/42/ The Storm

799 73 26
                                    


The Storm.

Napatanga kami pare-pareho sa mga narinig. Gulantang. Kinilabutan sa malalakas na dagundong.

Pinasok kami?

"Anong..." nadinig 'kong usal ni Ophelia, nganga at kunot ang kilay habang nakatingin sa labas ng binasag niyang bintana.

Bigla ay naalala 'ko ang sitwasyon 'ko. Dahil lutang ay madali 'kong naitulak si Ophelia, at nakaalis sa pwesto 'ko. Sinapak 'ko ng palad 'ko ang baba niya na ikinaatras niya.

"Agh! Ikaw!" gigil niyang hinatak ako sa buhok ng makatakbo ako at malakas na ipinid pabalik sa pader. Mabuti at hindi sa bintana. Kung nagkataon ay nagutay na sana ako ngayon.

"Anong akala mo? Makakatakas ka sa 'kin?" aniya, nanlalaki ang nakakaasar na mga mata sa panggigigil.

"Ophelia!" natawag siya ng bigla ng isa sa kaibigan niya ng makitang kalahati na ng katawan 'ko ang nasa labas ng bintana. "Papatayin mo talaga siya?"

"Takot ka?"

"Hindi 'yan kasama sa napag-usapan natin. Akala namin ay tatakutin mo lang siya?" ani ng isa pa niyang kasama.

"Yun din sana ang plano 'ko, pero ng makita 'ko na ang mukha niya ay nag bago ang isip 'ko."

Umigik ako sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin.

"Pag may nakahuli sa atin ay baka mapatalsik tayo."

"Hindi. Walang may makakaalam." ngumiti siya, tila nahihibang. "Pumasok ang isang halimaw dito, at inatake siya. Sa kakailag ay tumama siya sa bintana, at nabasag. Tapos ay nahulog siya."

Natameme ako sa mukha niya. Talagang tuluyan ng lumuwang ang turnilyo nito sa ulo.

Natahimik saglit ang mga kasama niya, pero hindi siya inawat. Sang-ayon sa plano.

"Sianrass..." naningkit sa laki ng ngiti niya ang kaniyang mga mata. "Sana nag silbing aral sa 'yo 'to. Hindi mo dapat kinakalaban ang mas nakatataas sa 'yo."

Nawalan ako bigla ng hininga ng tuluyan niya na akong bitawan. Sinalubong ng katawan 'ko ang malakas na hangin sa ere habang ang paningin ay na kay Ophelia na unti-unting tumalikod sa akin.

Napamura ako sabay ipinikit ang aking mga mata. Kasabay ng pag sayad ng aking katawan sa dalawang makikisig na bisig.

"Tanggap mo na yata ang kamatayan mo."

Pag dilat 'ko ay sinalubong ako ng malalalim na mga mata na makikitaan ng mga nagsasayawang pagka aliw at pagkataka.

Nang maramdaman ang pag lapag namin sa lupa ay madali akong umalis sa karga niya. Hindi talaga komportable pag kasama siya. Pinagpag 'ko ang palda 'ko tapos ay nag angat ng mukha sa kan'ya.

"Salamat."

Bahagya ay tumabingi ang ulo niya sa sinabi 'ko, may natatawang ngisi sa labi.

"Hindi ka nagpapasalamat dahil sinalo kita."

Inalis 'ko ang tingin 'ko sa kanya, takot na baka kung mag salubong ang mata naming dalawa ay may malaman pa siya. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa, nakakailang at makati sa pakiramdam. Hindi komportable. Tahimik 'kong hiniling na sana ay umalis na siya, pero nanatili siyang nakatayo sa harap 'ko.

"Sianrass!"

Naibaling 'ko ang tingin sa tumawag sa akin, "Lagrance?" hindi 'ko naitago ang tuwa sa boses.

The Another WorldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora