/12/ Crashed, Crumbled, Crestfallen

1.5K 140 0
                                    


Crashed, Crumbled, Crestfallen.

Kumalat na parang apoy sa gubat ang nangyari. Naging usap usapan kami ng maraming tao. Lahat ay tahimik, at nag mamatiyag. Pinapanood ako na parang ako ang bagong labas na pelikula, interesante at bago sa paningin nila.

Hindi ako naging komportable. Maraming nagsabi na nakikiramay sila, at naaawa, pero sa mata nila ay dilim ang nakikita. Malakas na sampal ang tumama sa mukha 'ko.

"Anong ginawa mo kay Kapitan?!" bumakat ang mga ugat sa leeg ni Eredia sa lakas ng sigaw. Kinwelyuhan niya ako.

Ang galit sa mukha niya na nakita 'ko noon ay hindi 'ko inaasahang may igagalit pa. Mapula ang mukha niya, at puno ng luha ang mga mata pero hindi napapatay ang apoy sa dibdib niya. Yumuko ako.

"Patawad..."

Humikbi siya. "Siya ang unang tatay 'ko. Bakit siya nagkaganon?"

Pinakalma siya nila Yerenica, pero kahit sila ay may apoy na umaalab sa mata. Hindi mapapakalma ng apoy ang kapwa apoy. Tumingin ako kay Akila na nakatayo sa tabi ng malamig na bangkay ng kanilang naging ama-amahan. Kahit siya ay hindi maka angat ng tingin sa akin. Walang emosyon na mababasa sa kanyang mukha kahit lumuluha. Masakit sa dibdib.

Parang hiniwa ang puso 'ko habang pinapakinggan ang mga hikbi nila. Walang luhang tumulo sa mga mata 'ko, hindi ako pumayag na may tumulo. Dahil wala akong karapatan na umiyak sa bangkay nila na ako ang may sala. Walang kriminal ang may karapatan na umiyak sa dinanas ng biktima niya.

Sa harap 'ko ay mga anak ng lalaking ninakaw 'ko ang buhay. Kung kailan nila naranasan ang makaramdam ng pag aaruga ng isang magulang ay para naman akong tubig na binasa ang init ng pagmamahal na nadama nila.

Tumunganga ako sa dalawang bangkay. Sinubukan 'ko na lumapit pero natumba lamang ako. Dinuro ako ni Eredia.

"Wag kang lalapit. Hindi sila nararapat ng pagsisisi mo. At lalong wag mong ilalapat ang kamay mo sa kanila, baka mamantiyahan mo ang katawan nila." mariin ang pagkakasabi niya, puno ng pagkamuhi ang mga mata. "Hindi 'ko maunawaan at hinding hindi 'ko mauunawaan kung bakit para mabuhay ka ay kailangan na kami ang mawalan? Sinabi 'ko ng dapat ay pinaalis ka na lamang niya, pero hindi siya nakinig at tinanggap ka. Pero ito ang nangyari sa kaniya." sabi niya. "Tinanggap ka nila at namatay. Pero ni hindi ka nag buhos ng luha para sa kanila. May pusong bato ka ba?"

Bawat salita niya ay tumagos sa puso 'ko at buto. Ang bigat ng bawa't letra ay dumagan sa katawan 'ko, hindi ako nakatayo sa pwesto 'ko.

Ramdam 'ko ang titig ng mga tao sa likuran 'ko. Lahat sila ay nasa akin ang paningin, may iisang sinasabi. Wala ka dapat dito. Hindi ka dapat nandito. Lahat sila ay parang natakot na na lapitan ako, dahil baka madikitan ng kamalasan na nakamarka sa katawan 'ko.

Parang pumintig ang buong katawan 'ko sa sakit, hindi ako nakagalaw. Tumalikod na sa akin sila Eredia, at niyakap ang bangkay ng Kapitan nila. Walang buhay ako ng tumayo at yumuko sa kanila bago tumalikod, at lumakad papalayo.

Bawat hakbang 'ko ay mabigat at parang lumulubog sa semento. Tumingala ako sa langit, at nag baba ng tingin sa ilog. Dito ako dinala ng mga paa 'ko.

Pinanood 'ko ang sira sirang mukha ni Sianrass sa tubig. Kung patuloy ba ako na mabubuhay, ilan pa ang kailangan na mamatay para sa akin?

Nababago na ang takbo ng istorya. Mula ng tumapak ako sa madamong lupa ay nag iba na ang takbo ng buhay ni Sianrass. Parang ang tali niya sa kamatayan ay pumulupot na din sa iba. Hindi 'ko ba dapat niluwagan ang pisi ng hangganan?

Kung hindi ako lumabas ng tore at nanatili nalang doon ay buhay pa sana ang Kapitan. Kaya lang ay sa takot 'ko na mamatay ay umalis ako. Nadala ako ng kaduwagan 'ko.

Inapak 'ko ang paa 'ko sa tubig. Dahan dahan ang mga hakbang ng paa 'ko hanggang sa makatawid sa kabila. Itong ilog na ito ang pinto sa bayan nila, ang pinto na hindi 'ko dapat kinatok at pinasok. Dahil ng oras na pinag buksan ako ni tanda ay pinasok na agad sila ng kamatayan.

Wala sa mga lalaking iyon ang kamatayan, pero na sa akin.

Pag tawid 'ko ay nakita 'ko ulit iyong kweba. Mahiwaga talaga ang kwebang ito. Pumasok ako, at humiling na lamunin muli ng sakit. Pero madali 'kong natawid ang kabila. Walang hirap, pawis, o daplis. Kaya ba mahirap ng una dahil pinipigilan niya ako? Hindi lang ako nakinig?

Nang makalabas ng kweba ay sinalubong ako ng mga puno, at halaman. Walang kalsada na makikita pero malinaw 'ko na natatandaan kung saan ako dumaan. Nakalabas ako doon.

Luminga ako sa paligid. Kaunting sinag lang ng araw ang nakakapasok dahil malalaki, at madami ang puno. Walang hangin ang umiihip pero malamig ang paligid. Dahil siguro mapuno... o sa lungkot? Tanging mahihinang kaluskos lamang ng mga halaman, at sanga ang maririnig sa paligid. Takot na baka pumitik ang pasensya 'ko.

Para akong multo na lumalakad. Bawat hakbang 'ko ay parang nalalanta ang mga dahon, nagkukulay abo ang paligid. Ang mga hayop ay natatakot kahit sa pinakamaliit na ingay na nagagawa 'ko. Napahilamos ako ng palad sa mukha.

Mababaliw ako. Mababaliw ako sa konsensya, at sa mga ingay na naririnig 'ko sa isip 'ko. Parang ang katawan nila Kapitan at tanda ay nakakabit sa likuran 'ko, hirap na hirap akong humakbang. Hirap na hirap akong magpatuloy. Gusto 'ko ng huminto. Unti unti nanamang nag dilim ang isip 'ko.

Bigla ay umihip ang hangin, at nakarinig ng mga kaluskos. Naalala 'ko ang sinabi ni tanda. Bata pa ako, malayo pa ang aking lalakbayin.

Walang may umiyak, o yumakap sa bangkay niya ng namatay na siya. Paanong ang katulad niyang may busilak na puso ay walang kasama sa araw ng kamatayan niya? Kaya ba niya sinabi na mabuhay ako?

Gusto 'kong bumalik doon, yakapin at umiyak sa bangkay nila — niya. Tumanda siyang nag iisa at walang luhang pumatak kahit na sa araw ng kamatayan niya. Bumigat ng bumigat ang pag hinga 'ko, at napahipo sa noo.

Tanda. Kapitan.

Papatak na ang luha 'ko ng makarinig ng mga kaluskos. Naging alerto ako, at lumingon sa nilakaran 'ko. Doon ay may nakita akong lalaking nakatayo. Pamilyar ang mukha, at hinihingal. Suminghap ako.

"Lagrance.." usal 'ko sa pangalan niya.

Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Balak mo ba na umalis? Wag kang makinig kay Eredia, nadala lamang siya ng emosyon niya."

Tumitig ako sa mukha niya. May dahilan para magalit siya sa akin, Lagrance. Marami siyang dahilan. Pero hindi ko sinabi.

Umiling ako sa kanya, at humarap.

"Hindi. Humahanap lang ako ng mansanas para may mai-ambag ako sa tanghalian. Nakakita kasi ako ng puno ng mansanas dito noon, siguradong nadagdagan na ang mga bunga no'n." pagsisinungaling 'ko.

Pero totoong may puno ng mansanas dito. Bumuntong hininga siya.

"Hindi ka dapat umaalis ng basta basta. Baka mapaano ka-" natigil siya sa akmang paglakad at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Nag taka ako habang nakatingin sa kanya, at magtatanong sana ng maramdaman 'ko na umangat ako. Para akong nabingi sa lakas ng kabog ng dibdib 'ko, saka dahan dahan na nilingon ang bumuhat sa akin. Siya iyon. Iyong lalaki na ipinadala mula sa tore.

Nangilabot ako ng ngumiti siya sa akin. Hindi dahil babalik ako sa tore, pero dahil nakapulupot sa akin ang kamay na tumapos sa buhay ng dalawang lalaking naging ama 'ko.

"Nahuli din kita. Pasaway ka talagang bata ka 'no? Pinahirapan mo pa kami. Tignan mo, namatay tuloy ang dalawang pakielamero na iyon." para siyang tanga na ngumisi. Gumalaw ang mga talukap 'ko. "Tara na, inaantay ka na ng tatay mo. Atat na atat na siyang makita ka."

Tumalon siya paakyat sa sanga ng mga puno, pabalik sa tore, habang hawak ako sa bisig niya. Iniwan ng nag iisa si Lagrance na sumisigaw ng pangalan 'ko, at pilit na humahabol sa amin.

Dahan dahan na bumigat ang talukap 'ko ng may tinakip sila sa bibig at ilong 'ko. Iyon ang huli 'kong naalala dahil pag dilat 'ko, nasa tore na ulit ako.

The Another WorldWhere stories live. Discover now