/26/ The She

1.1K 95 0
                                    


The She.

Natapos ang araw ng mabilis. Parang malakas na hanging biglang umihip at dagling nawala ay gano'n sila kung umasta. Kinalimutan ang pangyayari tungkol sa malupit nilang Prinsipe at sa hamak na ako. Ipinagpatuloy namin ang pagkaklase hanggang sa mag uwian, parang normal lang.

Pag balik namin sa dormitoryo ay kanya kanya kami ng bihis, at higa tapos ay natulog na. Katulad ng unang araw ay walang gaanong naging pangyayari, maliban na nga lang ng makausap 'ko si Alstice.

Tumunganga ako sa bintana habang binabalik-balikan sa isipan 'ko ang mga nangyari kanina. Narinig 'ko ang pag galaw ni Calais.

"Sianrass." malumanay niyang tinawag ang pangalan 'ko.

Dahan-dahan 'kong inalis ang titig sa buwan, at bumaling sa kaniya. Hindi siya nag salita, pero naramdaman 'ko ang tingkad ng pag aalala niya. Malakas iyon at may kaba. Nagtataka.

Matapos ng ilang segundo 'kong pag titig sa kaniya ay marahan akong ngumiti, "Ayos lang ako."

Tumitig siya sa mukha 'ko pagka sabi. Nanatili akong nakangiti.

"Nag kita kayo. Nag aalala ka, natatakot." parang bumulong siya sa hangin, halos hindi madinig ang sinasabi.

Iniwas 'ko ang tingin sa kanya, at nakita ang bilog na buwan. Nakakabighani ang katingkaran. Tama siya, natatakot ako. Nag kita kami. Pero hindi dapat, kahit hindi dapat. Para bang patuloy akong sinusundan ng pisi ng kamatayan. Akala 'ko ay naiwan 'ko na iyon. Naging kampante ako.

Bumuntong hininga si Calais ng hindi ako umimik. Tumitig ang mga mata 'ko sa langit, saka pumikit. Nanatili kami na gano'n hanggang sa umayos ako ng tayo, at sinabi sa kaniyang matutulog na ako.

"Pwede ka ng umalis, Calais. Salamat." malumanay 'ko siyang nginitian habang naghahanda sa pag higa.

Tumango siya sa akin bago tumalikod. Nang lumitaw ang mga puting maliwanag sa kanyang paa at unti unting kumalat ay bahagyang humarap ang kalahati ng katawan niya sa akin, at itinutok ang mga mata sa mata 'ko. Parang taong pilit 'kong sinasarhan pero laging nakakapasok, nag bitaw siya ng salita.

"Kakampi mo ako sa lahat, Sianrass." aniya ng may misteryosong ngiti bago unti-unting nilamon ng parang daan-daang pakpak na maliwanag.

Nanatili akong nakatayo ng saglit sa pwesto, tameme habang hinahangin ang iilang hibla ng buhok, bago pilit na iginalaw ang katawan 'ko papunta sa nakabukang bintana. Hinawakan 'ko ang magkabilang kapitan ng harang saka binalingan si Selance, at Jubelian na mahimbing na natutulog. Hinahalikan ng liwanag ng buwan, at simoy ng hangin. Mahimbing ang tulog nila, at hindi nagigising. Kumurap ako at isinara ang bintana sabay balik sa higaan 'ko.

Pag lapat ng katawan 'ko sa malambot at malamig na higaan ay natameme ako sa kisame. Nabibingi sa libong palakpakan ng isip 'ko. Maingay, at nakakakilabot. Kung ang nakaraan 'kong katawan ay patay na, ganito ba kalamig ang higaan niya? At kung mamatay naman ako dito, ganito kaya kalambot ang mahihigaan 'ko? May luluha ba para sa kamatayan 'ko?

Dahan dahan ay pumikit ang mga mata 'ko, at nahulog sa kawalang malay.

-

Inikot-ikot 'ko ang dulo ng buhok sa hintuturo, nilalaro, habang nag aantay sa pag dating ng aming guro. Maingay at parang bubuyog ang mga kaklase 'ko, palibhasa ay walang sumasaway. Huminto ako sa paglalaro ng buhok, at sinuklay 'yon ng daliri pataas sabay baling sa nag iingay na sila Eurula.

"May ipis akong nakita kanina habang nagsisipilyo." kwento ni Eurula.

"Habang nagsisipilyo ng ngipin?"

The Another WorldWhere stories live. Discover now