/39/ Pissed

850 77 13
                                    


Pissed.

Parang mga ugat ng bulaklak na gumapang ang pagtataka sa dibdib 'ko, mas lumalalim at dumidiin ang kapit sa bawa't patak ng salita na kaniyang binibitawan. Iniwas 'ko ang tingin sa kaniya, walang masabi.

Narinig 'ko ang matunog niyang halakhak, kasunod ng mga maiingat na pag uuntugan ng mga bato. Bigla ay sumingit ang mukha niya sa pagitan ng lupa, at paningin 'ko tuloy ay napapitlag ako.

"Sa totoo lang..." nai-atras 'ko ang mukha 'ko nang pinaningkitan niya ako ng mga mata, hawak ng hintuturo at hinlalaki niya ang kaniyang baba. "Mukha kang monay."

"Ano?" napapantiskuhan 'kong naitanong.

Tumango siya, "Oo. Mukha 'kang monay. Alam mo ba iyon?"

Iyon ay 'yung tinapay na malaki, at mukhang puwet. Humalakhak siya sa gusot 'kong nguso, tutol at pikon sa inihalintulad niya sa akin.

"Wag mo sanang personalin." natatawang aniya. "Pero masarap ang monay, lalo na pag mainit at malutong iyong pang-ibabaw." tumitig siya sa akin. "Ang sinasabi 'ko ay mukha kang..." hindi niya naituloy ang sasabihin, walang maidahilan. Nanlalaki ang mata pero natatawa ang ngiti ng tumingin siya sa akin, walang tunog ang mahihinang tawa. "Para kang almusal. Parang ako, almusal. Hinahanap agad pagkagising sa umaga."

"Tanghali ako nagigising." bumuga siya ng maikling hangin na parang natawa. O hindi makapaniwala?

"Kung tanghali ka bumangon, hindi ka makakaabot sa klase ..." mahinhing na singasing ang lumabas sa kaniyang bibig tapos ay pinaningkitan ako ng mga mata. Isang malakas na hampas ng hangin ang sumampal sa amin, malamig at nakakagising. "Hmm ..." nakanganga niyang itinapon ang ulo niya sa batok. "Nagdidilim na ang langit ..." sabay ibinaba niya ang tingin sa akin, palakaibigan bagama't nakakapikon at masikreto ang ngiti. "Pumunta ka na sa pupuntahan mo, baka abutan ka pa ng pag buhos ng ulan. Salamat sa oras." kinaway niya ang kamay sa hangin.

Matapos 'kong iyuko ang ulo 'ko sa kanya ay tumalikod na ako at binalikan ang dinaanan 'ko kanina. Tumingala ako sa mga ulap, at kamuntikan ng mahatak pababa ng lupa ng sumampal ulit ang hangin sa dalampasigan. Napahawak ako sa buhok 'ko, at napalingon ng hindi sinasadya sa batong tinatayuan 'ko kanina. Blangko, at tahimik. Wala na doong tao. Tumunganga ako saglit sa kakaunting tubig na humahalo sa batuhan bago ako nag patuloy sa paglalakad. Dahan dahan ay nawawala ang paninigas ng katawan, at kumakalma ang isip.

Narinig 'ko ang mga mahihinang bulungan ng mga dahon sa hangin. Mahirap unawain ang ugali ni Azrael, kagaya ng sa kay Alstice. Sa una ay gusto nila akong patayin, sa pangalawa ay lalapit naman sila sa akin na parang hindi nag tangka ng masama. Sinuklay 'ko paitaas ang buhok 'ko ng daliri. Kung may pinagkapareho man sila ay iyong para silang may mga toyo sa utak. Napasinghap ako bago umakyat papuntang dormitoryo namin.

Pag pasok 'ko ay agad akong nahiga sa kama. Pagod, at nanlalanta.

Isip man o sa katawan ay wala akong mapag lagyan. Gusto 'ko na magpahinga, at itulog muna ang mga problema. Natulala ako sa kawalan kapagkuwan ay unti-unting ibinagsak ang mga talukap 'ko, parang maselan na antigong gamit.

Ang paghahalo ng tunog ng pag hinga 'ko at pag ihip ng hangin ang tanging maririnig sa buong kwarto. Payapa, at kalmado. Pero makalipas ang ilang minuto ay gising parin ang diwa 'ko. Tumulala ako sa dingding pagkadilat, hindi makayanang pumikit ng matagal dahil humahapdi ang mga mata.

Bumuntong hininga ako, sabay lagay ng braso 'ko sa tapat ng mga mata.

"Calais ..."

Inalis 'ko ang pagkakapatong ng braso 'ko sa mukha, tapos ay bumaling kay Calais.

"Hindi ako makatulog ..."

The Another WorldWhere stories live. Discover now