/51/ Ignorance 1.2

548 38 32
                                    


Next update will be on May 15, 2022. Thank you!

-

Ignorance.

Ophelia's POV

"Pinasok nanaman tayo..."

Awang ang labi 'ko sa pagtataka. Tutok ang mata sa itaas. Ang dibdib 'ko ay parang tinatambol sa mga nangyayari.

Dahan-dahan ay gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi. Dama 'ko ang unti-unting pag-iinit ng aking mga palad sa tuwa, at panggigigil. Hindi 'ko mabigkas ang tuwa, at galak na nararamdaman 'ko. Natawa ako ng mahina, hanggang sa sumabay ang ingay ng aking halakhak sa tunog ng kaguluhan.

"Ah! Isipin mo ang pagkakataon." naiiling 'kong sabi, tapos ay marahas na nilingon si Sianrass, ang bruha. "Talagang umaayon sa panahon, 'no?"

Bumaling sa akin ang madidilim na mga mata ni Sianrass. Pinapanood ako na tatawa-tawa sa kanya. Bahagya ay nangunot ang mga kilay niya.

Ngumisi ako.

"Ngayon ay pwede 'ko ng ituloy ang plano."

Nanginig ang katawan 'ko sa sobrang kilabot. Nanlalamig ako sa sobrang tuwa. Isipin palang ang katawan niya na naliligo sa sarili niyang dugo... Agh! Nayakap 'ko ang kutsilyo 'ko.

"Yah! Ito na ang pinaka masaya 'kong araw." nag mulat ako at tumingin sa kanya. Nginitian 'ko siyang lalo.

"Alam mo Sianrass, noong una palang kitang nakita, alam 'ko na agad..." sabi 'ko. "...na malaki ang magiging gampanin mo sa buhay 'ko. Pero..." kinunot 'ko ang noo, at lumabi, tabingi ang ulo. "...hindi 'ko alam kung ano."

Bumaba ang tingin 'ko sa mga damong nagsasayawan. Parang nakikisaya sa mga kaguluhan.

"Pero ngayon alam 'ko na..." mahina 'kong bulong.

"Ikaw pala ang magbibigay sa akin ng saya." nag angat ako ng tingin sa kanya. Ando'n siya at pinapanood ako. Tinitigan 'ko ang bawa't parte ng kanyang mukha. "Ang buhay 'ko na malungkot, nagawa mong pasayahin. Akala 'ko, hindi 'ko na mararanasan pa ulit na sumaya. Pero mali ako. Kasi mula ng makilala kita, araw-araw ay naging masaya na. Sa bawa't galaw mo, nakakaramdam ako ng irita. Sa bawa't salita mo, nanggagalaiti ako sa inis. Sa bawa't titig mo..." nilapat 'ko ang kamay sa mukha niya. Matiim ang titig sa mga mata niyang tumititig din sa akin. Unti-unti ay naitiin 'ko ang mga daliri 'ko sa mukha niya sa panggigigil, nagngingitngit ang ngipin. "...nakakaramdam ako ng pagnanais na itusok ang mga kuko 'ko sa mata mo. Ang makita ka na umiyak, at magmakaawa ang pinakamagandang bagay na makikita 'ko."

Bulong 'ko sa kanya. Tapos ay hinaplos ang mukha niyang may marka ng aking mga kuko.

"Wala naman talaga akong pagnanais na maging isang ... hm, alam mo 'yun? Tagapag silbi ng bayan, o kaya ay tagapag-tanggol ng mamamayan. Ang mga gano'n na bagay ay..." natatawa akong umirap. "...masyadong nakakaburyo. Hindi 'yun para sa akin."

"Pumasok lamang ako dito sa pag-aakalang magiging masaya ang lahat. Pero, nakakabagot. Nakakayamot. Puro nalang pag-aaral, pag-kontrol ng mana, tamang asta, tamang ugali, paano mo pagsisilbihan ang mga tao, paano mo sila tutulungan, paano mo sila masasagip, pag wasiwas ng espada. Hindi iyon ang inaasahan 'ko! Hindi iyon ang makakatulong sa atin. Ang gusto 'ko, isaksak ang espada sa katawan ng kung sino. Partikular na sayo." humagikgik ako. "Kaya naman nagpapasalamat ako, Sianrass. Kasi mula ng dumating ka..." sabi 'ko. "...naging kapanapanabik na ang bawa't segundo. Walang segundo ang lumipas na wala ka sa isip 'ko. Ang puso 'ko! Kapain mo, kapain mo." hinablot 'ko ang kamay niya, at itinapat sa aking kanang dibdib. "Laging malakas ang tibok niya. Laging masaya." ipinikit 'ko ang aking mga mata. "Kaya salamat talaga, Sianrass. Nagkaroon ng buhay ang bawa't oras na lumilipas para sa akin. Sisiguraduhin 'ko na hindi kita makakalimutan. Ikekwento kita sa lahat ng mga susunod 'kong biktima."

The Another WorldWhere stories live. Discover now