/41/ Summer's Over

876 71 47
                                    


Summer's Over.

Kakain sa labas, gagala sa mga magagandang lugar kasama ang mga kaibigan at pamilya mo, tawanan ng mga bata, masisiglang usapan ng mga tao. Hindi man madali ang buhay, pero nakakaranas tayo ng kasiyahan.

Pero ang buhay ay pwedeng mabago kagaya ng sa panahon. Sa bawa't pag dating ng tag-araw, ang kasunod ay isang malakas na bagyo na sisira sa mga magagandang tanawin. At madalas ay sumisira pati ng mga masasayang alaala.

Iyon ang mga sinabi sa amin ng aming guro. Ang mga sinabi niya ay nag-iwan sa amin ng malalim na isipin. Hindi sa pagtataka, pero sa pag sang-ayon. Tahimik ang lahat, at nakikinig sa mga idinidikta niya kasabay ng pag balik sa aming mga dinanas.

"Kaya kayo, pag butihan ninyo. Hindi madali ang daanan papuntang kasiyahan. Hindi madaling matupad ang pangarap. Minsan, patag nga ang daanan pero nasa gilid naman ng kaitasaan. Minsan naman ay nasa ibaba nga, lubak naman at mahirap lakaran. Kapag patag naman at nasa ibaba, nasa gitna naman ng kagubatan. Walang madaling daanan para sumaya. Lahat ay mahirap." mahinhin at nagmamahal ang ngiti niya sa amin. "Wag niyong isipin na mahirap, dahil wala namang tao sa mundo ang nadadalian. Kung wala kang lakas ng loob, wala ka ring karapatan na mangarap. Kaya lakasan niyo ang mga loob niyo. Dahil walang duwag ang nakakatagal sa mundo."

Tumigas ang mga ekspresyon sa mukha ng mga kaklase 'ko. Dumiretso ng upo ang ibang nakakuba, wala na ang mga mapayapa at nangangarap na mga mukha.

"Tandaan ninyo ang unang bagay na dinala niyo sa paaralan na ito. Iyon ang bagay na hindi niyo dapat bibitawan, dahil sa lahat ng oras ay nakikipag laban kayo. Kung bibitawan niyo ang tapang at lakas ng loob niyo, malalamon kayo ng kalaban."

Naibaling 'ko ang tingin kay Louanica ng madinig ang maikli, at mababa niyang singasing. Pinipigil pero may nakatakas.

"Pag nilamon ka umungol ka nalang." hinampas siya ni Athalasia sabay parehas silang natawa ng mahina, nangangatog ang mga balikat at yuko ang ulo.

Sumulyap ako sa guro at nakita siyang nasa iba ang tingin. Kumurap ako, at bumaling kay Euler na dumikit sa akin.

"Lagot 'yan pag nahuli ng guro." tumatawa niyang bulong.

Umayos siya ng upo ng humarap na sa amin ang guro.

"Bumalik na tayo sa paksa. Ano ang mana?"

Tumalikod siya at may isinulat sa pisara.

"Ang mana ay ang bagay na nagpapatakbo sa ating mundo." sabay harap sa amin. "Lahat ng bagay na umiiral ay may mana, nakikita man o hindi — maliban sa mga tao. Pero iyon ay noon. Ang mga tao ng unang panahon ay walang sariling mana. Kailangan pa nila na gumamit ng elixir at mangolekta ng mga halaman, bato, at hayop para malipatan ng mana ang katawan. Para saan? Ang mana kasi ay nagbibigay sa atin ng mas malakas na katawan. Kapag tayo ay may mana, nakakagawa tayo ng mas pambihirang mga bagay. Nagagawa natin na makontrol ang apoy, tubig, nakakapag buhat ng mga nakapagpapabigat na gamit, naitutulad tayo sa ibon, at kung ano ano pang mga hindi ordinaryong bagay."

"Dahil din doon ay naging sakim ang mga tao. Dito papasok ang Dark Ages. Sa mga taon na ito nakita, at naranasan ng mga ninuno natin ang pagsisimula ng pagbabago ng ating mundo. Hindi sila nakuntento sa pag kuha ng mga mana sa mga bagay at hayop kaya pumapatay na rin sila ng mga taong may mana ang katawan, o marami ng mana na nailipat sa katawan. Mas lumala ang lahat ng mamatay ang dating hari, at napalitan. Si Haring Ruther."

Haring Ruther. Siya ang pinakakilalang Hari sa buong kasaysayan. Siya ang nagpa ligal ng pag patay ng mga tao ng panahon na siya pa ang naghahari sa kanilang bansa. Hindi nag tagal ay naging ligal na rin sa ibang bansa ang pag patay ng kumalat na ang mga tauhan niya.

The Another WorldWhere stories live. Discover now