/27/ From Another World

1K 101 1
                                    


From Another World.

Habang naglalakad kami pabalik sa klase ay walang may umiimik. Nakayuko lang ako, at pinapanood ang bawa't hakbang ng aking mga paa. Malalim ang iniisip.

Hindi 'ko lubos maisip na makikita 'ko siya dito. Kagaya ng sa Prinsipe, hindi siya pumasok ng paaralan. Gaano nalang ba kalaki ang nabago sa libro?

Una ay buhay ako. Dapat ay patay na ako ng nakaraang taon pa. Pangalawa ay hindi 'ko mahal ang Prinsipe, hindi 'ko siya sinusundan. Ang pangatlo ay  ang Prinsipe at ang bida, nandito sila sa paaralan. Mukhang hindi pa din sila magkakilala. Pang apat ay iyong Ophelia. Hindi 'ko maalala na nabanggit siya sa libro. Wala tuloy akong alam sa kung ano ang iniisip, o ugali niya.

"Sianrass."

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Eredia, tinatawag ako. Binaling 'ko ang ulo sa kanya.

"Ano?"

Tumitig siya sa mukha 'ko. Seryoso. Iyon ang mga mata niya na parang binabasa ang nasa isip 'ko, parang hinuhukay ang nasa loob 'ko. Umihip ang hangin pero hindi lumamig dahil sa init ng araw. Umiling siya, saka nakangiti akong tinalikuran.

"Wala. Tara na."

Tinitigan 'ko ang likuran niya. Kagaya ni Ophelia, hindi 'ko din kilala sila Eredia. Hindi sila nabanggit kailan man sa libro. Hindi 'ko alam kung ano ang iniisip nila. Hinakbang 'ko na ang paa, at tahimik siyang sinundan.

Pag dating namin sa klase ay nandoon na ang guro. Napagalitan pa tuloy kami bago pinapasok, at pinaupo sa pwesto namin. Tuwang tuwa naman sila Eurula, at pinagtawanan kami ng makaalis na ang guro. Kami tuloy ang naging sentro ng kanilang katuwaan. Nawala lang ang atensyon sa amin ng malipat kami sa bagong usapan.

"Pinapahabol ng guro lahat ng hindi nakagawa ng una nating gawain." ani Tatiana habang tinitingnan ang mahahabang kuko niya.

"Nagawa mo ba lahat?" tanong ni Akila sa kanya. "Di ba ay may kulang ka? Habol ka."

Nag angat ng tingin si kanya si Tatiana, "Ayaw 'ko nakakapagod tumakbo, e."

Lumapit sa amin ang tatlong lalaki at nakisali sa kwentuhan. Naging maingay ang grupo namin at masigla. Pero hindi napantayan ng ingay ng paligid ang ingay ng isip 'ko. Nag aalala parin ako sa mga nangyayari.

Magiging maayos ang lahat, Sianrass.

Narinig 'ko ang boses ni Calais sa isip 'ko. Siguro ay nararamdaman niya din ang nararamdaman 'ko. Pumikit ako, saka kinalma ang sarili.

Salamat, Calais. Bumuntong hininga ako.

Nandito lang ako lagi.

Umihip ang hangin at pumasok sa bintana. Sabay sabay na napa hinga ng malakas ang mga kaklase namin.

"Ang presko." nakapikit na sabi ni Admona, dinadama ang simoy ng hangin.

"Humangin din. Ang init, e."

"Kasunod nito panahon naman ng tag-ulan." nakapangalumbabang tiningnan ni Faydom ang langit.

Sinuklay 'ko pataas ang buhok 'ko na nagulo ng umihip ang hangin, saka tinanaw ang langit. Matingkad masyado ang araw, masakit sa mata. Kaya naman napaka init ng panahon kahit na mahangin.

"Sianrass, di ba hindi ka din kumpleto?"

Naalis 'ko ang tingin sa labas, at naibaling ang mukha kela Akila na nakatingin sa akin. Umayos ako ng upo.

Tumango ako, "Hindi nga."

"Humabol ka. Sumabay ka na kay Tatiana, at Lagrance."

Kinamot ni Lagrance ang ulo niya ng tingnan 'ko siya.

The Another WorldWhere stories live. Discover now