Chapter 8

10.8K 643 152
                                    

"Dala mo bike mo?"

Napalingon ako kay North. Nakatingin lang siya sa mga chine-check na files, kasama namin yung isang first year na nahila niya para tumulong sa amin kanina kaya napabilis kami sa paggawa.

"Oo, bakit?"

Missing in action kasi si president. Kung nasaan man iyong babaeng 'yon, ewan na rin namin. Pero for sure, kung hindi napatambay sa faculty dahil nautusan ng teacher, baka nahila para mag-basketball.

Si North, nang mag-fourth year, lalo yata naging mailag sa pagpasok sa school. Gusto niyang napasok, pero tamad sa klase. Hindi nga lang obvious, paano ba naman kasi kahit hindi yata siya mag-review ay isa pa rin siya sa nagt-top. Parehas sila ni Jade, kahit isa ring baliw 'yon.

Pero gusto niya mag-asikaso ng files at kung anu-ano pa. Gusto niya rin ang aircon dito sa room dahil pa-special ang student government. Hindi naman ako nagrereklamo.

"Gala tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

Nagkibit siya ng balikat. Nilingon niya yung kasama namin na tahimik lang na nakaupo. Wala naman na kasi kaming ginagawa dahil si North na lang halos ang nags-sort, after no'n ay ayos na lahat. "Rosendale, nag-bike ka rin ba ngayon?"

"Hm-mm."

"Sama ka sa amin?"

Napatingin sa kanya yung bulilit. Actually hindi naman siya mukhang bata, mas dalaga pa yata siya tingnan sa amin. Matangkad din kasi siya although mas lamang pa rin ako ng ilang centimeters, magkasimputi sila ni North pero mas pale tingnan yung sa kanya.

Ang weird ng nga first years, parang nauuna pang mag-mature sa amin. Dugyot-dugyot pa ako noon, eh.

"I'm fine hanging out with you, Hansen."

"Nosebleed." Napahawak ako sa ilong ko as a joke. Napatingin tuloy siya sa akin, nginitian ko siya pero wala naman siyang reaction. "Formal mo masyado."

Ang bata-bata pa nakaka-intimidate na. Feeling ko ako yung first year sa amin.

"Nahihiya lang 'yan," depensa naman ni North. Lumapit pa siya kay Rosendale para umakbay. "Right?"

"Hmm."

Parang hindi naman.

Napasandal na lang ako at naglabas ng PSP, maglalaro na muna ako habang nagpapalipas ng oras.

Napatingin ako saglit kay North. Na-busy na ulit siya sa ginagawa. Ang ganda niya tingnan kahit saang angle, o kahit ano pang ginagawa niya. Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ko na parang bumibilis yung heartbeat ko dahil lang sa pagtitig sa kanya.

Girl crush ko lang naman siya pero lagi na lang ganito reaction ko, hindi naman ako ganito kapag nagkaka-crush ako sa lalaki. Sobrang weird.

Pansamantala akong na-focus nang magsimula yung game sa PSP ko, pero agad ko ring ni-pause kasi parang may nakatitig sa akin ─ which is si Rosendale.

Tiningnan ko rin siya pabalik, isa rin siyang weird, eh.

Pinutol niya ang titig at nilingon si North, tapos binalik niya rin sa akin after ilang seconds. Umiling-iling siya.

Saka ko lang na-realize na gets niyang crush ko si North kahit wala naman akong sinasabi. Shit. Anak ka ng tokwa, oo.

Pasimple kong nilagay ang hintuturo sa lips ko, telling her to stay mum about it. Ngumiti siya sa akin at nagkibit ng balikat.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon