/23/ A New Page

1.1K 106 0
                                    


A New Page.

Gabi. Madilim ang paligid, at tahimik. Tanging ang banayad na pag galaw ng mga puno sa ihip ng hangin ang maririnig sa paligid.

Suminghap ako, saka marahan na bumuga ng hangin. Iyon ang kanina 'ko pang ginagawa. Iniipon 'ko ang mana 'ko papunta sa iisang lugar, sa gitna ng aking dibdib. Kailangan ito para hindi ako mabigla kung gamitin 'ko man ang mana 'ko.

"Sianrass..." narinig 'ko ang malambing na boses ni Calais, tinatawag ako.

Suminghap ako at bumuga ng hininga bago nag mulat ng mga mata. Nakita 'ko siyang nagliliwanag. Napakahiwaga talaga. Sa likod niya ay ang buwan na sumisilip. Ang maliliit na sinag ng buwan na dumadapo sa kaniyang mahabang buhok ay kumikislap, kumikinang. Bumaling siya sa buwan. Alam 'kong nabasa niya ang iniisip 'ko.

Narinig 'ko ang pag buntong hininga niya, kalmado at payapa.

Bahagyang umihip ang hangin, at sinayaw ang kaniyang buhok. Kumurap ako.

"Calais..." naramdaman 'ko siya na lumingon sa akin, inaantay ang sasabihin 'ko. "Gusto 'ko sana na mag tanong sa 'yo."

Hindi siya umimik, parang alam ng iyon ang sasabihin 'ko. Umawang ang labi 'ko saka yumuko, tinititigan ang dalawang palad 'kong nakabuka.

"Natatandaan 'ko ang nakaraan 'ko. Ang mga ginawa 'ko, ang mga nakamit 'ko, ang mga nakasama 'ko. Kahit ang mga nag dalamhati para sa akin ay tandang tanda 'ko," huminto ako saglit. Nangangapa ng sasabihin. "pero, magulo. Hindi 'ko maalala ang pangalan 'ko. Samantala kahit ang dampi ng hangin ay ramdam 'ko pa, pero ang pangalan 'ko hindi 'ko na maalala. Gaya ng pag limot sa akin ng mga tao 'ko."

Hindi umimik si Calais. Umihip ulit ang hangin, at dumampi sa balat 'ko. Nag angat ako ng mukha sa kanya.

"Calais, nabuhay ka ng mas matagal sa akin. Mas kilala mo ako kay sa sarili 'ko. Alam mo ba kung ano ang pangalan 'ko?"

Hindi siya umimik, at tinitigan lang ako. Nakita 'ko ang pag sayaw ng isang emosyon sa mga bughaw niyang mata. Lungkot, at pakikidalamhati. Malungkot ang mga mata niya ng titigan ako.

Imbes na sagutin ang tanong 'ko ay lumakad siya palapit sa akin. Magaan ang bawa't hakbang, nag iingat na baka makagawa ng tunog. Humalik ang tuhod niya sa sahig. Pumantay ang mukha niya sa akin, saka maingat na hinawakan ang kamay 'ko. Marahan ang pagkakahawak niya sa akin, parang paborito niyang mamahaling babasagin na baso at iniingatan na wag mabasag dahil matagal niyang pinag hirapan.

May dinukot siya mula sa bulsa niya. Makinang iyon, at maganda. Ang kulay ay mas maganda kay sa tanso, at parang sa buwan ang mga kinang. Isang singsing. Isinuot niya iyon sa daliri 'ko na ikinalunok, at ikina awang ng labi 'ko. Napasinghap ako sa kakaibang pakiramdam.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng regalo mula sa kanya. Pero ang isang ito ang pinaka maganda. Dahil sa paligid?

"Ang dami mo ng ipinapasuot sa akin." sabay angat 'ko ng mukha sa kanya. Sinalubong niya ang tingin 'ko at ngumiti.

"Sianrass, hindi 'ko masasagot ang tanong mo."

Numipis ang labi 'ko sa sinabi niya. Alam 'ko na alam niya, pero hindi 'ko maintindihan kung bakit hindi niya sinasabi. Yumuko ako at nag kimkim ng pagtatampo. Para iyong ampalayang tumapon sa puso 'ko, kumalat ang pait. Nanginig ako ng maramdaman ang dalawa niyang palad na lumapat sa magkabila 'kong pisngi, malamig pero nang aamo. Hindi 'ko siya tiningnan nang mag salubong ang mukha namin.

"Sianrass, hindi ako gagawa ng ikakasama mo." maingat ang pagkakasabi niya. "Kung ano ang gawin 'ko, para 'yun sa ikabubuti mo."

Bahagyang kumunot ang noo 'ko habang nakatulala sa mahimbing na natutulog na si Selance. May mangyayari ba na masama kung malaman ko kung anong pangalan 'ko?

Napatingin ako ng tapikin niya ang ulo 'ko saka tumayo. Iyon nanaman ang ngiti niya na sinasabing mag tiwala ako.

"Wag mong iwawala ang mga binigay 'ko sa 'yo. Kung mawala 'yan, hindi 'ko alam kung anong pwedeng mangyari." aniya. "Mawawala lang ang epekto ng mga iyan kung dumating na ang oras."

Oras?

Lumakad siya papalayo sa akin, at saka ako bahagyang nilingon ng makalapit sa bintana. Pag buka ng kaniyang bibig ay biglang lumabo ang paningin 'ko, at dumilim. Nakita 'ko na bumubuka pa ang bibig niya at parang may sinasabi. Kumunot ang noo 'ko. Hindi kita maintindihan, Calais. Bago 'ko pa mamalayan ay tuluyan ng dumilim ang paningin 'ko at nakatulog.

-

Tanghali na. Kanina pa nag simula ang klase. Natapos na ang unang paksa, at nasa pangalawa na kami. Nangalumbaba ako, at tulalang nakatingin sa guro namin na nagsasalita sa gitna. May itinuturo siya sa blackboard pero hindi 'ko maintindihan, sumasakit lang ang ulo 'ko.

Biglang bumalik sa isip 'ko ang mga alaala ng nangyari kagabi. Malihim na nilalang si Calais. Para siyang dilim, maraming itinatago. Karaniwan na niyang ugali ang mag lihim sa akin. Kahit pa nga magka ugnay kami ay hindi 'ko nalalaman ang iniisip niya. Hindi 'ko alam kung ano ang mga itinatago niya sa akin, at kung ano ang mga dahilan niya. Pero kahit na gano'n ay nagtitiwala ako sa kanya dahil basa 'ko ang nararamdaman niya.

Nilaro laro 'ko ang pangsulat 'ko sa pagitan ng dalawang daliri habang pinanood ang guro namin na sabihin ang pamamaalam niya, at lumakad papaalis. Pag sara ng pintong nilabasan niya ay agad na tumayo ang mga kaklase 'ko.

Tumayo si Eurula at nag inat ng katawan.

"Grabe," pinatunog niya ang leeg. "wala akong naintindihan."

Naupo siya sa lamesa paharap sa amin. Magkakasama kaming lahat sa iisang klase. Ang patakaran pala kasi ng Moirslant ay magkakasama sa isang klase ang magkakapareho ng ranggo. Maiiba ka lang ng kwarto na papasukan kung tumaas na ang iyong antas. Patagilid siyang nilingon ni Yerenica.

"Hindi tataas ang ranggo mo kung hindi ka mag aaral ng mabuti."

Tinaas ni Eurula ang kamay niya at kumumpas na parang nangtataboy.

"Bakit? Tatanungin mo ba ng tungkol sa pag aaral ang makakalaban mo sa digmaan? Baka mapatay ka pa nila kasi binigyan mo pa sila ng isipin."

Inayos 'ko ang gamit 'ko bago sila hinarap ng maayos. Sinuklay 'ko ang buhok 'ko pataas. Nakasanayan 'ko na itong gawin dahil laging bumabagsak ang ilang hibla ng buhok 'ko sa mukha. Makati kaya nakakairita.

"Makakatulong 'yan." sabi ni Yerenica.

Tungkol kasi sa alkimya ang unang pinaksa. Ang sa pangalawa naman ay tungkol sa kasaysayan ng bansang Moirslant. Hindi ako nakapakinig dahil lumilipad ang isip 'ko sa mga nangyari kagabi. Tuloy ay wala akong naunawaan.

"Pag nag sulit ay paniguradong uulan ng itlog." bulong ni Celestia.

"Edi ayos, may ulam na." ani Admona sabay turo kay Akila. "Sawa na ako sa walang katapusang patatas ng isang 'to."

Humalakhak si Louanica. "Iyon ngang tae 'ko ay nag iitsurang patatas na."

Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay may ibinibenta na lutong pagkain sa kapiterya. Ang karamihan doon ay mga hilaw at lulutuin mo ng iyo. Para iyon sa gusto na mas makatipid.

"Manahimik ka. Taga lamon ka lang." si Akila.

"Pasensya ka na. Ganda lang ang ambag 'ko sa inyo."

Napalitan ang pinag uusapan namin ng lumapit sa amin ang tatlong lalaki, at nakisali sa kwentuhan. Napuno kami ng tawanan at natigil lang ng dumating ang sunod na guro. Wala namang gaanong nangyari matapos no'n hanggang sa mag uwian na kami. Walang naging kaganapan sa una naming araw.

-

Thank you AtTheCoffeeShop sa pag vote, and pag basa. Para po sa 'yo ang chapter na 'to. 😊

The Another WorldWhere stories live. Discover now