/38/ Riverstill

910 83 3
                                    


Riverstill.

Tulala ako sa labas ng bintana. Lutang ang isip sa mga nagawa, at nangyayari.

Kalat na hindi lang sa buong paaralan pero kahit sa bayan ang balita. Parang kunehong hindi nilapa ng gutom na lobo, nag taka at nagulat sila. Kung sabagay, sino ba ang hindi magugulat sa balitang may nakalabas ng buhay mula sa opisina ng kanilang Prinsipe? Kahit ako ay nagulantang.

Pero hindi iyon ang talagang ipinag aalala 'ko. Kung pag bulungan nila ako, o gawan ng kwento ay balewala sa akin. Ang pinoproblema 'ko ay ang gagawin kung sakaling ipapatay ako ng Prinsipe. Alam 'ko na kakailanganin 'kong umalis at iwan ang lugar na ito kung dumating ang oras na 'yun. Pero nasisiguro 'kong mahihirapan ako dahil na din sa mga alaalang nabuo 'ko dito.

Bumuntong hininga ako, at pinilit alisin ang pagkakagulo ng mga bagay sa isip 'ko. Iyon naman ang misyon 'ko mula noon pa. Ang mabuhay. Hindi 'ko iyon pwedeng baguhin.

Ang isa 'ko pang pinoproblema ay si Helena. Mula ng mangyari iyon ay kung saan saan na siya sumusulpot kasama ang mga kaibigan niya. Masakit siya sa mata, pero mas masakit sa mata ang makitang mag bulungan sila habang ang mga mata ay sa akin naka baling.

Tingin 'ko ay ikinwento niya sa kanila ang nangyari, pero hindi buo. Sa tuwing nagkikita kami o nagkakasalubong ay binabangga nila ako ng pasadya, at tinitingnan na para silang mga pusang nakatitig sa daga.

Nag buntong hininga ako, nababanas. Ilang talampakan mula sa kinatatayuan 'ko ay si Helena, at ang grupo niya. Parang mga karayom na matatalim kung makatingin sila, nagbubulungan. Pumikit ako, at sinandal ang ulo sa salamin.

"Sianrass.." narinig 'ko ang malambing na boses ni Akila, tinatawag ang pangalan 'ko.

Nag dilat ako ng mga mata at saka binalingan siya, "Bakit?"

Ngumiti siya ng may pag-aalala, "Gusto mo ba na magpahinga muna? Hindi makakatulong sa 'yo ang manatili muna dito lalo pa at..." lumikot ang mata niya, saka nag tikhim. Tinitigan 'ko siya. Kahit pala siya ay alam ang pinag gagawa nila Helena. "Ipagpapaalam nalang kita sa guro."

Ayaw 'ko sana ang maka istorbo sa kanila, pero kung manatili ako dito ay baka pumitik lang ang natitira 'kong pasensya.

"Kung maari sana, salamat." ngumiti ako at nag buntong hininga. Tumango naman siya, at saka ako tumayo mula sa kinauupuan tapos ay lumabas na.

Ramdam 'ko pa ang mga titig nila Ophelia na nakasunod sa akin. Pero hindi 'ko pinansin. Nang makalabas ako ay lumingon ako sa kaliwa't kanan. Parehong daanan ay puno ng mga estudyanteng nagkekwentuhan. Umiwas ako ng tingin saka nag tuloy sa paglalakad. Nakita 'ko iyong gusali ng mga dormitoryong tinutuluyan namin, pero hindi 'ko plano ang matulog. Gusto 'ko muna ng hangin, at iyong pag naupo ka ay may magandang matatanaw. Dito naman kasi ay puro puno ang makikita, at masikip ang pwesto. Naghahanap ako ng iba.

Tinuloy 'ko ang mahabang daanan hanggang sa matunton ang Riverstill. Ito ang ilog na nag-uugnay sa paaralan ng Moirslant at karagatan. Kung aangkas ka sa bangka, at hahayaan ang sarili mo na sumabay na agos ng tubig ay matutunton mo ang malawak at magandang asul na karagatan ng Heinrich.

Humakbang ako ng isa, at tumapak sa pinakamalaking bato na nakita 'ko. Nang humampas ang hangin sa dalampasigan ay napapikit ako. Niyakap ako ng malamig na pakiramdam, at parang binalikan ng multo ng nakaraan. Naalala 'ko ang sarili ng unang beses akong makaapak sa lupa ng pinag didigmaan. May gulat, at pangamba ang pakiramdam pero wala ang takot. Nag mulat ako ng mata at ninamnam ang sinag ng araw na gaya ng sa espadang kumislap ng itaas bilang simbolo ng aming pagkapanalo, at narinig 'ko ang malakas na sigawan ng mga tao. Napangiti ako ng balutin ng nakakapangilabot na saya pero may lungkot.

The Another WorldKde žijí příběhy. Začni objevovat