kaya feeling ko nakakailang. Galing din naman akong elementary, sadyang matangkad lang.

Wala pang pumapasok sa loob ng classroom kaya nahihiya ako pumasok. Nasa harap lang ako malapit sa pintuan, kunwari tambay lang, naghihintay na may mauna.

Hindi rin naman nagtagal ay may pumasok na nga, grupo sila ng mga babae na tingin ko mga magkakakilala na sa elementary. Pumasok na rin ako at may nakasabayan pa ako na nabunggo ko dahil excited ako.

"Sorry," Sabi ko sa nakabunggo ko.

Medyo maliit siya, siguro hanggang tainga ko. Lumingon siya sa akin at medyo napatitig ako sa kanya kasi ang ganda niya! Brown na brown ang mata nito pero para siyang emo na hindi ko maintindihan. Medyo nakaharang kasi yung side bangs niya sa kanang mata tapos ang seryoso nito tingnan. Maputi rin siyang baya na medyo rosy ang dating, hindi maputla.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon