/6/ Three of Sixteen

1.9K 177 15
                                    


Three of Sixteen.

Tanghali. Mataas ang sikat ng araw. Ito ang unang araw 'ko sa bahay nila. Kagabi nang matulog kami ay lima kaming magkakasama sa silid kagaya ng sinabi ni Akila. Ang apat na kasama 'ko ay iyong babaeng katapat 'ko na ang pangalan ay Celestia, si Eurula, Tatiana, at Faydom.

Nalaman 'ko na labing lima pala silang lahat na naninirahan doon, at ang ika-labing anim ay si Kapitan. Maingay sila, at magulo tuloy ay ilang ako sa kanila. Maging ang bibig 'ko yata ay nahiyang mag-salita. Mula pa kasi ng mag-tanghalian kami kahapon ay hindi na nag-salita ang bibig 'ko na ipinagpasalamat 'ko dahil walang salitang maganda ang lumabas sa bunganga na 'to.

Napatunganga ako sa kalangitan. Asul na asul iyon at parang nakikipag patingkaran sa araw.

Hindi 'ko alam kung bakit hindi ako makapag-salita ng gusto 'ko. Napahaplos ako sa labi 'ko, at bumuntong hininga kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Lahat silang nakatira sa bahay ay mabait, at masaya kasama kahit na ulila silang lubos, at mahirap. Maayos nila akong kausapin, at binibiro pa na parang kaibigan. Para hindi siguro ako mailang sa kanila? Pero may isa sa kanilang hindi pa rin ako pinapansin. Si Red.

Naging matunog ang pag-ngiwi 'ko nang maalala kung paano niya akong taliman ng titig sa tuwing nagkikita kami. Hindi 'ko nalang pinapansin kahit naiirita ako. Tutal naman ay may utang na loob din ako sa kanya.

Pinunasan 'ko ang pawis 'ko sa noo tsaka bumuga ng hininga.

"Pagod ka na ba?" tanong ni Akila, katabi 'ko siyang naghuhukay.

Sa tabi niya ay may basket na may lamang patatas, at ilan pa na gulay. Ang kinakain pala nila ay galing sa taniman ng iba. Magtatrabaho sila, at ang bayad ay malaya silang kumuha ng gulay sa taniman ng may-ari. Wag lang nilang ubusin.

Ang bayan kasi na ito ay malupa kaya maraming halaman, at puno sa paligid. Pagtatanim ang hanap-buhay ng mga tao dito.

Umiling ako.

"Ang init. Wala bang masisilungan?" nag-salita na ulit ang bibig 'ko, at hindi 'ko iyon ikinatuwa at ni Red.

Nakita 'ko kasi ang pag-irap ng mata niya sa sinabi 'ko. Hoy, akala mo naman ay ginugusto 'ko ang mga sinasabi 'ko?

Inangat ni Akila ang leeg niya, "Mayro'n ditong masisilungan. Doon ka muna."

Tumango nalang ako, at pinuntahan ang tinuturo niya. Kung sasalungatin 'ko ang bibig 'ko ay baka isipin niya lang na may tililing ako.

"Kaya naman pala maputi..."

Hindi 'ko pinansin si Red ng dumaan ako at dumiretso na sa masisilungan. Pag dating 'ko ay naupo ako sa kung saan tanaw 'ko ang buong taniman. Kita 'ko silang lahat na naghuhukay ng mabuti, at natutuwa pag may nakikita. Hindi na ako magtataka kung bakit silang lahat ay namumula ang balat, kung papaano'y nagtatrabaho din ng maigi ang haring araw.

Habang nakatunganga sa kanila ay hindi 'ko maiwasan ang sumama ang loob. Heto ako, at nagpapahinga. Samantala sila ay init na init, at nagpapakahirap. Kahit na si Kapitan ay may ginagawa din. Ako lang ang wala, pero nakikihati ako sa pagkain.

Natigil ako sa pag-iisip ng makitang dumating si Yerenica.

"Oh, nandito ka pala." gulat na aniya.

Naupo siya sa tabi 'ko.

"Pagod ka na?" pinaypayan niya ang sarili.

"Oo..." sabi 'ko. "Paypayan mo din ako."

Napapikit ako sa sinabi 'ko, pero parang hindi naman niya pinansin at dinamay ako sa pagpaypay.

"May nahukay ka ba na patatas?"

"Wala, pakiramdam 'ko ay tinatakbuhan ako ng mga patatas."

Tumawa siya sa sinabi 'ko, "Ayos lang 'yan, unang subok mo naman."

