/31/ Thorns in Roses

889 89 0
                                    


Thorns in Roses.

"Sus, tanggi ka pa."

Kinamot niya ang ulo, "Naka-tiyamba lang siguro." may tabinging ngiti siya sa labi.

Titig lang ako sa kaniya habang sila ay nagdadaldalan, at nagkakatuwaan. Bigla ay humarap siya sa gawi 'ko at nag lahad ng kamay.

"Maganda ang naging laban." aniya habang ang mga mata ay titig na titig sa akin.

Maamo ang ngiti, mukhang walang masamang intensyon, pero kakaiba ang kislap ng mga mata. Walang kapakungbabaan ng loob sa mga mata niya, kung di dilim. Unti-unti 'kong itinaas ang kamay 'ko, at inabot ang kaniya. Hinatak niya ako patayo.

"Sana sa susunod ulit," maliit ang boses niya, malumanay ang ngiti, at bahagyang mas ngumiti ang mga mata habang nakatitig sa akin. "Sianrass."

Naiwan ako doon na nakatayo. Tulala. Naglalakbay ang isip. Naguguluhan. Naaasar. Nabibwisit. Habang ang mahinang ihip ng hangin ay isinasayaw ang buhok 'ko, ang sa loob 'ko ay nagsisigawan, ang puso 'ko ay tinatambol, at sa taenga 'ko ay may mga nagbubulungan.

Nalimutan 'ko na ang rosas ay maganda, pero matinik.

"Sianrass."

Napa angat ako ng mukha kay Calais. Seryoso ang itsura niya habang tinitingnan ako, parang nakikiramdam. Umiwas ako ng tingin saka huminga ng malalim.

"Hindi 'ko lang mapigilang isipin." saad 'ko at napatunganga sa kung saan.

Kahapon pa ng mangyari ang labanan sa pagitan namin ni Helena. Hanggang ngayon ay hindi 'ko maalis sa isipan ang kahapon. Hindi iyon dahil sa pag halik ng katawan 'ko sa sahig, at pagpapatalo. Iyon ang iniisip nila Akila kaya panay ang pag aliw nila sa akin, at alo.

Sa totoo lang ay hindi 'ko gusto si Helena kahit na noong binabasa 'ko pa lamang ang libro, pero hindi din ako nag tanim ng sama ng loob sa kanya. Mas tuon ang atensyon 'ko kay Sianrass kahit na noon dahil mas nauunawaan 'ko siya kumpara sa bida.

Kasi naman ay isipin mo, halos buong buhay niya ay ibinigay niya sa Prinsipe. Nag sikap, at tinanggihan pero nagpatuloy. Minahal niya siya ng tunay kahit alam niya, hindi siya mahal ng sinisinta niya. Pero si Helena ay sumulpot lang, at nagpakita, at nakuha na niya ang prutas na matagal ng pilit na sinusungkit ni Sianrass. Hindi siya dumanas ng hirap, ang lahat ay nakuha niya ng mabilis. Samantala si Sianrass na nag sikap, at ibinuhos ang lahat ay itinapon ng madali, at tinalikuran ng lahat. Kaya hindi nakapagtatakang tumalikod din siya sa kanila.

Naalala 'ko ang isang pangyayari sa nobela, kung saan nabanggit ang pangalan ng epal na si Sianrass. Hindi siya gusto ng mga tao sa palasyo ng kaniyang mapapang-asawa dahil hindi siya gusto ng Prinsipe nila. Ang mas gusto nila ay ang masigla, at masayahing si Helena. Habang ang kawawang si Sianrass, palibhasa'y tahimik at sunod-sunuran sa Prinsipe ay ayaw nila.

Laging diretso ang tayo, tutop ang bibig, hindi ngumingiti, kulong sa kuwarto. Lumalayo siya dahil nadidinig niya ang kwentuhan ng mga tao tungkol sa kaniyang pagkatao. Hinusgahan nila siya ng hindi iniisip kung ano ba ang totoong nasa isip at puso niya. Hindi nila naintindihan na ang inaakala nilang mapagmataas na si Sianrass ay isa lang batang naghahangad ng atensyon, at pagmamahal.

Kaya ng masaktan ni Sianrass si Helena, kahit maliit na galos ay ipinapatay nila siya. Dahil gusto na din nila na alisin siya sa paningin nila. Naging mapait ang buhay niya, at mas mapait dahil hindi niya nakuha ang gusto niya hanggang abutan siya ng kamatayan niya.

"Calais," mahina ang pagkakatawag 'ko sa pangalan niya. Malumanay, lupaypay.

Binaling 'ko ang tingin sa kanya, "Tingin mo ba ay nararapat ng palakpak ang isang mandaraya?"

The Another WorldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora