/8/ 8 and The Forgotten Queen

1.6K 184 10
                                    


8 and The Forgotten Queen.

Lumipas ang isang araw. Nandito ako ngayon sa tabi ng ilog na matatagpuan sa bayan nila. Ito ay iyong ilog na natawid 'ko sa tulong niyong matandang lalaki. Hindi 'ko man lang siya napasalamatan, at nautusan pa.

Bumuntong hininga ako. Mabigat talaga ang magiging problema pag nakapag salita ka ng maling salita dahil hindi na mababawi. Mas matalim na sandata ang dila kay sa pinakamatalim na espada sa mundo. Dahil ang sakit ay hindi sa katawan na maari mong gamutin ng mga dahon, pero sa puso.

Ang mga kasama 'ko sa bahay ay may ginagawang mahalaga. Katulad ng inaasahan, hindi ako nakatulong dahil nag salita nanaman ang bibig 'ko. Syempre, ano pa nga ba. Gusto 'ko tuloy na hanapin ang sino man na kumokontrol sa bibig na 'to at pilipitin siya sa leeg. Nang dahil dito ay napapahamak ako.

Mula ng araw na 'yun ay naging tahimik na ang bahay sa tuwing nandoon ako. Umiilag sila sa akin, at sa tuwing nagkakatuwaan ay hindi ako isinasama. Naiintindihan 'ko naman kaya ako na din ang unang lumalayo. Wala akong plano na ipag siksikan ang sarili 'ko sa kanila gayong pilit nila akong itinutulak papalayo.

Si Akila naman kasi ay hindi ako palaging pwedeng samahan, at atupagin dahil abala din siya sa gawain. Ang mga lalaki ay laging wala, at ang mga babae ay hindi 'ko kasundo. Lalo na si Red.

Si Kapitan naman ay mas lalong hindi 'ko pwedeng guluhin dahil may inaasikaso din siya. Ako lang ang walang ginagawa sa bahay.

Napatingala ako sa langit na malapit ng dumilim. Hindi pa ako nagtatanghalian, at malapit ng mag hapunan pero hindi pa ako dinadapuan ng gutom. Mahirap lumunok pag ang mga kasama mo sa hapag kainan ay mabibigat ang loob sa 'yo.

Iniwan 'ko ang mga gamit 'ko sa kwarto para hindi ako hanapin ni Akila. Alam 'ko kasi na maghahanap siya kung mawala ako ng biglaan, at ayaw 'ko na bigyan siya ng alalahanin. Kahit na kinupkop niya lang ako dahil sa awa, nagmalasakit pa rin siya sa katulad 'ko na walang halaga.

Nilaro 'ko ang tubig ng paa 'ko. Mahina lang ang agos ng tubig, at parang kinikiliti ang aking talampakan sa tuwing tinatamaan. Parang dama ng mga isda, at tubig ang lungkot 'ko dahil sa pag yakap nila. Nilubog 'ko ang kamay 'ko sa tubig at hinipo ang mga isdang nag si layo pa sa gulat at takot, pero lumapit ng maramdamang wala akong pakay na saktan sila.

Ngumiti ako ng bahagya. Kung sana ay may nakakadinig sa akin, gusto 'ko na tanungin, bakit ganito ang hirap na dinadanas 'ko? Wala akong ideya kung ano ba ako sa aking nakaraan. Kung buhay pa ba ako, at kung anong nangyari sa katawan 'ko. Bakit ako nandito? Bakit ako pa?

Gusto 'kong sumigaw, at umatungal na parang leon sa galit at pait na nanunuot sa dibdib 'ko. Dati ba akong makasalanan? May mga dugo ba't luha ang umagos dahil sa mga kamay 'ko? Gusto 'ko na malaman, dahil hindi 'ko alam.

Pakiramdam 'ko ay naliligaw ako. Dilim na dilim ang mundo 'ko, kahit kaunting kislap ay walang makita ang mga mata ng puso 'ko. Naka tadhana ba na mabuhay sa lungkot ang katawan na 'to?

Nakatakas nga ako sa tore, at nakalayo. Pero parang mas mabuting bumalik doon, at antayin nalang ang kamatayan 'ko para makabalik sa dati 'kong mundo. Masyadong malupit ang buhay na 'to sa akin.

Yumuko ako, at tumitig sa mukha ng batang hindi alam ang salitang kalayaan. Habang nakatitig ay mas lalong sumakit ang dibdib 'ko. Kaawa-awa ka.

"Oy, gabi na. Alam mo ba na maraming masasamang tao dito?"

Nag-angat ako ng mukha sa nag salita, at nakita ulit iyong matandang lalaking tumulong sa akin. Ayaw 'ko na nga sabi siyang makita, e.

Parang nagulat pa siya ng makita ako. "Aba, ikaw pala. Mahilig ka ata sa gulo ano?"

Nanatiling tutop ang mga bibig 'ko. Pag buntong hininga lang ang naging sagot 'ko sa kanya. Natahimik na matapos no'n. Akala 'ko ay umalis na siya kaya napapitlag pa ako ng maramdaman na naupo siya sa tabi 'ko.

"Bakit nandito ka pa? Babae ka pa naman, baka may mag tangka sa iyo ng masama." aniya.

Gulat 'ko siyang tiningnan sa mukha, pero nang lingunin niya ako ay mabilis ako na nag-iwas ng tingin.

Narinig 'ko siyang bumuntong hininga ng hindi ako nag salita. Napayuko tuloy ako at pinanood nalang ang mukha 'ko sa tubig.

"Gutom ka na siguro. Heto, tanggapin mo." sabay abot niya sa akin ng tinapay.

Hindi na ako naka galaw sa gulat. Napatulala nalang ako sa palad 'ko na sapilitan niyang nilagyan ng tinapay.

"Bata ka pa, hija. Malayo pa ang lalakbayin mo. Hindi katulad 'ko na matanda na, at papalapit na sa kamatayan. Kaya sana ay magpakatatag ka, at ingatan ang sarili mo." ginulo niya ang buhok 'ko bago tumalikod, at lumakad papaalis.

Naiwan ako doon na nakatunganga sa likuran niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin, sabay baling sa tinapay na inabot niya sa akin. Sa kabila ng kawalang utang na loob na ipinakita 'ko sa kanya ay nagawa pa rin niyang gawan ako ng mabuti.

Hindi 'ko siya maintindihan.

May mga tao talagang mahiwaga, at magulo ang isip. Napailing iling nalang ako, at tinanggal ang balot ng tinapay. Inamoy 'ko pa iyon saka kinagatan. Amoy masarap, lasang masarap. Ngumunguya nguya ako habang nakatitig sa kawalan.

Saglit 'kong nakalimutan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Natabunan ako masiyado ng lungkot, at kamuntikan ng magpalamon sa madilim na bahagi ng buhay. Napa isip tuloy ako bigla. Dalawang beses na akong tinulungan ni kuya, pero hindi siya nanghingi ng kapalit ni minsan.

Tumingin ako sa mga punong sumasayaw at napailing. Mukhang baon na ako sa utang na loob.

Kumagat ulit ako sa tinapay, at ngumunguyang tumitig sa gitna ng mga puno. Pinanood 'ko iyong maliit na ilaw na kumikinang. Hindi iyon bituin, wala naman kasing bituin sa lupa.

Umihip ang hangin, at humampas sa mukha 'ko kasabay ng biglang pag-liwanag ng ilaw sa gitna ng mga puno. Kahit na ang pag laki ng mga mata ay hindi 'ko na nagawa sa bilis ng pangyayari. Parang kidlat na tumama sa noo 'ko iyong liwanag, kasunod ng pag balot ng sakit sa katawan 'ko.

Alon pag tapos ng along mga memorya ang kumislap sa isip 'ko. Hindi kinaya ng katawan 'ko ang sakit, hindi kinaya ng isip 'ko ang mga impormasyon. Tuloy ay naduwal ako sa kinakaupuan at nakipag isa ang katawan sa tubig. Binalot ng basa ang damit 'ko. Nabitawan 'ko ang tinapay na hawak at lumubog sa ilog.

Isang imahe ng matangkad, at pamilyar na babae ang nakita 'ko. Suot niya ang isang magandang damit, at may kapa sa likod. Sa kamay niya ay isang mahabang parang bakal na baston, at gawa sa ginto ang koronang suot sa ulo. Nakatanaw siya sa labas ng bintana mula sa tahimik, at malawak niyang kuwarto habang nakaupo sa isang mataas at kulay pulang upuan. Napapitlag ako ng bigla ay lumingon siya sa gawi 'ko, parang leon na naramdaman ang presensiya ng kaniyang biktima, at nag halik ang paningin namin. Sa mata niya ay basa ang lungkot na may kasamang saya, gayon pa man ay hindi kakikitaan ng kahinaan ang kaniyang mukha, at itsura maging ang kaniyang postura. Ginapang ako ng libong boltahe ng kuryente sa katawan nang makaramdam ng kakaiba. Isa siyang Reyna. Isang makapangyarihan, at malakas na Reyna ng isang malaking bansa.

Suminghap ako ng makabalik na sa kasalukuyan, at napatulala sa madilim na langit. Hanggang taenga 'ko lamang ang tubig, at hindi abot ang ilong 'ko at bibig. Napakurap ako.

Ang babaeng nakita 'ko ay malakas na Reyna. Maipagmamalaki sa dami ng kaniyang nagawa, at hindi natatalo sa giyera. Gayun pa man ay ang nasasakupan niya ang naging kahinaan niya. Dahil sa kabila ng hindi mabibilang na mga magiting niyang nagawa para sa kanila ay kinalimutan nila siya. Parang magandang rosas na humantong sa pag lanta.

Kasabay ng pag sapit ng aking ika walong taong gulang sa katawang ito ay ang pag balik ng alaala ng nakaraan 'ko. Ako ang kinalimutang Reyna sa memorya 'ko.

The Another WorldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant