Chapter 2

13K 697 140
                                    

Kumunot ang noo ni Jean nang mapansin niyang nagiging uneasy ako habang nasa kabilang linya lang si North. Pinilit kong mag-relax. Ayoko namang maging obvious kahit na sabihin pa na may boyfriend ako. Which is hindi totoo.

"Gail? Still there?" Halos mapalundag yung puso ko nang marinig ko ulit ang boses niya. I tried not to grip the phone hard. I can feel my breath starting to get uneven, I was beyond tensed. Chill ka lang, Gail. Huwag ka magpahalatang kinikilig ka.

"Ah, oo," Sagot ko habang todo effort sa pagpapa-cool ng boses ko. Baka sakaling magandahan siya. "Sorry."

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Mas lalo pa yata akong nahuhulog dahil sa boses ng dalaga. I don't know how it happens, falling harder and harder for her ─ and it's been happening for years. I'm not so certain if there's any way out in unloving North. "So, why did you message me?"

"Mangangamusta lang sana?" Patanong na sagot ko. I almost wanted to punch myself dahil sa kasablayan ko.

She's right to ask. I don't really message her at all unless it's needed. Nahihiya rin naman kasi ako bukod sa hindi ko alam ang sasabihin. Bihira naman din kasi kami na maiwan na kami lang dalawa, madalas ay kasama namin sina Jean. And when we're alone, my mind is always in a mess.

"Patanong?" Nasa tono niya ang pang-aasar. "Anyway, I'm fine. How about you?"

"O-okay lang din." Napatingin ako kay Jean na nagtatanong kung sino raw ang kausap ko. I just mouthed North and she just nodded in return. Mukhang wala naman itong naiisip na iba. "Busy ka ba? Baka istorbo ako, ah."

"Nope," sagot nito, "Actually nasa bahay ako. Wala akong klase kapag Friday and weekends."

"Oh, okay..." Hindi ko na alam kung anong sasabihn ko. Napapikit ako sa asar. Bakit ba pagdating kay North, nawawalan ako ng boses? Baka akalain niya hindi ko siya gustong kausap!

"Hm?"

"Hm?" Halos ginaya ko lang siya. Pinanood ko lang si Jean na umalis sa harapan ko. Mukhang maghahanap 'yon ng makakain sa kusina ko. Mabuti na lang nakapag-grocery na ako.

"Wala ka bang sasabihin?"

"Uhm..." Nagpalakad-lakad ako ng paulit-ulit. Maya-maya lang din ay umupo ako sa couch. I tapped my lap with my fingers. Sasabihin? Anong sasabihin ko? Hindi ko naman kasi ine-expect na tatawag siya pagkatapos kong mag-chat. Gosh, ano na? "Uhm..."

"Hindi ka pa rin nagbabago." sabi nito. Feeling ko nakangiti siya ngayon base sa tono ng boses niya. "Mahiyain pa rin. Ang cute mo."

Parang umuusok na yata yung bumbunan at tainga ko sa sobrang init ng pisngi ko. Yung puso ko, paano na?

"Itsura mo." Dinaan ko na lang sa biro yung sinabi niya. "Maganda ako. At astig din."

"Wow, lakas magbuhat ng bangko." She laughed. "Kidding aside, you want to hangout?"

Hang...out...

Totoo ba yung narinig ko? Niyayaya niya ako? As in? Oh, my gosh. Napatakip ako sa bibig gamit ng likod ng palad ko para pigilang mapatili sa kilig. I stomped my feet in silence.

"S...sige." I cleared my throat. My face felt like burning knowing that my voice sounded excited. "K-kailan mo ba gusto?"

"Okay lang kahit ngayon."

Hmm...wala naman akong gagawin. At isa pa, chance ko nang makasama si North ng kami lang dalawa. Masosolo ko na siya! At baka...baka...

Hay. Asa namang makaamin ako. Ilang taon na akong in love sa kanya pero ni minsan ni hindi ko nagawang umamin kahit na nabibigyan ako ng chance na masolo si North. Noon pa man, hindi ko na talaga siya maabot. Madalas kong maisip na sobrang malas ko siguro kasi sa lahat naman ng magugustuhan ko, si North pa na kaibigan ko. Ang masama, babae rin siya katulad ko.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon