Chapter 23

12K 785 195
                                    

Halos hindi ako nakatulog.

Bukod sa namamahay ako rito kina North ay parang tanga na paulit-ulit na nagr-replay sa utak ko halos buong gabi yung kiss naming dalawa at yung low-key na pag-amin niya ng nararamdaman.

Gosh, kung wala lang ako rito sa guest room ng pamamahay ni North ay iisipin kong nananaginip lang talaga ako at hindi totoo yung nangyari kagabi.

Eh...totoo.

North really has feelings for me, it seems. Unless mali pa rin yung intindi ko sa mga ikinilos niya kagabi ─ na impossible naman na yata. I may be a little slow to pick up on her gestures pero hindi pa naman siguro ako ganoon ka-dense at ka-doubtful.

Ngayon, hindi ko na alam...bale, I should court her, right?

We haven't talked about it last night. I just know na mutual na ang feelings namin but that doesn't mean na dapat maging kami na. Kung ganoon kadali iyon, edi sana walang nagsasabing complicated ang buhay pag-ibig.

Kailangan ko pa rin siya tanungin kung anong status naming dalawa. Kung ako, ready ako sa relationship. But how about her? Being able to love someone doesn't mean they're ready to commit.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos. Suot ko na ulit yung damit na nilabhan ni North. Inamoy ko ito at napangiti, it smells like her.

Naglakad lang ako hanggang makababa. Tulog pa kaya si North?

Naisipan kong magliwaliw sana pero mas tama yata kung mapirmi na lang ako sa iisang pwesto. Kaya tinahak ko na lang ang daan papuntang sala. Tahimik akong naupo sa sofa at inilibot ang tingin sa kabuuan ng paligid kahit na nakita ko na naman ito kagabi.

I can't help but feel amazed. The only thing was, this house doesn't really feel like there's a signature of North's in it. Cozy, pero kung hindi ko lang alam na dito siya nakatira ay iisipin kong iba ang nakatira dito.

Ang weird lang isipin na hinahanap ko yung personality ni North sa living room nila.

"Gail?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Bakit...bakit nandito si Jade? Based sa overall appearance niya ay kakagising niya lang. Nakatakip ang bibig na napahikab pa nga ito. Nakapambahay din siyang damit at sa kilos niya pa lang ay mapapansin kaagad na sanay and at home siya rito.

"Good morning." Napapaisip man ay binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit parang naninikip ang dibdib ko. Bakit siya nandito? Anong meron? "D-dito ka nakatira?"

Tumango siya at napakamot sa leeg. "Ilang months na rin. Eh, ikaw? Si North ba hinihintay mo?"

"Ah, oo." Automatic na sagot ko, hindi ko maiwasang mapangiti nang rumehistro ang mukha ni North sa isipan ko kasabay ng pagragasa ng mga ganap kagabi. Pansamantalang nawaglit sa akin ang nakakapang...selos.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may dumating ulit pero hindi naman si North.

Napalingon si Jade sa tinitingnan ko at para bang nanigas ito sa kinatatayuan.

"South..." mahinang sambit nito na sapat lang marinig ko.

South? Is she...? Teka, parang masyado yata akong nao-overwhelm sa nakikita, ang aga-aga.

Pinagmasdan ko yung maliit na babaeng tinawag ni Jade na South. Halatang inaantok pa ito dahil papikit-pikit pa.

I caught myself staring at this girl's blue eyes. She's really pretty, maamo ang mukha niya pero para bang ang lalim niya tumingin. Her long wavy hair looks a little messy, parang hindi pa nga yata nadadaanan ng suklay, pero for some reason ay walang kapintas-pintas sa parteng iyon dahil maganda pa ring tingnan. Kulang yata yung word na maganda ─ more like mesmerizing?

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon