/43/ Period Of Time

878 71 30
                                    

I will update again on March 15, 2022.

-

Period of Time.

Pagkalabas namin sa aming pinagtataguan ay agad silang nag hiwa-hiwalay. Nag puntahan sa mga lugar na tingin nila ay mas makakikilos sila, at sinusunod ang mga sariling plano sa isip nila.

"Saan tayo?" ani Eurula.

Sabay sabay kami na naitakip ang braso sa aming mukha ng umihip ng malakas ang hangin.

"Wag dito. Masyadong bukas ang puwestong 'to, malalagay tayo sa mahirap na sitwasyon kung mananatili tayo dito." si Red.

Luminga kami sa paligid. Kahit saan ay may punong nakatumba, basag na sahig, at mga nasirang gamit. Tumingala ako sa langit.

"Doon tayo."

Lakad takbo kami papunta sa itinuro niyang lugar, tapos ay inilabas ang mga gagamitin nila.

Umiling si Louanica. "Dapat pala kumuha ako ng armas kanina."

Nag-labas ng mga kunai si Red, at inabutan kami ng tig-iisa. Inalok niya si Eurula na tumanggi sa kanya, at pinakita ang espada niyang nakuha yata kanina.

Dumapo sa akin ang titig niya, at inabutan ako ng kunai.

"Salamat." sabay tanggap 'ko sa inaabot niya, at inilagay sa tagiliran 'ko matapos ay binalik 'ko ang tingin sa kanila.

"Wag tayong maghihiwalay." seryoso ang itsura ni Red. "Kahit na walang Special Case dito ay hindi natin bilang ang kalaban. Kung maghihiwalay tayo ay pwedeng sugurin ng marami ang isa sa atin. Isa pa ay mas malakas tayo kung magkakasama."

May punto siya. Kakaunti palang ang natutunan namin, at hindi namin alam kung ilan ang nakapasok na halimaw. Kahit mahina sila ay malakas sila kung marami.

"Lalaban tayong lahat, pero bantayan din ninyo ang likod ng isa't isa."

Tumango kami sa sinabi niya tapos ay humarap na sa labas. Lumapit sa kanya si Akila, at nakipag salitan ng tingin bago kami nilingon.

"Tara na."

Pagkasabi niya ng hudyat ay agad kaming lumabas. Alerto, at nakataas ang mga armas.

Isang malakas na sigaw ang narinig namin kasunod ng pag litaw ng isang level A na halimaw. Madali namin siyang nailagan tuloy ay bumagsak siya sa sahig. Duguan, at wala ng buhay.

Matapos niya ay may nag litawan pa ulit na dalawang halimaw. Nasalag ni Jubelian ang atake ng isa, at nasaksak sa mata na ikinabagsak ng halimaw habang ang isa naman ay napatay ni Derek.

Umalis na kami sa puwestong iyon, at nag tuloy sa paglalakad. Bawa't lugar na mapuntahan namin ay may mga halimaw kaming nakakadaanan, at minsan ay mga estudyanteng nakikipag laban.

"Grabe." hinugot ni Eurula sa pagkakabaon sa dibdib ng halimaw ang espada niya. "Gaano ba karami ang nakapasok?"

Iyon nga ang ipinagtataka 'ko. Mahigpit ang bantay ng buong Moirslant, lalo na ng kanilang paaralan. May mana na itinanim sila na pumoprotekta sa buong Moirslant kaya malabo na may makapasok na halimaw dito. Maliban nalang kung galing sa loob ang halimaw, o kaya ay may traydor na nagpapasok sa kanila.

Pare-parehas kaming nailingon ang ulo sa kung saan ng makarinig ng malakas na sigaw. At parang inalisan ng malay sa nakita.

Nakita 'ko ang isang umiiyak na lalaki sa dulo. Pinagtutulungan ng tatlong level B na halimaw. Subo ang magkabilang braso niya, at isang buong hita. Parang magkakapatid na naghahati sa pagkain. May malay, at umiiyak nalang.

The Another WorldWhere stories live. Discover now