Chapter 13

11.1K 692 141
                                    

"Anong itsura 'yan, parang stressed na stressed ka?"

Iyon kaagad ang bungad ni Jean nang pagbuksan ko siya ng pinto. Ang aga-aga nandito na naman akala mo magkapitbahay lang kami kung makadalaw sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko at naghikab. Ilang beses ba naman niya akong sinubukang tawagan. Ang sakit ng ulo ko.

"Ikaw, wala ka bang asawa? Ba't nandito ka?"

"Nasa trabaho malamang. Tsaka bored ako."

"Sa lahat ng buntis talaga ─"

"Ma-experience man lang ni baby gumala kahit nasa tiyan ko pa siya."

Natawa ako sa sinabi niya at napatingin sa tiyan nito. Habang tumatagal ay mas nagiging obvious na iyon, na okay ─ preggy nga itong kaibigan ko.

Siya lang yung talagang masasabi kong successful sa love life dahil kasal na and all.

Gusto ko rin namang ikasal, nga lang...yung gusto kong pakasalan, ayon, hindi ko pa rin naaabot.

It would be nice if North can carry our child ─

Natigilan ako. Kung saan-saan na naman nakakarating imagination ko. Hindi rin maganda na ilang araw ko na siyang napapaginipan.

Okay lang sana kung normal na panaginip pero hindi, eh.

"Pumasok ko na nga," Sabi ko na lang sa kanya na sinunod naman nito.

Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko siyang nililibot ang kabuoan ng living room ko na para bang first time niya lang makarating dito.

"Sa lahat talaga ng bahay, sa'yo ang pinakamaayos." sabi niya.

"Maayos naman kina Yuka tsaka Apple, ah?"

"Oo nga, pero iba yung sa'yo." Umupo siya sa sofa at sinenyasan akong lumapit na ginawa ko naman. Yumapos-yapos pa siya sa braso ko. "Okay ka lang ba dito?"

Napatango ako. "Sanay naman ako mag-isa."

Totoo naman iyon. Siguro kung dati niya ako tatanungin, siyempre hindi. Nasanay ako na kasama ang pamilya ko, pero hindi rin naman nagtagal ay nakasanayan ko na rin na ako lang. It's not that hard, especially if you have things to do. Kung bored ako, nalabas ako o kaya naglalaro.

Tsaka kapag nasa trabaho naman ako, matagal din ako kung mawala.

"Ba't hindi pa kayo magpakasal ng boyfriend mo?" Napalunok naman ako sa tanong niya. Ito na nga bang sinasabi ko. "Sabi mo ilang years na kayo ─ ilan nga?"

"T-three years." Tumayo ako. "May gusto ka bang kainin?"

Tumitig siya sa akin. Napakunot ang noo ko nang inilingan niya ako bago tumawa. "Hay, nako, Sebastian."

"Ano?"

"Hindi mo bagay magsinungaling. Kung yung iba maloloko mo, ako hindi."

Hindi ako nakakibo. Parang gusto kong i-reverse yung oras para hindi siya makapunta dito ngayong araw. Parang pinagpapawisan ako ng malamig.

"Ineng, ano na? Ilang years mo nang sinasabing may boyfriend ka pero once in a blue moon mo lang ipakita, parang napilitan ka pa."

"M-meron naman talaga!"

"Oo, pinakita mo nga pero bilang sa daliri na dinala mo sa amin yung tao. We never even had a decent conversation with Seth."

"Oh, tapos?" Tinago ko ang isang kamay sa likuran ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang.

"Sure ka boyfriend mo 'yon?"

"O-oo."

"Halika nga rito," Hinila niya ako para maupo. Parang gusto kong magkulong sa kwarto ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. "Gutom na ako. May laman ba ref mo?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon