/40/ A Knight's Oath

847 65 22
                                    


A Knight's Oath.

Hapon. Kakatapos lang ng klase. Hinubad 'ko ang uniporme 'ko, at nag palit ng damit na pang-tulog. Nang madinig 'ko ang pag hinto ng pag-agosng tubig ay bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas ang bagong ligo na si Jubelian.

Isang linya ang labi niya ng bumaling kay Selance, "Anong mero'n at malungkot ka naman ngayon?"

Naupo ako sa kama 'ko ng matapos, saka nag baling ng tingin kay Selance na mapungay ang mata sa pananamlay.

"Malungkot lang." sabay buntong hininga.

Napatitig ako sa kanya. Dahil siguro sa kabuwanan niya.

Sumingasing si Jubelian, "Baka malungkot ka lang kasi wala na si Alphonse."

Napangiti ako.

"Manahimik ka kung ayaw mo na makatikim ng sampal ni bebang." tatawa-tawang ani Euler. Dito muna siya magpapalipas ng gabi dahil maingay iyong mga kasama niya sa kwarto.

Napapangiting umigik si Euler ng kurutin siya ni Selance. Naupo si Jubelian sa kama niya, pinupunasan ng tuwalya ang buhok ng malingunan ako.

Nagtataka ang tingin 'ko ng tanungin siya, "Bakit?" ngumisi ako, natatawa.

Pero walang salitang isinagot niya, titig lang sa akin ang dalawang namimilog na mga mata. Tahimik, at hindi nagsasalita. Parang nangangapa ng sasabihin. O hindi mailagay sa salita ang naiisip?

Nauwi sa natatawang ngiti ang ngisi 'ko.

"Ano?" nangingiti 'kong tanong, titig din sa kanya.

Bumaba ang talukap ng mga mata niya sabay nasabi, "Hindi 'ko naisip na sasagutin mo si Ophelia."

Biglang bumalikwas si Euler sa binuksan na usapan, "Kahit ako ay nabigla! Tutop iyong bibig ng bruha." tumawa siya.

"Wala naman sa atin ang may naka isip na sasagot siya." tumingin ako sa nakapangalumbabang si Selance.

"Maldita naman iyong si Ophelia. Buti nga at nakahanap ka ng magandang isasagot sa kanya." nakangiwi ang nguso ni Euler ng sabihin sabay ngiti ng malaki, at kinumpas ang kamay na parang natutuwa. "Parati kang tahimik, at hindi sumasagot kahit na noong inaaway ka ni Red ng mga bata pa tayo. Aminin, napikon ka rin kay Ophelia ano?" tinukod niya ang mga kamay sa harap, nakanguso sa inis. "Kung sabagay ay nakakainis naman talaga ang babae na iyon. Akala mo ay napakaganda, maputi lang naman! Kung hindi pa dapa iyong ilong niya."

Natawa ako sa pang-iinsulto niya. Hinampas siya ni Selance sa braso.

"Shh! Baka may makarinig sa 'yo, at makaabot pa sa taenga niya." nanlalaki ang mga mata at lukot ang kilay ng sawayin siya ni Selance.

"Edi marinig nila! Gusto nila ay sumali pa sila sa usapan natin." aniya. Nag buntong hininga nalang si Selance, sanay na sa ugali niya. "Kung umasta ay parang reyna. Akala niya yata ay napakataas na niya por que anak siya ng baron. Laging nalang nakataas ang kilay niya pag tumitingin sa iba, ahitin 'ko 'yan e!"

"Hinaan mo nga iyang bunganga mo. Marami ng tulog." nakatapat ang hintuturo ni Jubelian sa ilong at labi ng sabihan siya.

Lumabi si Euler sa kanya pero nakinig rin. Napag tantong tama siya. Pairap na nag iwas ng tingin si Jubelian sa kanya, kapagkuwan ay nag buntong hininga.

"Naisip mo na ba na maari ka niyang gantihan dahil sa nagawa mong pag sagot sa kanya? Maari kang pagkaisahan ng mga kaibigan niya, at siya." ani Selance.

Napahinga ako ng malalim doon. Naihanda 'ko na ang sarili 'ko. Ang mga tao na kagaya ni Ophelia ay paniguradong hindi makakatanggap ng pagpapahiya. Alam 'ko ng hindi siya matatahimik hangga't hindi nakakabawi sa ginawa 'ko.

The Another WorldWhere stories live. Discover now