/16/ Today

1.4K 136 8
                                    


Today.

Tanghali na ng magising ako. Mataas ang sikat ng araw, at ang pag uusap ng mga tao sa labas ay naririnig na. Sinuklay 'ko ang buhok ng daliri, saka bumaba matapos 'ko na makapag handa. Sinalubong ako ng kaabnormalan ni Claude.

"Ano nanaman ang problema niyan?" turo 'ko kay Claude na nagmumukmok. Naupo ako sa bakanteng upuan.

Binalingan ako ni Yuschia, saka suminghal. "Anong malay 'ko, pag gising 'ko ganyan na siya."

Tiningnan 'ko si Claude na naka salampak sa sahig. Mabuti at kahit magkasama sila sa iisang bahay ay hindi nahahawa si Yuschia sa kanya.

"Gigisingin na sana kita kasi tanghali na. Buti nalang at bumangon ka ng sarili mo." si Yuschia sabay talikod. Pag balik niya ay inabutan niya ako ng pagkain. "Oh."

Humikab ako, "Salamat." nag simula na akong kumain.

Narinig 'ko ang pag galaw ni Claude, at ang pag langitngit ng supa. Nilapitan ako ni Yuschia at inabutan ng kape saka siya naupo sa katapat 'kong upuan.

"Nababagot na ako." si Claude. "Palagi na lamang akong nasa bahay, gusto 'ko na gumawa naman ng kakaiba!"

Inisang lagok 'ko ang aking kape pagkatapos na kumain. Tapos ay nilahad 'ko ang palad kay Claude.

"Ano 'yan?" ngiwi niya, naniningkit ang mga mata sa akin.

"Baka kamay 'yan." ani Yuschia.

"Bagot ka na?" tumango siya. "Tara, sumama ka sa akin. Hawakan mo ang aking kamay at tayo'y maglalakbay sa impyerno."

Humagikgik si Yuschia. "Mabuti nga. Ilibing mo na 'yan ng makapiling na niyang muli ang utak niyang namaalam."

"Ang sama!" nguso ni Claude.

Nameywang si Yuschia sa kanya, naka taas ang kanang kilay. Pinaningkitan niya ng mata si Claude.

"Bakit? Totoo naman na patay na ang utak mo."

"Hindi, ah. Nandito siya." si Claude. "Kinulang lang sa bigat kaya nakalutang."

Humalakhak si Yuschia sa sinabi ni Claude.

"Hay, Claude. Mabuti nalang at bobo ka. Kahit papano ay may nakakatuwa sa 'yo."

Ako naman ay napatawa nalang sa kanilang dalawa. Tumalikod ako sa kanila para kumuha ng tubig. Pakiramdam 'ko ay nanunuyo ang lalamunan 'ko dahil sa kape.

Inalala 'ko ang mga nangyari kagabi. Naging maganda ang pagsasanay namin ni Calais. Hindi talaga ako madidismaya sa kanya pag dating sa ganitong larangan. Magaling kasi humawak si Calais ng mga sandata. Maihahambing ang kanyang kakayahan sa isang heneral ng isang malaking hukbo ng mga sundalo. Marahil dahil mula pa ng panahon ng samurai ay buhay na siya? Kakaiba kasi ang pag kumpas niya ng mga espada, malinis at mabilis.

Napatitig ako sa braso 'ko. Naalala 'ko na nahiwa niya ako sa braso, pero agad din niya akong ginamot. Kakaiba talaga ang mahika. Parang hindi umagos ang maraming dugo sa braso 'ko.

Tumitig ako sa labas ng bintana. Nagkakatuwaan ang mga tao, at parang may piyesta. Laman na ng usap-usapan ang paglilistang gaganapin sa Moirslant, ang paaralan na pinasukan ni Kapitan.

Ang Moirslant ay ang pinakamalaki, at magandang paaralan na naitayo sa lupa. Itinuturo nila doon ang pag gamit ng mahika, mga sandata, pakikipag laban, at mga bagay na dapat mong malaman sa bansang ito. Pero ang pinaka sadya nila ay ang pagpapalakas ng kanilang bansa.

Ang bansang ito ay isa sa mga pinakamalalakas na bansa sa buong mundo. Ang kanilang Hari, si Grigoris de Abigard, ay kilalang punong malupit. Malamig na mga titig, matitigas na mga salita. Ang lahat ng mga kumakalaban sa kanila ay iisa ang nagiging kahihinatnan. Kamatayan.

The Another WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora