/10/ A Mice In A Trap

1.6K 162 0
                                    


A Mice In A Trap.

Ang gabi ay naging mapait dahil sa nangyari. Sinabi 'ko kay Akila na nadulas ako habang naglalaro sa ilog, at nabasa. Napagalitan pa niya ako dahil doon. Matapos ay umalis na sila, at natahimik na ulit ang bahay.

Hindi ako nakatulog sa kakaisip. Nang sumapit ang umaga ay nag tipon kami sa hapag kainan, at tahimik na kumain. Kahit na ng mag tanghalian ay tahimik sila. Dahil wala na silang trabaho ay kompleto ang lahat sa bahay, pero parang tinalo pa nila ang sementeryo sa sobrang katahimikan.

Hindi ako sinisinghalan ni Eredia, pero hindi din niya ako kinakausap. Ganoon din ang iba. Ang totoo ay kahit ang isa't isa ay hindi nila kinakausap. Nag sasalita lang pag kailangan, gagalaw pag kailangan. Kahit si Eurula na pinaka maingay ay parang naubusan ng salita. Sa unang pagkakataon ay naging patay ang tahanan nila.

Kaya ng mag hapunan ay napag desisyunan 'ko na lumabas muna. Hahanap ako ng pwedeng mapasukan na trabaho, kahit taga hugas lang ng pinggan. Hindi ako marunong pero napapanood 'ko naman sila Akila. Sa tingin 'ko naman ay makakaya 'ko iyon. Sinabi 'ko kay Akila na lalabas muna ako. Pero hindi 'ko sinabing hahanap ako ng trabaho.

"Wag kang magpapagabi." aniya.

Tumango ako, sabay alis na. Pag dating 'ko sa bayan ay parang bumalik ang pandinig 'ko. Pakiramdam 'ko ay bingi ako ng nasa bahay sa sobrang tahimik. Kinamot 'ko ang taenga, at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mansanas! Isang tanso lamang ang isang piraso!" sigaw nung bata.

Tumitig ako sa bata na panay ang sigaw para makahikayat ng bibili. Sa sobrang titig 'ko ay nalimutan 'ko na ang paligid, at hindi napansin ang grupo ng mga baboy na dadaan. Sa unahan nila ay ang isang lalaki, parang iyong kumokontrol sa kanila.

"Bata, tabi!"

Napatalon ako sa gilid sa gulat ng may sumigaw. Dumaan ang isang lalaki kasunod ng maraming baboy sa gitna. Agad na nalukot ang mukha 'ko maging ng mga tao sa baho ng mga baboy. Nabalot agad no'n ang paligid kaya nag si layo ang mga namimili na ikinagalit naman ng mga nagtitinda.

Tumitig ako sa mga baboy, saka nag iwas ng tingin. Kamag anak ng baboy sa tore. Mas mabantot at pangit nga lang siya kaysa mga ito. Tumalikod na ako, at nag tuloy sa paghahanap ng trabaho.

Lahat ng tindahan ay tinanong 'ko. Iisa lang ang naging tanong 'ko bagama't marami sila at iba iba, kung kailangan ba nila ng katulong. Kaya lang ay iisa lang din ang naging sagot nila, hindi na nila kailangan dahil sapat na ang mga katulong nila.

Bumuntong hininga ako, at naupo muna sa hindi naaarawan, at hindi ganoon katao. Pakiramdam 'ko ay sunog na ako dahil sa init. Ibinagsak 'ko ang ulo sa batok saka pinaypayan ang sarili ng kamay.

Inaasahan 'ko ng mahirap mag hanap ng trabaho. Pero hindi 'ko naisip na ganito kahirap. Init na init na ako, uhaw at pagod. Pero hindi ako pwedeng bumalik sa bahay ng walang bitbit. Kabayaran na din siguro 'to sa ilang araw 'ko na pamamahinga.

Tulala ako sa kawalan at nabalik lang sa kasalukuyan ng may humarang sa paningin 'ko. Nag angat ako ng mukha para tignan kung sino iyon at nakita ang isang hindi pamilyar na lalaki. Sa tantiya 'ko nasa mahigit trenta na ang edad niya. Mukhang barumbado, at basag ulo.

"Ikaw ba 'yun?" mababa ang boses niya, pero naghahanap ng away. Paniguradong hindi lumapit ang lalaking ito para abutan ako ng tubig.

Ako daw ba 'yun? Sino? Kumunot ang noo 'ko sa pagtataka dahil hindi 'ko kilala ang itsura niya. Bumaling siya sa kaniyang likod, at may kinausap.

"Sigurado 'kang siya na iyon?"

Sinundan ko ng tingin ang kinakausap niya at nakita ang dalawang pamilyar na mukha. Tinambol sa kaba ang dibdib ko dahil kilala 'ko ang mga mukha na iyan. Sila iyong dalawang lalaking humabol sa akin!

The Another WorldWhere stories live. Discover now