Chapter 11

10.7K 735 236
                                    

"Are you ready!"

"Huy! Ingay mo!"

"Tayo-tayo lang naman, sizt."

Sabay kaming natawa ni North nang marinig namin yung boses ng mga kasama namin galing sa kabilang kwarto. Totoo ngang kami lang ang customer ngayon pero sa dami namin at sa ingay nila, dinaig pa ng spa na 'to yung full packed customers.

"Tingnan mo alindog ko, Jade!" Narinig namin yung boses ni Jean ─ mas rinig dahil katabing room lang namin sila kaya out of reflex ay napalingon ako kung saan ko banda naririnig yung boses, ganoon din si North. "Oh, hah?"

"Mas sexy pa rin si North!" Narinig kong reklamo ni Jade. "May bilbil ka, Jean. Si North flat tsaka may line ng abs!"

Napatakip si North sa mukha niya na para bang nakukunsumi talaga siya sa narinig. Tumingin siya sa akin, kahit madilim dito sa kwarto ay aninag ko naman ang dalaga dahil kanina pa nakapag-adjust ang paningin ko. "Don't believe her."

Hindi ako nakasagot. Paanong hindi maniniwala kung totoo naman? Pero na-curious ako sa line ng abs, like, hindi naman impossible na wala siya no'n pero parang gusto kong makita ─ okay, Gail, huwag lalagpas ang imagination mo.

"Hindi 'to bilbil. Buntis ako, tanga ka."

Natawa ako sa narinig. Hindi ko malaman kung napikon ba si Jean o ano pero ang lutong ng pagkakatanga niya kay Jade.

Tumalikod na sa akin si North at parang huminto yata sa pag-function ang buong pagkatao ko nang iangat na niya ang damit. Para bang nag-slow motion iyon sa akin. Kahit madilim ay sure akong smooth ang balat niya ─ parang ito lang yung iilang beses na nakita ko siyang ganito.

No'ng highschool at college kami kapag may mga event, sabay-sabay kaming nagbibihis noon pero as usual si North lang yung tumatalikod sa amin — if not, she'll have her space where we can't see her. Hindi naman na kasi kami nagkakahiyaan. Kahit si Jade, since kahit naman hindi straight 'yon, hindi naman niya kami pag-iisipan ng kakaiba.

Hinawi ni North ang buhok niya at iginilid iyon, napatalikod na lang ako nang sinimulan na niyang abutin yung hook ng bra niya. Para akong lalagnatin. Ayoko ng ganitong feeling, parang gusto ko siyang lapitan sa pwesto niya pero anong gagawin ko? Baka pagtapos no'n friendship over na kami.

Wala naman akong lakas ng loob na gawin yung mga gusto kong gawin. Pero kung magiging honest ako, I badly want to kiss her, and touch her...but I can't and I shouldn't.

Nag-decide akong magtanggal na lang din ng damit kaysa umabot pa sa kung saan-saan ang imagination ko. Pagtapos ko maghubad ay ibinalot ko yung towel na nandito sa sarili ko.

"Are you done?"

Kulang na lang mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang magsalita si North.

"Ano, o-oo." Inayos ko yung pagkaka-wrap ng towel sa akin.

Natigilan ako nang may naramdaman akong presensya sa tabi ko and there she was ─ North, wrapped in a towel like me. Inayos niya ang buhok kahit hindi naman iyon mukhang magulo sa paningin ko. Kapag ganitong kalapit siya, para akong nahihilo. Kailangan ko ng matinding self control.

Napaiwas ako ng tingin. Parang hindi ko yata siya kayang lingunin ulit. Pero ang rude naman kung hindi. Sa wakas ay nahugot ko ang lahat ng lakas ng loob ko na harapin siya — sa mukha lang ako tumitingin, todo effort na huwag bumaba ang mata or else goodbye Gail ako.

"It's nice to do this once in a while," sabi niya. "mabuti libre tayong lahat."

"Libre ni Jean, eh."

