/36/ Snap

874 83 17
                                    


Snap.

Si Yuri Arlionel ay sikat. Dahil sa laki ng kaniyang biyaya na natanggap. Itsura man, o sa kakayahan. Kung banggitin mo ang pangalan niya ay paniguradong may ikokomento sila. Pero hindi lang siya sikat dahil sa kaniyang itsura at galing. Kilala din siya dahil sa magaspang niyang ugali. Masungit, suplado, at mahirap kausapin. Lalo na sa mga babae.

Humapdi ang mukha 'ko hanggang sa namanhid sa lakas ng pagkaka sampal niya sa akin. Halos mabingi ako sa lakas ng tunog ng pag lapat ng palad niya sa mukha 'ko.

Parang tinangay ang kaluluwa 'ko sa pagkabigla. Gulat si Helena sa ginawa niya samantala siya ay nanatiling galit ang itsura, at napopoot ang tingin sa akin.

"Kinakausap ka lang niya, tapos ay tinulak mo siya. Ano bang klase ng ugali mayroon ka?" mariin ang bawa't salita niya, sigurado.

Tumunganga sa kanya si Helena at yumuko. Hindi mo na ba maitago ang tuwa mo?

Dahan-dahan ay gumalaw ako. Nakita 'ko iyong dalawang lalaki na nag eensayo na nakatingin sa gawi 'ko. Hindi 'ko kita ang mukha nila. Hindi 'ko alam kung hanggang saan ang nakita nila.

Totoong ayaw 'ko na patulan si Helena. Plano 'ko na mabuhay ng walang kaaway. Pero wala akong sinabing payag akong pagmukain niyang tanga, o masampal dahil sa kagagawan niya. Hindi ako magpapaapi para mabuhay o habang nabubuhay.

-

Yuri Arlionel

Noong una akong mapadpad sa paaralan ng Moirslant ay sinalubong ako ng maraming tao. Lahat ay hindi pamilyar ang itsura, lahat ay tuwang-tuwa kami na makita.

Una 'kong nakita si Helena ay noong lapitan ako ng mga kaibigan niya. Kasama nila siya. Pero hindi kagaya nila, hindi siya mukhang natutuwa na makita ako. Parang karaniwan na tao ng balingan niya ako. Sa ganoong paraan ay nakuha niya ang interes 'ko.

Mahinhin siya kung gumalaw, at kung mag salita. Hindi nahuhumaling sa mukha ng lalaki kagaya ng ugali na dapat mayro'n ang mga babae. Ang ugali na hindi 'ko nakikita sa mga babaeng nakikilala 'ko.

Lagi siyang may ngiti sa labi, at may kinang sa mga mata pag nakikita ako pero walang pagnanasa sa itsura, kapangyarihan, o katawan 'ko. Parang isang tuta.

Pero may isa akong babae na nakabangga. Itim na parang gabi ang kaniyang buhok, at mata. Maputla na parang niyebe ang balat. Kung tumayo ay parang may pinagmamataas, at kung tumingin ay parang tagos sa kaluluwa.

Nang una 'ko siyang makita ay nakahalik ang katawan niya sa lupa. Hindi 'ko alam kung naitulak ba sa dami ng tao, o baka nagpapapansin gaya ng ibang babae. Sa isipin na iyon ay nainis ako. Pero nang itayo 'ko siya ay mabilis siyang lumayo, at parang nasusuklam sa pagdidikit ng balat namin. Dumiretso bigla ang tayo niya at tinanggihan ang hawak 'ko, ayaw ng tulong dahil kaya na niya. Tapos ay tiningnan niya ako ng may galit na mga mata, at tumalikod na parang walang nangyari. Doon ay napag-tanto 'ko, hindi siya nagpapapansin.

Hindi siya kagaya ni Helena na mabait ang itsura. Parang may pader sa paligid niya na naglalayo sa kaniya sa iba. Hindi 'ko siya gusto. Iyon ang naramdaman 'ko.

Narinig 'ko siyang bumuga ng hininga na parang pagod, o nagpapakalma. Kahit na ng sinampal 'ko siya ay parang tore siyang matatag na nanatiling nakatayo sa pinupuwestuhan niya. Hindi siya nanginig, o nangatal.

Dahan-dahan ay bumaling ang mga mata niya sa akin. Kalmado ang tayo, at itsura. Pero ang tingin niya ay iba. Parang araw siyang nag iinit, at parang malaking apoy na nag-aalab. Tama. Galit na galit ang titig niya sa akin. Pero nanatiling nakatigil. Parang leon siyang nag aantay ng tamang tiyempo ng pag atake.

Parang dinambo ang dibdib 'ko. Marami ng may galit, inis, iritasyon, at poot ng tumingin sa akin. Pero walang may makakapantay sa pagkasuklam na nasusulat sa mga mata niya.

"Bagay nga kayong dalawa." aniya. "Isang mapag panggap, at isang tanga."

Kumunot ang noo 'ko at nag alab ang iritasyon sa dibdib 'ko. Mapag panggap? Tanga?

"Iya-"

"Hindi lang iyang kakayahan mo ang nakakapag papari sa 'yo."

Nag ngitngit ang ngipin 'ko, "Wag mong idadamay dito ang pagkapari 'ko."

Kumislap ang mga mata niya. Parang apoy na nahanginan. Mas lumakas, mas kumalat.

"Sumusugod ka kahit na walang alam. Hindi ba iyon katangahan?" napanganga ako.

Kung mag salita siya ay parang nalimutan na niyang pari ako. Mas nakakataas ako sa kaniya.

"S-Sianrass! Ano ka ba!" umawat si Helena, sabay baling sa akin. "Wala siyang kasalanan."

Pero wala sa amin ang nakinig, at nagpapigil. Lalo na siya. Lumapit siya sa akin, at huminto sa tapat 'ko.

"Bago ka sumugod ay alamin mo muna kung ano ang buong pangyayari. Hindi 'yung nakita mo lang siyang natumba, lalapit at sasampal ka na. Gawain lang 'yan ng mga tanga." naningkit ang mga mata niya, nang iinsulto.

Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa kaniya.

"Sianrass! Isa siyang pari, wag mo siyang tatawaging tanga." galit ang boses ni Helena na sabi sa kanya.

Bumaling siya sa kanya, at tumitig na parang may nakakatawa siyang sinabi.

"Gusto mo na igalang 'ko siya?" natawa siya, sarkastiko. "Tanga lang ang gagalang sa tanga."

Nganga sa kanya si Helena.

"At Helena, tigilan mo ang pakikipag laro sa akin." aniya, sabay umiling iling ang ulo. "Hindi mo gugustuhin kung paano akong makipaglaro."

-

Sianrass Diana Euclid

Nangingilabot ako sa sama ng loob. Gusto 'kong mag wala at hablutin sila sa leeg. Gusto 'kong sumigaw. Gusto 'kong umatungal. Pero kailangan 'ko na kumalma.

Huminga ako ng malalim, at pinilit ang sarili 'kong kumalma. Pero hindi 'ko kaya. Nanggagalaiti ako sa inis!

Nasaktan ako sa lakas ng sampal niya. Ang huling sampal 'ko ay noong bata pa ako. Wala ng may nakasampal sa akin mula noon. Ngayon nalang ulit. At siya pa ang nakasampal sa akin.

Padabog ang mga lakad 'ko papuntang banyo. Pag pasok 'ko ay hinilamusan 'ko ang sarili at tumunganga sa salamin.

Matapos ng ginawa 'ko ngayon ay paniguradong mas kinamumuhian na ako ni Yuri. Wala akong plano na mapaburan niya, o makuha ang interes niya. Wala din akong pakialam kahit mag tanim pa siya ng sama ng loob sa akin. Baka tumulong pa ako sa pag ani.

Ang sa akin ay ano ang mga mangyayari matapos ng ginawa 'ko. Marami siyang tagahanga kahit na nakakasimot ng pasensya ang ugali niya. Paniguradong kung hindi siya ay si Helena ang magpapakalat ng mga nangyari.

Hinilot 'ko ang sentido. Nang kumalma na ako kahit papaano ay lumabas na ako ng banyo. Nabigla pa ako ng makita si Eredia na nakatayo sa tabi ng pinto, parang may inaantay.

"Red?"

Bumaling siya sa akin, at dumiretso ng tayo. Hindi nakangiti. Pero hindi galit ang mukha. Titig siya sa akin na para akong binabasa, nagtataka at may pag-aalala.

"Bakit nandito ka?" nag taka ako.

"Inaantay kita."

Inaantay? Ibig sabihin ay alam na niya kanina pa na nasa banyo ako, pero hindi siya pumasok para tawagin ako. Tumitig ako sa kanya.

"Para saan?"

Suminghap siya, "Pinapatawag ka sa silid ng Prinsipe."

-

Thank you din kay YNA2020 sa pagpili ng story na 'to kahit na hindi siya maganda. Thankyousm! <33

Guys, sorry hindi po muna ako makakapag update ng matagal. Kasi po namatay yung lolo 'ko. Salamat po.

The Another WorldWhere stories live. Discover now