Matapos magpahinga ni Yerenica ay bumalik siya sa pag gawa. Isang oras sila doon bago kami bumalik sa bahay. Nag unahan pa sila sa pag ligo pag-uwi, at natulog pagkatapos.

Dumiretso sa kusina si Akila. Ang sabi niya ay aayusin niya ang mga gulay, at huhugasan. Hindi ako nakatulong dahil agad na nag salita ng kusa ang bibig 'ko. Kaya heto ako at nasa sala.

Bumuntong hininga ako. Nang dahil sa bibig na 'to ay mapapalayo ang loob nila sa akin.

Sinubukan 'ko ulit na magsalita ng sa akin pero hindi bumubuka ang bibig 'ko. Bubuka lang siya kung kailan niya gusto, at magsasalita ng gusto niya. Naasar nalang tuloy ako.

Natigil ako sa malalim na pag-iisip at napaangat ng mukha ng may humarang sa harapan 'ko. Isang batang lalaki ang nadatnan 'ko.

"Bagong kasama ka ba namin dito?" bati niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

May ngisi sa labi niya, pero hindi nang-aasar. Parang bumabati. Katulad ng mata niya ang mata ng mga nakatira dito, makinang at masigla.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Mabuti nalang at dumating si Akila kasunod ang dalawa pang batang lalaki.

"Dito na siya." aniya pag-pasok.

"Aba, talaga?!" ngumisi ang lalaki sa harapan 'ko. "Ako nga pala si Lagrance, tawagin mo akong kuya Rance."

May humawi sa mukha niya, "Ako naman! Hello, ako si Alphonse. Kuya Alphonse ang tawag nila sa akin dito." sabi ng humawi sa kanya. "Ang liit mo naman."

Bumuntong hininga iyong kasama nilang isa pa, at nilayo sila sa akin.

"Tinatakot niyo ang bata. Mag-hunus dili nga kayo." saway niya sabay ngiti niya ng malawak sa akin. "Ako nga pala si Derek."

Tumitig ako saglit sa kanila, at napayuko nalang. Hindi dahil sa nahihiya ako pero dahil ayaw nanaman bumuka ng bibig 'ko, wala akong maisasagot.

Mabuti nalang at sinaway sila ni Akila.

"Lumabas na nga muna kayong tatlo. Nakaka istorbo ang pag litaw niyo dito." pag taboy sa kanila ni Akila. "Shoo!"

"Oo na nga." tiningnan ako nung Lagrance. "Mamaya ulit, bansot!"

Aray.

Pinigilan 'ko ang malukot ang mukha. Bansot talaga ang tawag nila sa akin. Kung sabagay, maliit ako at wala naman silang ibang maipapangalan sa akin. Hindi nila alam ang itatawag sa akin dahil hindi pa ako nakakapag sabi sa kanila ng kahit na anong impormasyon tungkol sa sarili 'ko.

Bigla 'kong napag-isip isip ang mga nangyari. Oo nga, ano. Wala pa silang alam sa akin. Natigilan ako. Ang edad 'ko nga pala'y alam na nila. Maliban sa edad, wala ng iba.

Hindi 'ko naman kasi kayang kontrolin ang bibig 'ko para makapag pakilala sa kanila.

Nilapitan ako ni Akila ilang segundo matapos nila na makaalis at kinausap. Akala yata niya'y natakot ako sa kanila. Kung sabagay ay karaniwan sa mga maliliit na kagaya 'ko ang mahiya sa mga taong lumalapit sa akin, lalo pa't babae ako. Kaya lang ay hindi na bata ang isip 'ko.

"Kasama natin sa bahay ang tatlo na 'yun. Mababait naman sila, iyon nga lang ay mga makukulit." sabi niya na nakatingin sa pinaglabasan ng tatlo. "Hindi siguro halata pero kapatid 'ko si Lagrance."

Doon ako napapitlag. Si Lagrance? Kapatid niya iyon? Pero sa ugali man o mukha ay hindi masasabing magkapatid sila.

Narinig namin ang pag baba ng kung sino mula sa itaas. Bumaling kami sa mga bumaba, at nakita si Red kasunod ang ilan na hindi natulog. Lahat sila ay bagong ligo.

"Nagugutom kami, Akila. Nag luto ka ba?" busangot ang mukha ni Eurula habang hipo ang tiyan.

"Kakain na kami, napagod kami sa kakatrabaho." ani Leatris.

Sinaway sila ni Red.

"Ako na. Marami ng nagawa si Akila..." bigla ay bumaba ang tingin niya sa akin. "Hindi kagaya ng isa d'yan. Sampid na, pabigat pa."

The Another WorldWhere stories live. Discover now