/3/ In Trouble

2.8K 230 3
                                    


In Trouble.

Pinunasan 'ko ang mukha 'ko't labi matapos uminom, at mag-hilamos sa ilog. Matapos ay nag-angat ako ng mukha sa mga tao.

Talagang maingay ang pamilihan, at masigla kung titignan. Ang lalaki ng bunganga ng mga tindera at parang pwedeng pasukan ng bola pag sumisigaw. Kailangan 'ko na makatawid sa kabilang bahagi ng ilog ng hindi nababasa. Kung mabasa ako, saan ako kukuha ng pamalit? Ayaw 'ko na lumakad ng mukhang basang sisiw.

Luminga ako sa paligid ng ilog. Tinitignan kung may tulay ba, o ibang daanan para makatawid sa kabila pero wala akong nakita. Napakamot tuloy ako ng batok. Hindi 'ko masisi ang kuweba dahil alam 'ko na kung sa kabila niya ako ilalagay, magugulat ang mga tao sa bigla 'kong pag-sulpot. Isa pa ay kailangan 'kong manatiling tahimik dahil kung hindi ay kakalat na nandito ako sa pamilihan. Masasayang ang pag-takas 'ko.

Bumaba ang tingin 'ko sa ilog. Hanggang hita ng malaking tao ang tubig sa ilog, pero kung sa bata ay hanggang beywang ang tubig. Kung hubarin 'ko nalang kaya ang pang-ibabang damit 'ko para hindi mabasa?

Nasampal 'ko ang sarili. Ayaw 'ko. Bata nga ang katawan na ginagamit 'ko pero matanda pa rin ang isip 'ko. Dadalawin ako ng mga bangungot kung maghuhubad ako habang maraming tao. May nakatingin man o wala. Kahit butete lang sa ilog ang makakita ay hihimatayin na ako sa kahihiyan.

Tumingin ako sa paligid, at may nakitang isang tabla. Dinampot 'ko 'yun. Hindi ito pwedeng patungan, pero pwede na itong pang-sagwan. Nag-hanap pa ako sa paligid, at nakakita ng makapal na kahoy. Pwede na ito.

Inilagay 'ko ang makapal na kahoy sa ibabaw ng tubig, at dahan-dahang pinatong ang isa 'kong paa. Tinitignan 'kung aalog ba ang kahoy o hindi. Nang akma 'kong ipapatong ang isa 'ko pang paa ay may malakas na sumigaw. Napaangat ako ng mukha sa pinanggalingan ng sigaw.

"Hoy! Hindi magandang laro iyan! Baka mabagok ang ulo mo!" sigaw niyong matandang lalake na nakakita sa akin.

Tinignan 'ko lang siya na ikinakamot niya sa ulo. Gulat ako nang sumugod siya sa tubig, at nilapitan ako.

"Ano ba ang ginagawa mong bata ka?"

Bigla ay kusang bumuka ang bibig 'ko at nag-salita, "Anong pake mo?"

Parang luluwa ang mata 'ko sa gulat sa sinabi 'ko. Nag-angat ako ng mukha sa lalaki para sabihin na hindi ako iyon pero ayaw ng bumuka ng bibig 'ko.

Napahawak ako sa labi. Ano bang nangyayare?!

"Gusto mo ba na tumawid kaya mo ba yan ginagawa?"

"Halata naman di ba?" napasinghap ako.

Nanlalaki ang mga mata 'ko habang nakahawak sa labi 'ko. Kahit na anong gusto 'ko na mag-salita ay ayaw bumuka ng bibig 'ko. Kusa siyang nagsasalita ng kanya na parang pagmamay-ari ng iba. Natakot tuloy ako!

"Aba't-!" napabuntong hininga si kuya. "Tara na nga."

Binuhat ako ni kuya at nilagay sa balikat niya. Gusto 'ko na mainsulto ng buhatin niya ako ng ganoon lang kadali.

"Bilisan mo." nagsalita nanaman ng kusa ang bibig 'ko.

Nalukot ang mukha ni kuya, "Oo na."

Nang makarating kami sa kabila ay agad ako na tumakbo, takot na baka mag-salita nanaman ng kusa ang bibig 'ko. Baka talagang magilitan 'ko na ang sarili 'ko pag may lumabas pa na katangahan sa bunganga 'ko.

"Hoy-!"

Hindi 'ko na narinig ang mga sinasabi niya dahil nakalayo na ako. Hindi na sana ulit kami magkita ni kuya.

The Another WorldWhere stories live. Discover now