/24/ The Prince of Moirslant

1.1K 106 2
                                    


The Prince of Moirslant.

Pangalawang araw na namin sa paaralan ng Moirslant bilang mga estudyante. Hindi kagaya kahapon ay hindi kami sa loob ng silid-aralan magkaklase, pero sa hardin ng Moirslant kaya ang mga estudyante ay mas ganado. Lalo na si Eurula, Selance, at Yerenica.

"Inuulit 'ko po, pakibawasan ang ingay lalo na ng mga estudyante sa likod." iyon ang pang limang beses na sinaway ng guro sila Eurula.

"Pasensya na po!"

Ang paksa namin ngayon ay tungkol sa mga gayuma, at uri ng mga halaman. Itong hardin ay pinalaki, at inalagaan ng mga estudyanteng ang espesyalidad ay sa larangan ng pang gagamot, at lason. Matataas na ang ranggo ng mga iyon.

Ang bilin sa amin ng guro ay wag basta hahawak sa kung ano ano lalo na sa mga halaman na hindi karaniwan ang itsura. Baka kami ay malason.

"Ang init naman dito." dinig 'kong sabi ni Yerenica, winawagayway ang pang itaas niya.

"Humanap ka ng tipak ng yelo, tapos ipasok mo sa puwet mo. Lalamigin ka." humalakhak ng malakas si Eurula at Selance.

Maingay nanaman sila samantala kakasaway lang sa kanila. Nakita 'ko ang guro na napa iling nalang, pero hindi na inabala ang sarili na pag sabihan sila. Parang napagod na.

"Mga estudyante, makinig kayo sa akin." pinalakpak ng guro ang kamay niya, at tumigil lang ng lingunin na namin siyang lahat. "Papayagan 'ko kayo na pumitas ng isang halaman mamaya. Ang pipitasin niyo ay kailangan niyo na pag aralan. Iyan ang una niyong proyekto. Pero tandaan niyo, mag sabi muna kayo sa akin bago pumitas. Nakakalason ang lahat ng halaman dito lalo na iyong magaganda ang itsura, at dating."

Pag sabi ng guro no'n ay nilingon agad ni Leatris si Derek na umatras.

"Ano? Pag maganda ang itsura, at dating ako agad? Ang sakit mo naman mag salita."

Nauwi sa asaran ang usapan nila ni Leatris. Nang mag simula na kaming mamitas ng mga halaman ay saka lang sila nag hiwalay, pero paminsan minsan ay nagpapalitan parin ng taltalan pag nagkakatinginan.

"Mga estudyante, tignan niyo ito." sabi ng guro.

Itinaas niya ang kamay na may hawak na isang lagayan. May nakalagay doon na maraming maliliit na kulay berdeng halaman. Parang luha ang sukat, at hugis. Kung hindi pa sila marami ay hindi mapapansin.

"Ang tawag sa halamang ito ay Green Beads. Ito ay uri ng isang lason na lumalaki lamang sa malamig na panahon. Marami nito sa kagubatan, at kabundukan. Kung ibebenta mo ito ay aabot ito sa isang daang ginto."

Narinig 'ko na may napasinghap. "Sana lahat mahal." si Jubelian.

Nag tawanan kami sa sinabi niya, at nag kantyawan. Kaagad naman na sumaway ang guro.

"Tahimik." saway ng guro.

Tumahimik naman sila bagama't nakangiti parin, at mahinang nag hahagikgikan. Nakita 'ko pa na nag tulakan sila Faydom, at Athelasia. Tumiim ang titig sa kanila ng guro na agad na napansin ni Akila. Kaagad niya silang sinaway, at natahimik.

Tumikhim muna ang guro bago nagpatuloy sa sinasabi, "Itong Green Beads ay isa sa pinaka kilalang lason sa buong mundo. Karaniwan itong ginagamit noon ng mga sundalo. Sa tingin niyo ay para saan?"

Kaagad na natahimik ang lahat. Hindi inaasahan na magtatanong ang guro sa amin.

"Bakit tayo pa ang tinatanong? Siya naman ang guro."

Palihim 'ko na nilingon ang katabi 'ko na bumulong, at nakita ang busangot na mukha ni Eredia. Nginisian 'ko siya ng magkatinginan.

"Wala bang may nakakaalam? Kahit hula ay pwede. Para saan at ginagamit nila ang green beads."

Mabilis na itinaas ni Euler ang kanyang kamay. "Para mang lason."

"Halata naman." pangbabara sa kanya ni Admona.

Ngumiti lang ang guro saka pinunasan ang pawis niya sa noo. "May iba pa?" inayos niya ang pagkakahawak sa halaman.

"Ako ho." nag angat din ng kamay si Yerenica. "Para pang atake?"

"Unting hula pa."

"Guro, para!" ngumiti si Alphonse. "Para-iso sa piling 'ko."

"Ako din, para!" tinaas ni Lagrance ang kamay. "Para sa 'yo lang ako."

Sinabi nalang ng guro ang sagot kay sa manghula kami. Aniya ay ginagamit ng sundalo ang Green Beads para sa granada. Sumasabog pala kasi ito pag naiinitan, o naaapuyan kaya sa malamig na lugar lang tumutubo. Dahil kung sa mainit ay mamamatay ang ugat. Kung papaano naman na nadala ang halaman na iyon dito ay dahil ginamitan nila ng mana para hindi sumabog. Iyon nga lang ay panandalian lang iyon dahil malakas humigop ng mana ang Green Beads. Kaya inilagay nila ang halaman sa lugar na malilim, at malamig.

Karamihan pala ng halaman na nandito ay namamatay sa maiinit na lugar. Itong mga halaman na nasa harapan namin ay sa maiinit nabubuhay. Mas delikado kasi ang mga halaman na tumutubo sa malalamig na lugar kaya dito kami dinala muna. Kaya napaka init sa pinepwestuhan namin. Ang mga halaman na namamatay sa mainit ay nandoon sa malayong pwesto.

Tumingin ako kay Akila na hawak ang isang halaman. Isa iyong Hermosia mula sa bansang Arsadian. Isang halamang nagkukulay pula pag inilagay sa tubig, o kahit na anong likido. Sikat na lason 'yun na matatagpuan sa mga tabing ilog.

"Oh." nagulat siya, at si Azula ng mag kulay pula nga ang tubig.

Ngumiti sa kanila ang guro. "Wag niyong iinumin ang tubig. Mahirap hanapan ng lunas ang lason ng Hermosia."

Ang lunas kasi ng Hermosia ay makikita lang din sa bansang Arsadian. Bihirang makita ang lunas no'n kaya karamihan ng nakaka inom ng lason ng Hermosia ay namamatay.

Sinuklay 'ko ng daliri ang buhok 'ko saka binasa ang labi. Nagmamantika na ang katawan 'ko sa init, kailangan 'ko na muna na magpalamig. Luminga ako sa paligid at nakakita ng daanan. Pumasok ako doon ng walang nakakita, at nag tuloy tuloy. Puro halamang mas mataas sa akin ang makikita sa magkabilang gilid ng daanan. Walang malilikuan kaya dumiretso lang ako ng lakad. Alam 'ko naman na hindi ako maliligaw dahil gaya nga ng sabi 'ko, walang lilikuan. Isang diretso lang ang daanan.

Unti unti ay lumuwag ang paligid hanggang sa makarating ako sa dulo. Hanggang dito na lang din ang halamang pader. Tinaas 'ko ang aking leeg at saka nilinga ang paningin. Pulos halaman lang ang makikita. Hindi 'ko malaman kung lason dahil mukhang normal, at may mga maliliit na bulaklak. May iilan din na estatwa ang makikita. Lumapit ako sa mga iyon, at tiningnan ng mabuti. Mukhang mamahalin. Mapuputi ang bato, at may kaunting bitak pero maganda parin. Hindi sila buong katawan, lahat ay mga ulo lamang. Kinatok 'ko pa ang isa sa kanila para makuntento.

"Koleksyon ba 'to?" tiningnan 'ko isa isa ang mga estatwa.

"Ano naman ang ginagawa ng isang katulad mo dito?"

Napapitlag ako sa gulat ng may narinig na nag salita. Madali akong lumingon sa nag salita at nadatnan ang isang lalaki. Sa tantiya 'ko ay nasa edad 'ko lang din siya. Matangkad, at may gwapong itsura. Kasing itim ng gabi ang buhok, at parang dugo ang mga pulang mata. Parang tinambol ang dibdib 'ko. Nanginig ako sa takot, at tinayuan ng balahibo habang nakatitig sa bagong dating.

"Kinakausap kita." parang lumiwanag ang mga mata niya kasabay ng pag kislap ng paligid. Umihip ng malakas ang hangin. "Sumagot ka, entremetida."

Siya na nga. Matapos ang maraming taon ay nag kita kami sa wakas. Ang Prinsipe ng Moirslant, ang lalaking tinakbuhan 'ko ng bata pa ako.

Bakit kami nag kita ngayon?

-

Salamat yanicasantos6 sa pag add po ng story 'ko sa reading list mo. <3

The Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon