Chapter 9

10K 662 130
                                    

"Paris Avegail Sebastian!"

"Pasaway ─ Jean!" Bumilis yung tibok ng puso ko nang bigla siyang sumigaw sa tawag nang sagutin ko. Hindi pa nga ako nakakapag-hello, ganoon na kaagad.

Nawala bigla antok ko but I feel so exhausted.

"Nakauwi ka na ba?"

Humikab ako. "Oo."

It was a long haul flight. Ang tagal kong hindi nakauwi, it was so tiring despite the long overlays. The places we've been to were great, the accommodation was superb as well. But I guess it'll take forever to get used with being away from people.

Nag-unat ako, may tumunog na buto sa akin. Tumatanda na yata talaga ako, mas mabilis nang sumakit buto-buto ko sa katawan.

"Good, tara gala!"

"Sa lahat ng buntis, ikaw yung parang kalahi ni Dora."

"Tangina ka," Natawa siya. Napangiwi ako sa lutong ng pagkakamura niya sa akin. "Kailangan ni baby ng different sights!"

"Hindi naman niya nakikita, eh."

"Whatever, loser Gail. May nahanap akong magandang massage spa. Alam kong nirarayuma ka diyan kaya tara na at mag-relax, saan ka pa!"

Bigla naman akong nabuhayan. Mukhang kailangan ko na nga talaga, ang tagal na rin nang huli akong makapagpa-massage. "Sige, tayo lang ba?"

"Saturday naman ngayon, baka may mahila tayong biktima."

"Biktima ka riyan." Natawa ako, aga-aga comedy na naman 'tong si Jean.

"Sige, balikan kita mamaya. Maghahanap lang ako ng maaaya pa. Send ko sa'yo details ng time and location later. Kumain ka na diyan, ciao!"

Pinatay na niya kaagad ang tawag bago pa ako makasagot. Mukhang excited talaga makalabas. Pwede naman siguro magpa-massage kahit buntis? Ayoko na lang itanong sa kanya, ginagawa naman no'n kahit anong gusto, eh. Ang gaan-gaan ni Ian sa kanya.

Mabuti na lang talaga at siya palang ang nag-aasawa, hindi pa masyadong napag-iiwanan.

Bumangon na ako nang tuluyan dahil magt-ten na rin naman pala ng umaga. Masyado nang mainit ng ganitong oras kaya malabo nang makapag-jogging ako, nakakatamad din naman mag-bike. I'll just focus on relaxing later.

Pagkaligpit ko nang higaan ay napahinga na lang ako ng malalim sa mga damit na nagkalat sa maleta ko. I wasn't able to fix it kaninang madaling araw pag-uwi ko dahil na rin sa pagod.

"Kakain muna ako," sabi ko sa sarili. Muli akong nag-unat.

Pumunta ako ng kusina at nag-prep ng kung ano mang stocks ang meron ako ─ at doon ko napagtantong wala nang stocks bukod sa oatmeal. Mukhang mapapa-grocery na rin ako mamaya.

Sakto namang kakain na ako ay naka-receive ako ng chat galing kay Jean.

Jean Timcang: Decided na! Gawa ako gc!

Naramdaman ko ang pagsasalubong ng kilay ko. Aba himala? Parang ito pa lang yata yung second time na bubuo siya ng gc. Yung dating gc naman kasi ay walang halos nagc-chat. Paano, basta na lang kaming in-add pero wala naman siyang sinabi kung anong purpose no'n. Ni walang name yung gc.

Hindi nagtagal ay na-add na nga ako ─ at nakakaloko yung gc name ─ The Therapists! Kami ang im-massage, hindi kami ang masahista!

Ako ang unang na-add, sunod si Yuka, then si Apple, si Jade...and si North.

Parang tanga na naman ang heartbeat ko sa pagpaparamdam. We haven't talk ever since our last hangout, tapos sa buong oras na nasa shift ako ay hindi naman ako nag-attempt na i-message siya dahil una, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang weird lang na kausapin siya dahil lang sa lumabas kami ng ilang beses. She never tried to message me as well anyway. Ayoko makaramdam ng disappointment pero hindi ko mapigilan.

Hindi naman din kasi niya kailangan mag-effort sa akin kung tutuusin, alam ko naman na hindi niya hilig makipagpalitan ng messages unless kailangan.

Jean Timcang: Kamusta, mga kamosang!

Muntik na ako mabulunan sa itinawag niya sa amin. Kung anu-ano na naman natututunan niyang salita!

Alice Yuka Edlarr: 🤞

Apple Lagan: Hi ahahaha

Jade Asia Leighton: Uy may pa-gc ang lider natin! Kailan GEB?

May saltik din si Jade, maka-GEB akala mo nasa clan kami no'ng mga highschool pa, ang old school nito.

Hindi ako nag-chat pero nakikibasa lang ako. Medyo nanlumo pa ako dahil mukhang hindi pa yata alam ni North na may gc na dahil wala siya ni pag-seen, kung alam man, baka busy.

Jean Timcang: Today is Saturday and it's a miracle na available tayong lahat! Let's go be a therapist!

Nag-change sila ng nickname isa-isa. Binago ko na rin yung akin, from Avegail Sebastian to Gail. Nakita kong binago rin ni Jade yung name ni North nang walang paalam. From North Louise Hansen to Hilaga.

North rarely use her second name, ayaw naman din niya kasi. Sabagay, mas unique ang North na pangalan. Pero sira din 'to si Jade, lagi na lang Hilaga ang tawag doon sa isa.

Jade: Ako na masahista ninyo. 😈

Yuka: G!!

Apple: Mabigat kamay mo Jade. No thanks ahahaha

Jean: Char lang nakapag-set na ako ng appointment ah, later tayo at 3pm walang male-late

Gail: Ikaw lang naman laging late eh.

Apple: True ahahaha

Yuka: Oo nga 🤷‍♀️

Jade: I third the motion.

Jean: 💢💢💢 Treat ko pa naman sana

Jade: We ❤ u

Apple: Ikaw na ba si Mrs Right?

Yuka: Maraming salamat MasteRr!

Parang mga bata mag-usap 'tong mga ito.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na kaagad yung pinagkainan ko at yung nagamit sa pag-prep ng oatmeal. Muli akong bumalik sa kwarto, aayusin ko muna yung mga nakakalat na damit bago maglinis ng mabilisan at maligo.

Tumingin ulit ako sa phone ko dahil panay ang vibrate, halatang nag-uusap pa rin sila. Kumabog ang puso ko nang makita kong nag-seen na si North! Wait naman! Kung kailan may gagawin ako!

Hilaga: Hello.

Jean: Aba miracle again?!

Apple: Yow! ahahahaha

North Louise Hansen set the nickname for Jade Asia Leighton to Lipton.

Edit

Lipton: HOY

Hilaga: 😛

Yuka: Magkatuluyan kayo 😘

Lipton: I have high standards.

Jade Asia Leighton set the nickname for North Louise Hansen to Nilaga.

Edit

Nilaga: And I'm straight.

Basta ko na lang binagsak ang cellphone sa kama at dumiretso ng banyo. Ang aga-aga mga mapanakit ang mga 'to. Parang ayoko na lang tumuloy sa lakad namin...pero gusto ko rin siyang makita.

Hindi ko alam kung mapapanatag ako na straight si North so malabo siyang magkagusto kay Jade o masasaktan dahil straight siya at lalong malabong magkagusto siya sa akin.

Shit. Ang masokista mo, Gail.

_____

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon