Chapter 7

10.9K 644 68
                                    

Parang panoorin ko pa lang si North kumain ng halo-halo, busog na ako.

Parang gusto ko na rin ibitay ang sarili ko dahil sobrang korni ko na, nag-start lang naman 'to ever since ma-involve ulit ako sa kanya, eh.

She looks good with my clothes though...

"Busog ka na ba?" Lumingon siya sa akin saglit at inginuso ang kinakain ko.

Umiling ako at sumubo na para hindi siya mag-worry or what. "Natulala lang saglit."

"Why? Don't think too much."

"Hindi, wala lang naman." Natawa ako kasi yung way ng pagkakasabi niya parang anytime ay pangangaralan na niya ako. "Minsan lang talaga natutulala ako."

"Ay, sus." Umiling siya. "Do you want to go somewhere else after you get your haircut?"

Seryoso pala talaga siya sa haircut na plano. Kung pupunta man kami ay baka trim lang ito dahil hindi pa naman ganoon talaga kahaba ang buhok ko.

"Saan naman?"

"I'm not sure."

"Parang hindi ka busy, North, ah."

Nagkibit siya ng balikat. "Busy rin, hindi lang halata siguro. Ikaw nga parang madami kang free time, eh."

"Sakto lang na libre ngayon. Baka sa susunod may next sched na ako."

"Is it hard to work sa choice of career mo?" tanong niya. She looked really interested. Sabagay, hindi naman kasi namin napag-uusapan ang trabaho ko since hindi naman kami laging magkasama. Bibihira yung ganitong moment na kami lang.

Baka nga last moment namin no'ng college pa tapos muling ibalik lang yung ngayon. Kahit wala namang kami, nagd-drama lang talaga ako.

Hay...hirap maging in love. More than 20 years na akong jowaless. May jowa nga, imaginary naman. Siguro makikita ko na lang sarili kong senior citizen na pero wala pa rin, tatakasan na lang ako ng menstrual cycle.

"Gail, isa lang tanong ko, parang ang dami mo namang iniisip." Tinaasan niya ako ng kilay pero ngumiti naman din siya. Parang ang sungit niya saglit.

"Okay lang naman, nakakapagod din, pero sulit kapag kung saan-saan ka nakakarating. Kapag nags-stay kami sa isang place, sagot naman ng company ang hotel accommodation namin. Nakakapaggala rin ako kapag may time, nasa IG ko kaya lahat ng pictures." Mahabang sagot ko. "Wait, may Instagram ka ba?"

"Wala." Ang bilis ng pagsagot niya. "I don't like taking pictures."

"Sabagay, kahit Facebook mo wala masyadong laman."

"Seldom use it." Tumango siya at natawa. Minsan nga napapansin ko rin ay naka-deactivate ang Facebook niya pero active naman ang Messenger nito. "Gumagamit man ako, madalas ay Messenger lang. Para sa mga students ko, pa-gc-gc na lang."

Tumango naman ako. Wala talaga siyang interes sa social media. May pictures naman siya ─ doon nga galing yung mga photos na sine-save ko ─ pero mas marami pa yata siyang pictures sa account ni Jade dahil ayon ang mas active sa kanilang dalawa. So, okay na rin kahit may pagka-private ang account ni North.

Mas active naman ako sa IG although nag-u-upload lang talaga ako ng photos and hindi nagc-check ng comments or anything.

Madalas tambay ako sa Facebook...para tingnan pictures ni North. Ang stalker ko, ang pitiful talaga.

"Hindi mo talaga bet gumamit ng SNS, 'no?" sabi ko sa kanya. "Parang ever since yata, hindi mo na trip. Remember, nauna kayo nina Jade magkaroon ng phone kaysa sa amin pero parang buong class yata inikutan ng phone mo."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon