/25/ She Who Ran Away

1.1K 99 30
                                    


She Who Ran Away.

Nanlamig ang mga palad 'ko habang nakatingin sa kanya.

Bakit nandito siya?

Hindi 'ko maintindihan. Dapat ay wala ang Prinsipe dito. Hindi siya pumasok ng paaralan, iyon ang sabi sa libro. Dapat ay nasa ibang bansa siya sa mga panahon na ito, kasama ang minamahal niyang babae. Ang bida.

Nag bago na ba ang nasa libro dahil nabuhay ako? Gaano kalaki na ang nabago sa libro?

Tumingin ako sa likuran niya, tinitingnan kung may kasama niya. Baka nasa likod niya ang bida at na istorbo 'ko sila. Pero hindi. Mag isa siya, at masama ang tingin sa akin. Parang handa akong lapain.

Kahit na nanginginig ay yumuko ako, at binati siya. Ginawa 'ko ang pag bati ng bansa nila sa mga maharlika.

"Binabati 'ko ang Prinsipe ng Moirslant." magalang ang pagkakasabi 'ko.

Hindi siya nag salita, o pina angat man lang ang mukha 'ko. Tahimik lang siya, at nakatitig sa nakayukong pigura 'ko. Lalo akong nanlamig. Inapakan 'ko ang isa 'kong paa para pigilan ang panginginig. Ang malakas na pag tibok ng puso 'ko ay ang tanging naririnig 'ko. Pag ihip ng hangin ay mas nilamig ako. Kinuyom 'ko ang kamao, saka lumunok.

"Anong pangalan mo?" malamig ang pagkakasabi niya, mariin at nag uutos.

Nagalit ba siya? Ito bang hardin ay sa kanya? Papatayin na ba niya ako? Pinigilan 'ko ang pag hinga ng mabilis, at sinubukang kumalma. Nag angat ako ng mukha sa kanya, at tiningnan siya sa mukha.

"Ako po si Sianrass Diana." numipis ang labi 'ko. "Wala po akong pamilyang kinabibilangan."

Ayan nanaman ang paniningkit ng mga mata niya na parang kinikilatis ako. Tinitingnan kung nagsisinungaling ba ako sa kanya. Kinuyom 'ko ang kamao, at pinanatiling kalmado ang itsura at pag hinga 'ko.

Nakilala ba niya ako? Nalaman ba niyang ako iyong batang ikakasal dapat sa kanya?

Ang tahimik na paligid ay parang papatayin ako. Heto ako, at kaharap ang lalaking dahilan ng kamatayan 'ko. Hindi 'ko dapat siya nakita. Hindi dapat ito ang nangyari. Ginawa 'ko ang lahat ng makakaya 'ko, masisira ba ang lahat ng pinag hirapan 'ko?

Pero kung sakali na tangkain niya akong patayin dito ay lalaban ako. Mas malakas siya sa akin, pero hindi pa niya kontrolado ang kaniyang mana. Kaya may lamang ako sa kanya.

Umihip muli ang hangin, at nakarinig ako ng mga yapak. Tapos ay mga boses na tinatawag ang pangalan 'ko. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng mga boses, at nakita si Akila at Eurula sa bungad ng dinaanan 'ko papunta rito. Binalingan 'ko ang Prinsipe na nakatitig pa rin sa akin.

"Mauuna na po ako, kamahalan. Hinahanap na po ako ng mga kaibigan 'ko." nakayuko 'kong sabi.

Matagal bago siya sumagot, at tango lang ang ibinigay saka tumalikod. Nang makalayo siya ay mabilis akong lumakad papunta kay Akila, at Eurula.

Hinawakan 'ko sila sa kamay nila. "Tara na."

Nakita 'ko na tumingin sila sa likuran 'ko, bago ako binalingan. Alam nilang nakausap 'ko ang Prinsipe.

"Tara na." seryosong sabi ni Akila, at saka ako hinawakan.

Habang naglalakad kami pabalik sa mga kamag aral ay tahimik lang sila, at seryoso. Parang may nalalaman. Pag dating namin doon ay agad kami na sinalubong ng aming guro.

"Saan ka nanggaling?" tanong niya nang malapitan ako kaya lang ay bago ako makasagot ay kusang bumigay ang tuhod 'ko.

Kaagad akong inalalayan nila Akila. Lumapit sa amin sila Eredia, at ang iba pa. Mabigat ang pag hinga 'ko habang nakalapat ang mga kamay sa sahig, nanginginig at nanglalambot. Parang yelong nababad sa araw.

The Another WorldWhere stories live. Discover now