/49/ Annoyance

518 34 7
                                    


Annoyance.

Nag-simula na din na magsidilat sila Jubelian, at ang iba pa. Bumaling ako kay Jubelian ng makita siyang palapit sa amin.

Kunot ang noo, at tabingi ang nguso, nagbubuntong hininga siyang tumabi sa amin.

"Masakit pa rin talaga." aniya habang himas ang kaliwang dibdib.

Tumawa si Louanica, "Masasanay ka rin."

"Masakit pa rin."

"Masasanay ka rin."

Ngumuso si Jubelian, "Kailan pa?"

Naiiling si Eredia.

"Angal ka ng angal. Mag-sanay ka lang ng paulit-ulit, mawawala din iyang sakit."

"Iba naman kayo, e. Mabilis kayong nasanay."

"Malamang. Magaling kami, e." humalakhak si Eredia.

Natawa ako sa sinabi niya. Naiiling naman na tatawa-tawa si Akila.

Tumayo na rin sila Derek at tumabi sa amin. Hanggang sa isa-isa ay natapos na ang lahat.

Pumalakpak sa amin ang tagapagturo, may ngiti na masaya at pagkatuwa sa aming pagbabago.

"Natutuwa ako sa mga naging pagbabago niyo. Lahat kayo ay mas nag-husay pa. Ngayon na kaya niyo ng pasunurin ayon sa inyong kagustuhan ang daloy ng inyong mana, makakaya na ninyong palabasin ng mas mabilis at maayos ang mana sa inyong katawan. Simulan natin kay Hermes, at Tatiana."

Napapitlag si Tatiana, "Ako agad?"

Lumapit sila nung Hermes sa harapan. Tapos ay humarap sa dulo ng silid kung saan nakapuwesto ang dalawang malaking troso.

"Ipunin ninyong muli ang mana sa inyong dibdib. Tapos ay unti-unti ay umisip kayo ng isang armas. Palaso, kunai, shuriken, kahit ano."

Huminga ng malalim si Tatiana, at ipinikit ang mga mata niya. Parehas silang tahimik ni Hermes, at payapa ang pag-hinga. Maya-maya lang ay dumilat na si Tatiana, at itinaas ang dalawang kamay niya.

Sa kamay niya ay nabuo ang isang palaso at pana.

"Ayos." bulong ni Celestia habang nakatitig kay Tatiana.

Nang sumapat ang mana sa armas na ginawa niya ay itinutok niya ang palaso sa troso, tapos ay paunti-unting binanat ang armas niya. Malakas siyang suminghap ng hangin bago pinakawalan ang palaso.

Nabuo ang isang malaking bitak sa gitna ng troso na halos ikasira na noon. Tumumba iyong troso sa sahig na nag-sanhi ng malakas na ingay. Malalim ang naging baon ng atake niya sa troso kaya halos mabutas ang kahoy.

Tumango-tango ang tagapagturo. Kuntento sa ginawa ni Tatiana.

Maya-maya ay dumilat na din si Hermes. Sa palad niya ay nabuo ang tatlong kunai na ibinato niya sa troso. Tatlong malaking bitak ang nabuo sa troso, pero hindi kalaliman. Pero kung sa iisang puwesto iyon bumagsak ay baka parehas ang maging resulta ng pag-atake nila ni Tatiana.

Ngumiti ang tagapagturo sa kanila. "Maari na kayong maupo. Lagrance, Eredia. Lumapit kayo sa harapan."

Ipinitik ng tagapagturo ang daliri niya at napalitan ng maayos, at walang sira na mga troso ang kaninang mga troso na nasira nila Tatiana, at Hermes.

"Hinga ng malalim, at ipunin ang inyong mana sa iisang lugar."

Sabay sila na pumikit ang mata, at lumalim ang pag-hinga. Tutok ang atensiyon sa pag-kontrol ng mana nila.

The Another WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora