/22/ Students of Moirslant

1.1K 94 0
                                    


Student of Moirslant.

Pag pasok namin sa Moirslant ay sabay sabay kami na napanganga. Manghang mangha sa mga nakikita sa paligid. Mataas ang mga gusali, at nag kalat ang mga estudyanteng suot ang uniporme ng Moirslant.

"Wow! Ang ganda ng uniporme nila!" sabi ni Tatiana na nakasunod ang mata sa mga estudyante.

Ilang sandali lang ay dumating ang maghahatid sa amin sa dormitoryo. Dalawa sila. Ang isa ay ang maghahatid sa mga lalaki, at ang isa ay ang maghahatid sa amin. Pinaliwanag niya sa amin na iba ang gusali ng mga lalaki sa babae. Sa dormitoryo lang naman kami magkakahiwalay kaya magkikita parin kami.

Pag dating namin sa dormitoryo ay agad na umalis iyong nag hatid sa amin. Nagpasalamat kami sa kanya bago sinara ang pinto. Naupo ako sa kama 'ko, at napabuntong hininga. Hindi naman ako pagod dahil kakagising 'ko lang. Sila Jubelian, at Selance naman ay naligo. Iyong iba ay hindi 'ko alam ang ginagawa dahil hindi namin sila kasama sa dormitoryo. Iba ang dormitoryo nila. Tatlo lang kasi ang pwedeng mag hati sa isang kwarto. Nangyari na si Jubelian, at Selance ang kasama 'ko. Mabuti na iyon kay sa hindi 'ko kilala ang kasama 'ko.

Bago umalis iyong nag hatid sa amin ay binigyan niya kami ng susi para sa kwarto namin. Ang uniporme naman namin ay naka handa na sa aming damitan pag dating namin. Tinignan ni Jubelian ang uniporme niya.

"Paniguradong sasakit ang tenga ng kasama ni Tatiana sa kwarto." naiiling na aniya.

Iba kasi ang disenyo, at itsura ng uniporme namin sa nakita namin na suot ng ibang estudyante kanina. Mas magarbo ang kanila. Siguro ay dahil bago lang kami. Naka base ata ang itsura ng uniporme sa ranggo ng estudyante.

"Aba, sakto ang sukat." sabi ni Selance na tinitignan ang sarili sa salamin habang suot ang uniporme niya.

Tumayo si Jubelian at sinukat din ang sa kanya. Kumunot ang noo niya habang isinusuot ang pang itaas.

"Sa akin malaki. Bakit gano'n?" tanong niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Tiningnan 'ko ang hawak 'ko na uniporme. Nakuha 'ko ito sa cabinet na katabi ng cabinet ni Jubelian. Walang pangalan ang mga gamit namin kaya baka nagkapalit kami.

"Baka ito ang sa 'yo." napatingin siya sa hawak 'ko. "Subukan mo."

Kinuha niya iyon, at sinukat.

"Eto nga." inabot niya sa akin ang naka tiklop 'kong uniporme. "Sukatin mo nga din 'yan."

"Kasya 'yan sa kanya. Kanya iyan, e."

Naligo ako bago sinuot ang uniporme. Nag aya kasi sila na mag punta sa ibaba para kumain, iyon kasi ang usapan namin. Magkikita kaming lahat sa kapiterya matapos na makapag handa. Hindi na daw nila kailangan na magpahinga dahil nakapag pahinga na daw sila kanina. Nang dumating daw pala kasi kami sa tolda ay nandoon na daw sila. Nagpapahinga. Pag labas 'ko ng banyo ay suot 'ko na ang uniporme 'ko. Naiilang ako na dito sa labas mag bihis, at sa harapan nila. Tiningnan 'ko ang sarili sa salamin saka napakurap. Sakto nga sa akin.

"Kasya nga." sabi ni Jubelian na nakatingin sa akin.

"Malamang kasya yan. Kanya nga, di ba."

Hindi 'ko malaman kung kailan at paano nilang nakuha ang sukat namin. Siguro ay nung natulog ako? Sinuklay 'ko ng daliri ang buhok 'ko pataas.

"Dati ay mas malaki ako sa 'yo. Tignan mo, ngayon ay mas maluwang pa ang damit mo kay sa sa akin."

Bahagya 'ko siyang nilingon, at naabutan siya na nakapangalumbaba habang nakatitig sa akin. Nginisian 'ko lang siya ng mag tama ang paningin namin.

The Another WorldWhere stories live. Discover now