"That's a plus." She chuckled. Tumingin siya sa akin — pero parang titig yata iyon sa tagal. Hindi ako nakakibo nang inayos niya ang buhok ko. "It would be nice if you're —"

"Ma'am, ready na po kayo?"

Parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Para akong nakahinga ng maluwag na ewan dahil feeling ko masyado na akong tense.

"Opo," si North na ang sumagot. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinisil iyon bago pumunta sa pwesto niya.

Ilang segundo rin ay pumasok na yung magm-massage sa amin dala-dala yung mga gamit nila. Humiga na si North kaya sumunod na lang din ako. I made myself comfortable. Nang maaninag kong pumikit siya ay saka ko siya tinitigan.

Ano yung sasabihin niya dapat? It would be nice if I'm what?

What?

Inuna nila yung body scrub, unti-unti na akong nar-relax kahit hindi pa naman massage talaga. Parang naiinggit na lang ako sa masahista ni North, nahahawakan niya yung gusto kong hawakan — pero wala naman kasing malisya yung sa kanya.

Minsan parang naiinis ako sa sarili ko. One thing na yung hindi ako makaamin, tapos itong mga pinag-iisip ko. I'm just frustrating myself, ako rin naman may kasalanan.

Nang matapos ay pakiramdam ko puro ako buhangin sa katawan, although ganoon naman talaga. Halos magkasabayan lang kami ni North. Nagkatitigan pa kami.

"Mauna ka nang maligo," she told me.

"Huh?" Para akong natauhan sa pagtitig. "No, ikaw na."

"Gail, ikaw na."

"Eh —"

"Paris Avegail." Para naman akong kinilabutan sa way ng pagbanggit niya ng buong pangalan ko. Bakit gano'n? Ang weird ko, parang ang ganda lang kasi kapag siya ang nagbabanggit. Parang extra special ang name ko bigla. "Go ahead."

"Sabi ko nga, eh."

Kapag ba naman ganoon kaseryoso ang boses, kahit sino mapapatiklop ni North. Mabait siya, pero iba kasi yung pagiging dominant ng personality niya. She's improved a lot, iba rin kasi ang nagagawa ng experiences, she gained that confidence and she deserves it.

Sinuot ko yung robe na ni-prep para sa amin bago lumabas. Mabilis ko lang naman din nakita yung cr. Pagkapasok ko sa loob ay napahinga ako ng malalim. Saka ko lang napagtanto kung gaano kabilis yung tibok ng puso ko habang magkasama kami ni North sa iisang kwarto.

Parang ngayon lang ako huminga ng matiwasay. Kung ganoon ba naman palagi, baka magkasakit na lang ako sa puso hindi pa rin ako nakakaamin.

Hindi ko maiwasan mag-isip habang naliligo ako. Hindi ko alam kung ako lang ang weird o si North, pero parang iba lang kasi yung treatment niya sa akin. I know high chance na nag-a-assume lang ako kasi kung tutuusin wala namang differences ng treatment...iba lang talaga ang dating sa akin since may gusto ako sa kanya.

Nang matapos ako maligo at makapaglagay ng robe ulit ay muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Parang gusto ko na lang umuwi, nad-drain ako. Pero ayoko rin umuwi kasi gusto kong makasama si North. Hindi ko na alam ginagawa ko sa buhay ko.

Pagbukas ko ng pinto ay parang huminto yata ulit sa pag-function ang utak ko nang makaharap ko na naman si North. Sa itsura niya ay parang kanina pa siya naghihintay na matapos ako.

"K-kanina ka pa diyan?" Tinanong ko pa rin para lang makasigurado.

"Ngayon-ngayon lang." Humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya yung dooknob so hindi ko alam anong pwesto gagawin ko. "Can I use the bathroom now?"

Napatango ako, parang makakagat ko ang dila once na magsalita ako. Ngumiti siya sa akin saglit at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Magaan yung paghawak niya sa akin sa braso, naglakad naman ako palabas para makadaan siya.

Ngayon ay nagkapalit na kami ng pwesto.

"You smell good, Gail."

Sinara na niya ang pinto bago pa ako makapagsalita.

Fuck.

_____

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon