/1/ The Beginning

7.3K 342 12
                                    

I've warned you.

-

The Beginning.

Marahan na pumikit ang mga mata 'ko ng haplusin ng malamig na hangin ang balat 'ko. Parang asin at tubig, nag halong mabuti ang malambing na sikat ng araw at malamig na simoy ng hangin sa pakiramdam 'ko.

Maganda ang pakiramdam ng umaga na iyon. Naisip 'ko na maraming bata ang magpapalipad ng saranggola sa ganitong panahon, o kaya ay mga pamilyang magkekwentuhan habang kumakain sa damuhan. Iyon sana ang masarap na gawin. Sa ganitong klase ng panahon, masarap ang maupo sa ilalim ng puno suot ang puting bestida at mag-basa ng libro. Kaya lang ay wala akong karapatan na lumaya, at gawin ang gusto 'ko.

Suminghap ako sabay buga ng hininga. Narinig 'ko ang pag-bukas ng pinto, nandito na siya.

Katulad ng nakagawian, pumikit ako ng mariin ng hatakin niya ang buhok 'ko. Gusto 'kong mag-wala ng humapdi ang anit 'ko.

"Nakatanaw ka nanaman d'yan! Wala ka talagang kwenta!" singhal niya.

Ewan 'ko ba kung bakit mainit ang dugo sa akin ng babae na 'to. Hindi ako nag-lakas loob na mag-angat ng mukha, at hinayaan siyang hatakin ang buhok 'ko. Matapos ay malakas niya akong sinampal.

"Oh! Heto ang pagkain mo." sabay abot niya ng pinggan na may isang tinapay, at malamig na kape sa akin.

Bumubuntong hininga 'kong dinampot ang tinapay, at sumubo ng maliit. Narinig 'ko ang pag-ngiwi niya bago malalakas ang yabag na lumabas ng kwarto. Nang marinig 'ko ang pag-kandado niya ng pinto, at pag-lakad papalayo ay huminto ako sa pag-subo.

Galit ang mga mata 'ko ng tumingin sa pinaglabasan niyang pinto. Ang baboy na iyon, palibhasa'y inggit sa itsura 'ko ay ginagano'n na lamang ako. Ang pangit na nga ng katawan at mukha niya, ang pangit pa ng ugali niya. Pinakyaw na niya lahat ng kapangitan sa mundo.

Mabilis ang mga paghinga 'ko habang tinitignan ang pinto. Sa galit 'ko ay nanginginig ang kamay 'ko. Kahit kapiranggot na tinapay at kape lang ang almusal 'ko, busog na ako. Sa galit at sama ng loob palang kasi ay halos masuka na ako.

Gusto 'ko na sumigaw. Gusto 'ko na mag-wala. Gusto 'kong sabunutan siya, pero hindi pwede. Hindi pa pwede.

Kaya kahit labag sa loob ay kinalma 'ko ang sarili 'ko. Kinuha ang mahabang tali na gawa 'ko, at ipinulupot ang dulo no'n sa paa ng kama tapos ay inihulog 'ko ang mga natira sa bintana. At saka 'ko kinuha ang tinapay, binalot 'yun sa papel at ibinulsa. Tapos ay bumaba na ng bintana gamit ang tali na ginawa 'ko.

Itong tali ay ang mga damit 'ko, kumot, at ilan pang tela na pinag tagpi-tagpi 'ko. Mabuti nga at sapat. Kung nagkataon ay baka kailanganin 'ko pa na tumalon mula sa tuktok ng tore para marating ang baba.

Sa hindi 'ko malamang kadahilanan, nang dumilat ako ay napunta na ako sa katawan ng bata na 'to. Dalawampu't anim na araw na mula ng magising ako dito, at sa mga nagdaan na araw ay laging ganito ang umaga 'ko. Hindi 'ko kilala ang baboy na 'yun, pero nasisiguro 'ko na hindi siya kaano-ano ng may-ari ng katawan dahil ang layo ng itsura nila.

Sianrass Diana Euclid. Siya ang may ari ng katawan na 'to, ang extra sa libro na nabasa 'ko. Hindi 'ko maisip na ganito pala ang buhay niya noon. Para siyang senyorita ng sumulpot siya sa nobela. Napailing-iling nalang ako.

Nang makababa ako ay tumakbo agad ako papuntang pinagtaguan 'ko ng mga gamit 'ko. Dahil nga nabasa 'ko ang libro na ginanapan ni Sianrass, alam 'ko na ang kahihinatnan niya.

Si Sianrass ay nakatakdang mamatay sa maagang edad dahil sa pag-epal niya sa pagmamahalan ng Prinsipe, at ng bida. Nahulog kasi ang loob ni Sianrass sa Prinsipe sa una nilang pagtatagpo. Kaya lang ay nasobrahan siya. Naging obsess siya sa Prinsipe, at lihim pa na binubuntutan siya. Nang malaman niya na may ibang minamahal ang Prinsipe, inaway niya siya at tinangka pa na saktan. Iyon ang dahilan kung bakit siya ipinapatay. At ang ugat niyon ay mangyayari na apat na araw mula ngayon.

Ipapadala si Sianrass sa palasyo at gagawing mapapang-asawa ng Prinsipe. Nakahanda na ang may-ari ng tore na ipadala ako. Tapos iyong baboy na 'yun ay may plano pa yata na lagyan ako ng pasa sa mukha.

Binuksan 'ko ang bag 'ko, at nilagay doon ang tinapay. Ngumiti ako ng makitang kompleto na ang mga gamit 'ko. Sa wakas ay hindi na din ako masasampal pa ulit ng baboy na 'yun. Hindi 'ko na matatagalan pa ang mga kalyo sa kamay niya. Tumayo na ako, at nag-simulang lumakad papalayo. Bago nila malaman na nakatakas ako ay paniguradong nakalayo na ako sa tore. Tatlong beses kasi kung puntahan nila ako sa silid. Umaga, tanghali, at gabi. Hinahatidan nila ako ng tinapay at kapeng parang yelo sa lamig. Ang pagkain ko para sa almusal, at tanghalian ay tinatago 'ko. Iniipon para sa araw ng pag-takas 'ko. Kailangan 'ko ng lakas sa paglalakbay.

Natawa ako ng maisip ang maaring mangyari sa oras na malaman nilang nakatakas ako. Paniguradong masasampal ng maraming beses ang baboy na 'yun dahil sa kapabayaan niya. Haha, buti nga.

Lumakad ako ng walang patutunguhan. Hindi 'ko naman kasi kabisado ang daanan dito. Kailangan 'ko lang muna na makalayo.

Sumapit ang hapon, at nag-simula ng mag-kulay kahel ang kalangitan. Nagsisimula na din na magsi-huni ang mga kuliglig, at lumalamig na ang pakiramdam 'ko. Hindi pa ako ganoon kalayo sa tore, pero kung hindi ako magpapahinga ay paniguradong lalagnatin ako. Mahina pa naman ang katawan ni Sianrass.

Humanap ako ng magandang puno na pwedeng tulugan. Delikado na sa baba ako matulog, baka pag-dilat 'ko ay wala na ang isang hita 'ko o kaya naman ay nasa tore na ulit ako. Hindi 'ko na gustong bumalik pa doon. Nang makakita ay agad ako na umakyat sa mataas, at tagong bahagi ng puno. Tinali 'ko ang sarili ko, at ang gamit sa puno para makasiguradong hindi kami mahuhulog. Saka ako sumandal.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan 'ko, sa wakas ay makakapag pahinga na ako. Napakahina ng katawan ni Sianrass, baka isang pitik ay mabalian na siya. Hindi pwedeng ganito.

Napatitig ako sa haring araw na unti-unting namamaalam. Walang ulap sa langit, at may iilan ng bituin ang kumikislap. Parang nilulubog ang pakiramdam 'ko, malungkot at pagod. Hindi 'ko maipaliwanag ang lamig na bumalot sa dibdib 'ko, pero walang luha ang pumatak. Paniguradong mahaba-habang lakbayin ito bukas.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag-iingay ng kuwago't mga kuliglig. Wala akong ibang kasama kung 'di ang malamig at tahimik na kadiliman, pero ng mga oras na makatulog na ako ay parang may yumakap sa akin. Mainit, at nag-aalaga.

Unti-unting pumikit ang mga mata 'ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

The Another WorldWhere stories live. Discover now