Chapter 15

11.2K 649 125
                                    

Minsan pakiramdam ko lahat ng mga kaibigan ko parang mga hinugot lang na characters sa mga story na nababasa ko.

Jade and North, hanggang college ─ kilala pa rin sila. Iba talaga ang karisma nang dalawang 'yon lalo na kapag nagsama. Ganoon din sina Yuka, Apple, at Jean. Ako...hmm...sakto lang. Sa aming lahat sa tingin ko, ako na ang pinaka-average. Kahit walang naniniwala sa akin.

Pero ang masasabi ko lang, ang daming manliligaw ng mga 'yon ─ full package na ─ beauty, talent, and brain. Siyempre ang babait din nila. Swerte ng mga magugustuhan ng mga 'yon.

"Paris, tara na!"

Napalingon ako sa kaklase ko. Napabuntong-hininga ako dahil ito na naman ang walang katapusang sayaw para sa culminating activity namin na siyempre, Physical Education ang pasimuno. Mula highschool hanggang kolehiyo, sayaw-sayaw pa rin.

Nakakapanibago rin ang college. Hindi na kami magkakaklase nina North dahil iba-iba ang kinuha naming courses, buti na lang talaga at may time kami lagi magsama-sama. At least, hindi ako feeling loner. May friends naman ako sa section ko, pero iba pa rin yung mga highschool best friends. Taon din binilang namin.

I'm taking Tourism, Psychology kay North, Education si Jade, Nutrition and Dietetics si Jean, IT si Apple, and HRM naman ang kinuha ni Yuka.

Sa lagay naming ligaw-ligaw ng daan, swerte na talagang nagkikita pa kami. Although may mga club naman kami na member kaming lahat. We just decided to always make time. It's possible, lalo na kung willing ka.

"Paris, ano na?"

"Eto na nga ─" Hindi na ako pinatapos ng kaklase ko at basta na lang niya akong hinila sa braso papunta sa bakanteng room na pwede naming magamit.

Kailangan pa kasi naming mag-ayos bago yung turn namin. Kanina ay nanonood din ako ng performance ng ibang sections from different courses. Ang gagaling nila, halatang mga pinaghandaan. Iba't ibang type kasi ng sayaw ang binigay per class. Sa amin naman, modern dance ang nakuha.

The dance practice was hell. Ilang weeks din akong late na umuuwi. Ganoon din sina North dahil may kanya-kanya kaming practice schedule.

Pagpasok ko sa classroom ay ingay kaagad ang bumungad sa akin. Mine-make-up-an na yung iba, meron naman na nagp-practice pa rin. Yung iba hindi pa nakasuot ng outfit nila tulad ko. Saka na ako magbibihis kapag malapit na talaga.

Pinaupo ako ng kaklase ko sa vacant armchair. Lahat ng mga upuan ay nasa gilid ng bawat haligi ng classroom. Meron sa gitna pero mas nakapuwesto sila sa bandang likuran. Sa center area ay naroon ang mga classmates kong practice-practice pa rin. Kasama nila yung nag-choreo sa amin na taga-ibang school.

Mabuti na lang talaga at may ni-recommend na dancer yung prof namin sa isang subject na pwedeng magturo sa amin ng sayaw. Marami kasi sa amin ang hindi talaga maalam sa pagsayaw at kasama na ako roon.

Nakakaubos din ng pasensya aralin yung moves na hindi mo magawa-gawa ng maayos.

Sakto namang napalingon yung choreo namin sa gawi ko. She paused for a bit bago naglakad palapit. She stopped in front of me, katabi niya yung kaklase kong bi na lalaki na saktong kakalapit lang din. May dala itong make up kit ─ dahil isa siya sa official make up artist namin for the day.

"It's make up time!" sabi niya bigla. Ang lakas ng boses niya kaya nagulat ako ng slight. Hinawakan niya ako sa mukha at akala mo'y specimen na inobserba. "Gusto mo ayusin din natin kilay mo?"

"Hindi na," sagot ko sa kanya. Tinanguhan naman niya ako. Buti na lang at hindi na kumontra. Napatingin naman ako sa choreo naming nakatayo pa rin sa harap ko. Nginitian ko siya kaya sinuklian din niya ako ako ng ngiti. "May last minute advice ka?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon