Epilogue

15.4K 874 698
                                    

"Gail, done ka na ba?"

"Wait lang." Tiningnan ko siya mula sa salamin bago muling tingnan ang sarili. I fixed my hair for a few seconds bago nagpabango. "Okay na."

Naglakad ako palapit sa kanya. Mabilis naman niya akong hinawakan sa baywang para yakapin nang mahigpit. Naramdaman ko pang inamoy niya ako. "Why do you look so sexy?"

Natatawang pinalo ko siya sa braso. Tiningnan ko ang suot niya. Eh, parehas lang naman kami halos ng dress, sa color and tiny details lang nagkaiba. "Mas sexy ka kaya."

"I beg to disagree."

Kinuha ko ang bag naming dalawa bago naglakad palabas ng kwarto. May pupuntahan kasi kaming reunion.

It's an event na in-organize ng schoolmate namin noong highschool na si Valencia — our student government president. Mabuti na lang talaga ay in-touch sina North sa ilan sa mga kakilala namin noong highschool. Kahit ako ay in-invite din nila.

Nag-rent sila ng house to accommodate us all, then may swimming din. They said it will be a casual dinner, inuman with kantahan, and night swimming.

Pagbaba namin ay napatingin sa amin sina Rosendale at Echo. Kasama kasi si Rosendale tapos plus one niya si Echo. Nauna pa silang maikasal sa amin and now Echo is carrying their first child.

"Sorry, naghintay ba kayo ng matagal?" tanong ni North nang makalapit. Isasabay na kasi namin sila sa venue.

"Not really."

Ako naman ay dumiretso kay Echo at nakihawak sa tiyan nitong may laman na. "Alam ninyo na gender?"

Naglakad kami hanggang sa sasakyan. Naupo sa driver's seat si North, katabi niya si Rosendale. Nasa likuran naman kami. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.

It's been months since I last saw them. Pare-parehas na kasing mga abala sa buhay, tsaka may pamilya na silang sarili, eh. Nalaman na lang namin ang pagdadalang-tao nito nang minsan na nakausap ni North si Rosendale. So nabanggit lang sa akin.

Mahal din pala talaga mag-undergo ng process just so they can conceive a child.

"We decided not to know the gender para surprise," Echo answered with a smile. No'n ko napansin na parang mas naging jolly ito unlike noon na parang laging mang-aaway ng tao. Nagkalaman na rin siya, halatang asikaso sa pagdadala. "But it's a twin. Nasunod ang gusto nitong isa."

I saw Rosendale grinning from the mirror and heard North's soft laugh. She looked really happy. Maikli na ang buhok niya, hanggang leeg nga lang, and a side bangs. Si Echo ang mahaba ang hair ngayon. They both looked pretty, halatang hiyang sa marriage life nila.

We were casually talking, kung minsan ay nakikisama si North sa usapan at nagbibiro. Hindi pa rin pala naaalis kay Echo ang pagiging mataray nito at kung minsan ay binabara si Rosendale. Kahit nga ako nababara na niya. Pero she said she's just comfortable around me so okay lang sa akin.

Cute naman siya magtaray. Parang yung kapatid ni North.

Sa sobrang daming baon na kwento ng bawat isa sa amin ay hindi namin namalayan na nakarating na kami kung hindi pa sumenyas si North matapos nitong ihinto ang sasakyan.

"Girls, you know what to do." North suddenly said while giving glances sa mag-asawa.

Napatingin ako kay Echo at nagtaka nang tawanan ako nito. "Ready ka na?"

"Sa reunion?"

Walang sumagot sa akin. Lumabas si North ng sasakyan. Susunod na sana ako nang pigilan ako nina Rosendale. Nagulat na lang ako nang may kunin sila at ipiniring ang mga mata ko.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon