/34/ Poisoning

857 78 4
                                    


Poisoning.

Naging masaya ang paligid, pero hindi ako. Totoong panalo ang hukbo ng kabalyero ng Moirslant. Mas lalo na silang katatakutan. Bukod pa kasi sa pagkapanalo ay may iba pa silang iniuwi.

Kasabay ng balitang wagi sila sa digmaan ay nakuha nila ang aproba na makipag alyansa sa kanila ang mga salamangkero ng Hilaga. Mas lalo pa silang lalakas, at baka umabot pa sa puntong wala ng makatalo sa kanila. Talagang iba ang galing ng kanilang bansa.

Mabuting balita iyon lalo na sa mga tao, at sa Hari nila. Dagdag dangal sa kanilang bansa, at pangalan.

At lalo pa silang hindi matatalo, at tatatag dahil kakampi na nila ang mga salamangkero sa Hilaga. Bawa't bansa ay may mga salamangkero. Sila ang nangangalaga sa maraming bagay. Ang sa Hilaga ang may pinakakaunti dahil sa dami ng yelo. Hindi nabanggit sa libro kung ilan sila, pero tingin 'ko ay hindi lalagpas sa sampu. Kahit kakaunti ay malakas sila, dahil ang namumuno sa kanila ay si Azrael Celeste. Ang isa sa mga mang-iibig ni Helena. Sikat sa marami niyang napag tagumpayan, at taglay na salamangka. Ngayon ay nakikipag isa na sila sa kaharian ng Moirslant, at nandito na din sa loob ng paaralan. Hindi magtatagal ay paniguradong magkakakita na kami. Siya muna, o ang magiting na kabalyero.

Ang nag dala sa kaniya sa bansang ito ay si Dietrich Mounstrein. Isa sa mga alas ng Moirslant, bago maging Heneral ay marami siyang ipinanalong digmaan. Sumumpa siya sa kaharian kaya hindi siya maaring bumali sa usapan. Ang pangako ng kabalyero ay hindi pwedeng masira, iyon ang kanilang karangalan. Kahihiyan sa kanila ang hindi tumupad sa binitawang pangako. Siya ang tanging kaibigan ni Alstice.

Totoong nananakit ang bawa't salita ni Yuri. Pero wala siyang intensyon na makapatay. Siya man ang pinaka hindi 'ko kasundo, at maluwag man ang turnilyo niya sa kukote ay di hamak na mas ligtas siya kay sa tatlo.

Sa ngayon ay kailangan 'ko na mas mag ingat. Masikip na ang mundong ginagalawan 'ko, at mas sumikip pa dahil nandito na ang lima. Para akong lumalakad sa malawak na lupang maraming nakatanim na bomba. Isang maling tapak ay mamamatay ako.

"Nag luto ako." ani Akila na may dinudukot sa bag niya.

Nilingon kami ni Eredia, "Sinong hindi pa nakakapag-almusal? Sasaksakin 'ko ng tinidor."

Hinainan kami ni Akila. Hindi karamihan ang niluto niya kaya tikim lang iyong mga nakapag-agahan na.

Uminom si Louanica matapos kumain, "Sa kanluran ako nanirahan kasama ng nag-sanay sa akin. Doon kasi sagana ang lupa. Madalas doon bumisita ang mga salamangkero ng Hilaga kaya maraming beses 'ko na silang nakita." aniya. "May mahigit sampung beses na yata silang dumalaw doon."

"Sampu? Para saan naman?" nag taka si Athalasia.

"Kaunti kasi ang lupa sa Hilaga palibhasa'y balot ng niyebe. Kaya kailangan pa nila na bumili ng lupa sa ibang bansa para sa mga kailangan nilang gawin."

Hilaga ang napili nilang tirahan kahit na malamig dahil kakaunti ang tao doon. Karamihan kasi sa mga ginagawa ng mga salamangkero ay nakakapuksa lalo na kung malakas ang salamangkero. Isa pa ay walang gaanong kaagaw sa Hilaga dahil ayaw doon ng karamihan sa salamangkero. Kulang kasi sa mga gamit na kailangan nila ang malamig na lugar.

"Pero ang pinuno nila, si Azrael, isang beses lang ata na nag punta."

Isang taong misteryoso ang magaling na salamangkero. Hindi siya gaanong lumalabas, at nagpapakita sa mga tao. Madalas ay gumagamit pa siya ng ibang mukha pag humaharap sa iba kaya marami ang nanggigigil na makita ang mukha niya. Tumingala ako sa labas ng bintana. Gagamit kaya siya ng ibang mukha habang gumagala sa paaralan? Maari kayang nakabanggaan 'ko na siya? Natahimik ako sa pwesto.

The Another WorldWhere stories live. Discover now