/20/ Verge of Death

1.2K 118 5
                                    


Verge of Death.

Nangangatog ako habang nakatulala sa mga puno. Ano ang ginagawa ng isang katulad niyan dito?

Sinadya ba nila iyan? Nilagay nila dito? O baka nakapasok lang? Sa laki ng halimaw na iyan ay paniguradong marami na siyang nakain. Ilan na?

Tumingin ako kay Red na nakatulala sa halimaw sa takot. Nanigas na siya sa kinatatayuan, at nangangamba ang itsura. Napalunok ako bago muling binalingan ang halimaw, at iyong dalawang lalaki.

Iyong duwag ay maputla na ang mukha at gano'n pa rin ang itsura. Parang hindi na makagalaw. Sumigaw naman 'yung kasama niya, at saka akmang tatayo ng bigla ay bumuka ng napakalaki ang bibig nung halimaw. Tapos ay lumabas ang dila niya, at parang kamay na dinampot iyong lalaki. Nagsisigaw habang umiiyak sa takot iyong lalaking nadapa. Sumisigaw ng tulong. Doon ay parang nabalik ako sa kasalukuyan, at kusang gumalaw ang katawan.

Binato 'ko ng punyal ang dila niya, pero laking gulat 'ko ng hindi siya tablan no'n. Napanganga ako, saka umiling. Tumakbo ako papunta doon sa lalaki, at inabot ang kamay niya.

"Kumapit ka!" sigaw 'ko habang hinahatak siya ng pilit.

"Wag mo akong bibitawan!" umiiyak niyang saad. Takot na takot sa bibig ng kamatayan ng halimaw.

"Hindi ako bibitaw! Kumapit ka lang!" pilit 'ko siyang hinatak kaya lang ay nadadala ako sa lakas ng halimaw. "Red! Red! Red! Gumising ka!"

Walang silbi ang hatak 'ko, malakas masyado itong halimaw! Wala ding silbi ang mga punyal 'ko. Hindi siya tinatablan ng mga bakal.

Sumigaw na ako sa hirap. "Red! Ano ba! Ang akala 'ko ay malakas ka na! Duwag ka pala!"

Doon ay narinig 'ko ang pag galaw niya.

"Sira ulo ka!" sigaw niya.

Isang malaking bola ng apoy ang tumama sa halimaw. Nakahinga ako ng maluwag, pero laking gulat 'ko ng wala man lamang epekto ang naging atake ni Red sa kaniya. Tuloy tuloy pa rin ang hatak niya sa kawawang lalaki.

"Anong..." gulat si Red. Umatake pa ulit siya ng isa, at isa pa pero ganoon pa rin. Kahit gasgas ay walang natamo ang halimaw!

"Ha..." napanganga ako.

Ito ba ang lakas ng isang Special Level?

Napapitlag ako ng maramdaman na may tumabi sa akin. Iyong lalaki na duwag. Akala 'ko ay tumakbo na siya. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at nakihatak.

"Wag kang bibitaw!" sigaw niya. Bumalik ako sa huwisyo, at muling hinatak iyong lalaki. Kamuntikan 'ko na siyang mabitawan. Hinatak namin siya.

Lumakas ang iyak niya. Nasasaktan siya dahil nahahatak ang katawan niya! Nanginig ako ng marinig ang pag sigaw niya. Mas humigpit ang kapit ng dila sa kanya. Nabasa ang braso 'ko ng mga luha niya. Hirap na hirap na siya.

"May pamilya pa ako...ayaw 'ko pa na mamatay...buntis ang asawa 'ko..." umiiyak niyang sabi habang panay ang pag iling.

Umawang ang labi 'ko. May pamilya siya. Iiyak sila pag namatay siya. May kailangan siyang buhayin. May nag aantay sa kanya.

Suminghap ako, at pinalakas ang loob. Binitawan 'ko ang kaniyang kamay na ikinagulat nila.

"Sianrass!" sigaw ni Red, gulat sa ginawa 'ko.

Kinuha 'ko ang aking punyal saka nag angat ng tingin sa halimaw. Hindi siya tinatablan ng punyal pag sa balat, at ganoon din ang dila niya. Pero alam 'ko na may kahinaan ang mga Special Level. Iyong bagay na itinatago nila, ang pinagmumulan ng kanilang lakas. Nakita 'ko na iyon kanina.

The Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon