Chapter 50

12.8K 714 232
                                    

"Ano't parehas kayong nilalagnat?" Parang nanay si Jade kung sabihan kami.

Tulad ng sabi ni North ay hindi nga kami nakauwi kaagad. Akala ko ako lang ang gigil pero hindi. She really did take her time, parang gusto ko nang umiyak sa pagod kagabi — eh, pagod din naman siya.

Akala niya, siya lang top? Siyempre hindi. So ang ending, parehas kaming masakit ang katawan lalo na sa part na ─

"Pagod." Ang maikling sagot ni North. Hinila ako nito palayo.

"Saan napagod?" Patuloy pa rin si Jade sa pagbuntot sa amin. Pagkayakap kasi niya sa aming dalawa ay napansin niyang ang init namin kaya agad itong kumuha ng thermometer at doon lang din namin nalaman na may lagnat na kami. No wonder we both feel so tired and light-headed. "Ano bang ginawa ninyo?"

"Where's the twin and South?" North asked instead. Ako naman ay napatikhim at nagkunwaring walang pakialam dahil biglang nag-replay sa utak ko lahat ng rason kung bakit kami pagod. Especially that it still hurts whenever I move. Kahit si North ay nahuhuli kong napapangiwi minsan although mabilis mawala sa expression niya at nagmumukhang okay na naman. Natigilan ako at sinubukan huwag nang mag-isip masyado.

Gail, huwag kang ano!

"Si South ay pumunta sa office ng Dad ninyo. Yung kambal tulog pa yata."

"We'll just take a rest then," North whispered. Halata na ring tumamlay ang boses nito.

Pagpasok namin sa kwarto ay pinagsarhan niya kaagad si Jade ng pinto na hindi na nakapag-react matapos kunin ni North yung mga gamit ko sa kanya na kinuha nito matapos malamang nilalagnat kami.

"Ay, bastos," Makailang beses itong kumatok pero naka-lock na ang pinto. Umiling lang sa akin si North habang nangingiti. "Pagsarhan ba naman ako."

We waited for awhile matapos ilagay sa tabi ng closet ang mga gamit ko, hanggang sa marinig ko yung papalayong hakbang ni Jade. I realized na habang tumatagal ay nagiging object of bullying na yung friend namin na iyon ni North. Kaya kahit sina East siya ang trip, eh. Masaya kasi asarin, laging may reaction. No wonder South likes to give her cold shoulders as well, clingy rin kasi at maasikaso.

North motioned me to lie on the bed. Akala ko ay susunod ito pero bigla itong pumasok ng cr. Paglabas niya ay may dala na siyang towel and maliit na basin. Inilagay niya iyon sa sahig sa gilid ng kama bago kumuha ng damit.

"Nahihilo ka pa ba?" tanong niya.

"Medyo."

"It's still early," Sinipat niya ang relong nasa pulsuhan bago iyon alisin at ipatong sa bedside table. "I'll make something for you to eat para makainom kang gamot."

"May lagnat ka rin kaya," Bumangon ako at kinapa ang noo niya. Mainit din iyon. "How are you?"

"I'm okay," she told me. Binanlawan niya yung tuwalya at piniga. She started wiping my skin. "I don't actually feel that sick kahit may lagnat ako. Siguro nasanay lang."

"Kahit na." Giit ko. Nginitian niya lang ako at tinuloy ang ginagawa hanggang matapos. "Sabay na lang tayo kumain? Okay lang naman din ako."

"Sure ka?" Tinulungan niya akong magpalit ng damit. Nahuli ko pa ang paggala ng mata nito sa katawan ko at pasimpleng paglunok. The memory of what happened yesterday was still fresh, kahit naman ako ay maya't maya ko pa ring naaalala. It was sweet and romantic and very intimate. "Anything you want to eat?"

"Kahit anong soup na easy to cook." I told her. Ayoko naman masyado siyang matagalan sa pagluluto. Kahit ba sabihin niya na okay lang siya ay may sakit pa rin siya. She also needs to take care of herself, hindi pwedeng ako lang ang aasikasuhin niya.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon