/13/ A Bird In A Cruel Cage

1.4K 144 2
                                    


A Bird In A Cruel Cage.

Isang malakas na hampas ng latigo ang tumama sa katawan 'ko, at malakas na igik ang lumabas sa bunganga 'ko. Iyon ang ingay na maririnig sa buong silid. Hinihingal ako ng matapos na sila.

Nag angat ako ng mukha sa may-ari ng tore. Siya iyong mangkukulam na kumukulong sa akin, katabi ang pinaka nakakadiring baboy na nakita 'ko. Bagay sila na magkasama. Parehong bagra. Kadiri. Masama.

"Masakit na ba?" aniya habang iniikot ang latigo sa kamay niya. "Yan ang napapala ng mga batang makukulit. Hindi ka dapat sumasaway sa utos ng matanda sa 'yo." saka siya nag angat ng tingin sa akin ng matapos, galit. "Kung hindi ka sana tumakas, kasal ka na sana sa Prinsipe ng malaking kaharian. Wala ka bang utang na loob? Makakakain ka na sana ng malinamnam na karne, at makakatulog sa malambot na kama. Kaya lang ay tumakas ka." hinampas niya ulit ako. "Nang dahil sa 'yo, napahiya ako." at ng isa pa. "Kung hindi ka umalis, at sumunod nalang sa utos 'ko..." hinampas niya ulit ako. Mas malakas kay sa iba. "...hindi ka sana magkakaganito."

Napasigaw ako sa sakit, at humigpit ang kapit sa kadena. Bumuntong hininga siya saka inabot ang latigo kay baboy na taas ang kilay habang nakatingin sa akin, nang aasar. Ngumiti pa siya na ikinangitngit ng ngipin 'ko.

May mga pasa pa ang mukha niya. Siguradong nabugbog siya ng malupit dahil nakatakas ako. Malamang ay gusto din niyang latiguhin ako.

Napa igik ako ng pasabunot na itinaas ng kupal na mangkukulam ang ulo 'ko. Nag tama ang paningin naming dalawa.

"Hindi 'ko alam kung paano kang nakatakas ng hindi nababalian ng buto. Pero hindi na kita hahayaang makaalis ulit." tumatama ang hininga niya sa mukha 'ko sa tuwing nagsasalita, ganoon siya kalapit sa akin. "Ipipilit 'ko sa Prinsipe na pakasalan 'ka, kaya dito ka lang. Magpapadala ako ng gagamot sa lahat ng sugat mo. Kailangan ay maganda ka pag iniharap sa Prinsipe, di ba?"

Tahimik akong nakatitig sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makaalis.

Dalawang araw na mula ng dukutin nila ako. Sa nakalipas na dalawang araw ay bugbog, at latigo ang naging pagkain 'ko. Tatlong beses sa isang araw nila akong puntahan para bugbugin. Wala pa akong inom, o kain kaya hinang hina na ako. Baka malagutan na ako ng hininga bago pa mag gabi sa hina ng katawan ni Sianrass.

Pumikit ako, at naalala si Lagrance. Malabo na matunton niya ang toreng ito. Kung normal na bata ay aabutin ng dalawa o tatlong araw bago makarating dito. Isa pa ay nasa gitna ng kagubatan ang tore, maliligaw siya bago kami mahanap.

Hindi na din ako umaasa na may mag hanap sa akin, o sundan ako ni Lagrance. Mabilis masyado ang takbo ng mga lalaking dumukot sa akin, samantala mabagal naman si Lagrance. Sana lang ay hindi na siya sumunod dahil baka mapapano pa siya.

Napaisip tuloy ako bigla. Paano pala nalaman ni Lagrance na nandoon ako? Dumaan din ba siya sa kweba? Sinundan ba niya ako ng tumalikod ako? Bakit? Para saan?

Hindi ba siya iyong nakakita sa akin sa bintana? Nakakapagtaka. Ano ba ang nasa isip niya? Hindi 'ko siya mabasa o makapa.

Kumurap kurap ako. Mamaya lang ay dadating na ang gagamot sa akin, at bibihisan ako ng maganda. Talagang ipipilit niya para makapasok sa kaharian, at magkapera. Ang sakim na mangkukulam na iyon. Kung makawala ako dito ay sasabunutan 'ko siya sa bigote niya.

Napa igik ako, at umungol ng kumirot ang hita 'ko. Puno na ng latigo ang katawan 'ko, at tingin 'ko ay malabo na akong makatayo. Hindi pa kasi humihilom ang mga sugat 'ko ay nadadagdagan nanaman ng bago. Ang sahig nga sa ilalim 'ko ay may mga tuyong dugo, at may bago mula sa mga latigo ng mangkukulam ngayon lang.

Dahan dahan na pumikit ang mga mata 'ko. Itutulog ko na muna ang sakit ng katawan 'ko. Naging tahimik ang paligid.

Ilang sandali lang ay nadinig 'kong bumukas ang pinto. Maingat, at matunog dahil sa kalawang. Malamang ay nandito ang baboy na iyon para sampalin ako.

Hindi na ako dumilat kahit ng maramdaman 'ko siyang nakatayo na sa harapan 'ko. Kahit yata titigan siya ng masama ay wala na 'kong lakas para gawin. Napapitlag ako ng maramdaman ang palad niya sa bibig 'ko. Nag mulat ako ng mata.

Lagrance?

"Sshh, wag kang maingay." bulong niya saka tinanggal ang palad sa bibig 'ko.

Tumitig ako sa kanya saka sa mga kasama niya. Si Admona, Alphonse at Louanica. Kumurap ako.

"Wag kang mag alala. Kahit pag sigaw ay wala na akong lakas na gawin..." mahina 'kong usal. "Bakit nandito kayo?"

Lumapit si Admona sa kadena, at tinanggal 'yun. Tinignan 'ko ang kamay niya pero walang susi. At ayun, isang manipis na bakal. Natawa ako ng mahina sa isip.

Umalalay agad siya sa akin ng matanggal ang kadena. Sila Alphonse at Louanica ay nakabantay sa labas.

"Itatakas ka namin." bulong niya saka kinalabit sila Alphonse, at Louanica.

Nakita 'ko na tumitig sa katawan 'ko si Louanica saka nag iwas ng tingin. Puno na ng pasa ang mukha 'ko, buti nakilala pa nila ako.

Marahan niya akong binuhat saka kami lumabas. Tahimik, at maingat. Parang mga magnanakaw sa gabi.

"Hindi na dapat kayo nag punta... mapapahamak lang kayo." nakapikit na ang mga mata 'ko sa panglalambot.

Sa wakas ay nakahiga din ulit ako. Narinig 'ko ang pag singhal niya, pero hindi sumagot. Humihinto kami sa tuwing may nakikitang bantay, at magpapatuloy pag wala na. Ganoon kami hanggang sa makalabas.

Pag labas namin ay nakita 'ko na may iba pa silang kasama. Sila Akila. Ikinagulat at pinagtaka 'ko iyon lalo na ng makita 'ko si Eredia sa likuran.

"Ano yan?!" malakas na bulong ni Eurula, nanlalaki ang mga mata habang nakaturo sa katawan 'ko.

Nilapitan ako ni Akila. Takot na takot ang mukha niya habang nakatitig sa katawan 'ko saka nag angat ng tingin sa mukha 'ko. Nakita 'ko ang pag igting ng panga niya parang nagpipigil ng luha. Hindi 'ko maintindihan.

Hinipo niya ang mukha 'ko. "Binugbog ka nila.." namasa ang mga mata niya sa awa, at hindi pagkapaniwala.

Paanong nakayanan ng maliit 'kong katawan ang lahat ng sugat, at pasa na ito? Iyon ang nasusulat sa mukha niya. Nag iwas ako ng tingin.

May kamay na humawak sa balikat niya.

"Tara na, kailangan na natin na makalayo dito." si Eredia.

Tumitig sa kaniya si Akila. Tapos ay suminghap ng hangin na animo'y humuhugot ng lakas sa paligid bago tumayo. Seryoso ang mukha niya ng tumingin sa bawa't isa.

"Umalis na tayo bago pa nila mapansin na wala na siya."

Tango lang ang isinagot ng lahat, at nag simula ng umalis. Sa iba kami dumaan. Habang buhat nila ako ay tulala lang ako sa pinagdaanan namin.

Hindi 'ko maintindihan. Hindi 'ko sila maintindihan. Tinulak nila ako palayo, pero sila din ang nag hatak sa akin pabalik. Para nila akong inilulubog sa tubig, at inaahon din. Pumikit na ako.

The Another WorldWhere stories live. Discover now