/15/ Years until Tomorrow

1.6K 151 4
                                    


Years until Tomorrow.

Tinitigan 'ko ang dalawang baso sa harapan 'ko. Parehas ang dalawa na may laman. Walang kulay, at wala rin amoy. Hindi 'ko tuloy mahulaan kung ano sa dalawa ang totoo, at hindi.

Narinig 'ko siya na sumipol. Nairita naman ako. Yayabangan nanaman ako nito ng ilang araw dahil dito. Heto na nga, at iinumin na! Bahala na kung ano ang ano, at alin ang hindi. Dumampot ako ng kahit alin sa kanila, at mabilis na ininom. Wala akong nalasahan. Tumulala ako saglit tapos ay napa ubo ubo.

Lason!

Humalukipkip si Claude, natatawa. Narinig 'ko ang hagikgik niya. Kahit na kailan, nakakaasar. Binalingan 'ko siya at nahuli na nagpipigil ng tawa. Mamaya ay sasaksakin 'ko 'to habang natutulog.

Dinampot 'ko iyong isa pa na baso, at ininom. Parang namimilipit ang dila 'ko, nanunuyot dahil sa lason. Kailangan 'ko ng tubig! Pag lunok 'ko ng laman ng isang baso ay nabitawan 'ko 'yun, at nabasag.

Lason ulit?! Umubo ako. Masikip na ang dibdib 'ko, at hirap huminga. Namilipit ako sa kinauupuan. Nag halo ang dalawang magkaibang sakit sa katawan 'ko.

"Lason din 'yan." ani Claude saka tumayo ng diretso. "Parehas sila na lason, pero magkaiba. Maraming tao ang napapagkamalan na tubig 'yun, at iniinom. Maraming ng namatay matapos inumin ang lason na iyan. Iyon namang pangalawa ay gamot, pero sa isang sakit lang siya pwedeng gamitin na gamot at dapat ay isang patak lang ang inumin dahil kung madami ay nakakamatay. Kagaya ng ininom mo." pinitik niya ang daliri. "Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango tango ako. Wala na akong hangin na mailabas, at unti nalang ay parang mahihimatay na ako. Tumitig pa siya sa akin saglit na ikinairita 'ko. Mamamatay na ako!

Paalam na.

Tumawa siya ng pumikit ako, saka ako nilapitan at hinawakan sa likod. Unti unting nawala ang nararamdaman 'kong sakit hanggang sa tuluyan ng gumaan ang pakiramdam 'ko.

Ngumiti siya ng malawak. "Ayos na-!"

Sinalubong 'ko siya ng malakas na suntok sa mukha. Muntik na akong mamatay ng dahil sa 'yo! Maluha luha siya ng tingnan ako, namumula ang ilalim ng baba.

"Ang sakit no'n!" iyak niya.

"Wala pa 'yun sa kalahati ng sakit na naramdaman 'ko ng uminom ako ng lason!"

"Ginamot naman kita ah!" ngumuso siya.

Hindi makapaniwala 'ko siyang tiningnan. Sinuklay 'ko pataas ang buhok sabay upo. Umayos din siya ng upo. Natumba kasi siya ng sinuntok 'ko.

Hinimas himas niya ang baba niyang sinuntok 'ko, panay ang bulong. Ang lalaking ito ay si Claude, ang tumayo 'kong guro sa mga nakalipas na taon. Noong una ay tinaguan pa niya ako, at tinanggihan ng maka ilang ulit. Pero sinundan ko siya ng sinundan, at laging nahahanap. Hindi 'ko siya tinigilan hanggang sa napilitan siya na tanggapin ako bilang estudyante. Napilitan siya na maging guro 'ko sa mas pinaikling salita.

"Sino ba namang estudyante ang sasapakin ang nagtuturo sa kanila?" bulong niya sabay tingin ng masama sa akin. Hindi 'ko siya pinansin.

"Bakit mo ba kasi ako pinapainom ng mga lason ha? Gumaganti ka ba dahil pinilit kita na turuan ako?" pag iiba 'ko ng usapan.

Kung sasagutin 'ko kasi siya ay magsisimula na siyang mag salita ng kung ano ano, at magdadabog. Minsan nga ay naiisip 'ko kung maluwag ba ang turnilyo niya sa ulo.

"Normal lang na ituro mo iyon sa estudyante mo. Kailangan din 'yan, 'no."

Kunot ang noo 'kong ngumanga sa kanya, nakangiwi ang magkabilang dulo ng labi.

The Another WorldWhere stories live. Discover now