/30/ Helena

907 89 0
                                    


Helena.

Nag simula na ang laban. Ang unang napiling lumaban ay hindi 'ko kilala. Naka salamin siya, at isang gunsen ang napiling armas. Ang kalaban naman niya ay isang babaeng secondary. Naka taas ang buhok, at dansen uchiwa ang gamit.

"Simulan na." ani guro.

Wala munang may umatake sa kanila pagbigay ng signal. Pareho silang nakikiramdam sa galaw ng isa't isa, at tahimik. Tutok ang mata namin sa kanila, inaantay ang una nilang atake. Bigla ay gumalaw iyong secondary, at inatake ang kalaban niya na mabilis namang naka ilag.

Mabilis pareho ang dalawa, at mukhang hindi basta basta na magpapatalo. Gigil iyong mga secondary na durugin itong kaklase namin, habang ang mga primary naman ay tahimik siyang sinusuportahan. Ayaw din paapak.

Umatake ulit iyong secondary. Katulad kanina ay naka ilag ang kalaban niya, at saka tumalon sa ere. Ibinuka niya ang hawak na gunsen at umatake din. Namangha sila sa ganda, at linis ng galaw niya.

Sinalag nung babae ang ibinato niyang atake, at bumato pabalik. Umilag lang iyong kaklase namin, at tumalon ulit. Kaya lang ay tumalon din iyong secondary para mapantayan siya, at sunod sunod siyang tinapunan ng atake. Nahirapan siya sa pag iwas kaya tinamaan ng isa, at ng isa pa bago maka lapag sa lupa.

Ngumisi iyong secondary ng makita ang dalawang hiwa na natamo ng kaklase namin. Nag apoy sa gigil iyong primary ng makita ang nakakaloko niyang ngisi, at sumunggab bigla. Suntok, at sipa ang naging palitan nila at paminsan-minsan ay ginagamit ang mga armas. Bumanat ng atake iyong kalaban, at hindi nailagan ni primary. Tuloy ay tinamaan siya. Nang makita siyang nahilo nung secondary ay sunod sunod niya siyang binagsakan ng atake, hanggang sa hindi na makagalaw at bumagsak sa lupa. Talo ang kaklase namin.

Ngingisi ngisi na tumalikod iyong secondary, at lumapit sa klase nila. Pinag dikit nila ang palad sa ere, at natatawang tiningnan ang kawawa naming kaklase. Nanggalaiti tuloy sa inis ang lahat ng kamag aral namin. Nagyayabang ang mga mas mataas ang ranggo sa amin.

"Kita mo iyong may hikaw sa labi? Ako sana ang makalaban niyan. Hahatakin 'ko iyang mga hikaw niya hanggang sa umiyak siya ng dugo." gigil na sabi ni Celestia habang titig doon sa mayabang na secondary.

"Tahimik."

Kaagad ay natahimik ang lahat ng mag salita ang guro. May mga lumapit na estudyante doon sa kaklase namin para gamutin siya. Napuno siya ng suntok, at sipa at iilang mga hiwa.

"Alam niyo ba kung ano ang nakapag patalo sa kanya? Iyon ay ang emosyon. Nagpadala siya sa inis kaya siya natalo. Tandaan niyo na mga baguhan pa lamang kayo, wag din kayong masiyadong mag mataas. Higit na mas malakas ang mga secondary kaysa inyo. Kung matalo man kayo, siguraduhin niyong hindi naman sa nakakahiyang paraan. Wag puro puso, gamitin ang utak. Hindi lang lakas ang kailangan sa pakikipag laban. Wag padalos dalos."

Nakita 'ko na umigting iyong panga ng kamag aral namin na natalo, pero hindi na nag salita. Ibinalik 'ko ang tingin sa harapan.

Nasundan ng nasundan ang mga laban. May mga secondary ang natatalo, pero mas marami ang panalo. Si Celestia ay hindi nakalaban iyong lalaking gusto niyang gulpihin, at napunta sa iba. Talo sa laban si Tatiana dahil nadala siya ng damdamin niya. Kung papaano'y malakas mangasar iyong nakaharap niya, at pikon naman siya. Tuloy ay humalik ang katawan niya sa lupa. Talo naman si Leatris dahil malakas masiyado ang kalaban niya. Bagsak siya.

Sila Lagrance, Derek, at Alphonse naman ay pare-parehong panalo. Mas sanay lumaban iyong tatlo kaysa sa amin dahil sinanay na sila ni kapitan, at mas dumami pa ang kaalaman nila noong naghiwa hiwalay kami.

Nanalo si Akila sa laban niya na hindi na nakakapag taka. Kalmado siyang masiyado kaya hindi mapikon. Si Eredia naman ay nakaharap iyong lalaki na gustong makalaban sana ni Celestia, at panalo. Pareho sila ng sandata na ginamit nung lalaki. Kusarigama. Gigil pa si Celestia dahil kay Eredia napunta iyong lalaki, kaya lang ay bawal magpalit ng kalaban.

The Another WorldWhere stories live. Discover now