Chapter 49

14.1K 751 441
                                    

Para pa akong nanibago pagdating namin sa bahay ko. It was still the same, but for some reason, my heart felt like it's now longing to North's.

Saglit pa lang naman ang stay ko sa kanila, I think almost a month na. Pero it feels like I've been living with them since the first day.

Dapat last last week pa lang ay pupunta na kami rito pero nagbalik trabaho na rin kasi ako, sabay no'n ay start na rin ng semestre sa university kung saan nagtuturo sina North.

Wala naman kaming gagawin dito kung hindi mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa kanila. After talking about it ay decided na talagang magsasama kami. I loved the idea and I think it's okay to rush our relationship a bit.

We've been waiting for years anyway. Parehas na kaming adults at stable na sa buhay. It's not like we're going to get married agad — ayon siguro ang mas kailangan paghandaan.

Tsaka hindi pa naman kami tanggap nina Tatay. And then North has no plans yet of coming out to her Dad. Parang wala lang talaga sa kanya. Okay lang naman din sa akin, kasi approved naman na ang relationship namin sa mga kapatid niya.

Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko yung nangyari bago kami umalis. Tatay's words kept repeating in my head, even the look Kiya Dijon gave me. Pero after spending my days with the Hansen's and Jade's, I realized that I won't gain nothing dwelling with it but pain.

North let me cry and sulk for as long as I wanted. Ni hindi ito halos nagtatanong kung hindi naman kailangan. She's so understanding to the point that I started understanding that things don't always go as planned, or as expected.

I did expect the worst, though. I just didn't know that it would be so painful. No'n lang ako nasabihang disappointment ako.

Sana lang someday mapagtanto rin nila na walang mali sa napili ko. At lalong hindi disappointment na si North ang mahal ko.

"Oh...sexy." Napalingon ako kay North nang marinig ko ito kasabay ng cute na pagtawa. Nanlaki ang mata ko nang makitang hawak niya ang isa sa bra ko — and it was the sexy type! Yung bigay sa akin ni Jean dahil kulang daw ako sa landi sa katawan! Oh, gosh! "Didn't know you wear this kind of material."

"T-teka —" Mabilis akong lumapit at inagaw iyon sa kanya. Pero kinailangan ko pang makipag-agawan dahil ayaw niyang ibigay iyon. "North!"

It was an almost see-through black brassiere, laced flowery design, and with multiple shoulder straps. May pares din iyon na pambaba — na siyempre ay daring din.

Sino ba naman magsusuot no'n? Malabong ako. Ni sa hinagap ko ay hindi ko ma-imagine na isusuot ko yung ganoong panloob. Hindi ko lang maitapon dahil kinokonsensya ako ni Jean na mahal daw iyon at regalo niya iyon sa akin.

"Why do you have this, hmm?" Halos pamulahan ako ng mukha nang i-sway niya pa iyon. Jusko. She was holding both of my hands with one hand and the grip was somehow strong, hindi ko maalis. "Paris Avegail?"

"B-bigay lang 'yan ni Jean," I answered honestly. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay bitawan na niya ako at iabot sa akin yung bra. Bahala na, tatapon ko na 'to kahit magalit si Jean. "Never ko sinuot."

"Why? It looks nice." Tumingin siya sa akin. Para akong kinilabutan nang maglakbay ang titig niya mula sa mukha hanggang katawan ko, para bang tina-tantya nito ang sinabi. "You have a nice figure, too. It'll look incredibly good on you."

"M-masyadong sexy."

"Well, you're sexy."

Napaiwas ako ng tingin at napatakip sa mukha. Kapag siya ang nagsasabi ng ganoon parang iba ang dating. She's not the type who will compliment someone for being sexy, hindi ako sanay.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon