/7/ Bitter Sweet

1.7K 177 0
                                    


Bitter Sweet.

Nagkaroon ng nakakailang na katahimikan matapos mag salita ni Red. Ang mga kasama niya ay nag si tikhim, hindi alam ang gagawin.

Napatitig ako saglit sa mukha ni Red. Asar ang mukha niya, at may madilim na aura. Ang mga mata niya'y tila nagliliwanag sa galit habang nakatingin ng paibaba sa akin. Talagang ayaw niya sa akin. Hindi na iyon nakakapag taka dahil mula ng dumating ako dito ay puro angal nalang ako, at tanging sa pag ubos lang ng pagkain lang may ambag.

Bumigat lalo ang pakiramdam 'ko. Dahil alam 'ko na may mali din ako. Kahit hindi 'ko ginusto, alam 'ko na walang kasalanan si Red. Nagalit siya dahil may nagawa ako.

At mas bumigat ang loob 'ko dahil wala sa mga kasama niya ang tumutol. Ibig sabihin ay sang ayon sila. Binalot nanaman ng lamig ang katawan 'ko.

"Eredia! Kailan mo ba ititikom ang bibig mo?" sumaway na naman si Akila.

Naalala 'kong bigla. Nang tumuloy ako dito ay si Akila lamang ang nagpatuloy. Pumayag lamang sila dahil hindi sila makakatanggi kay Akila dahil siya ang tumatayong nanay nila kahit sila ay magkaka edad lamang.

"Tch." singhal ni Red bago tumalikod at nag punta sa kusina kasunod ang mga kasama niya na bumaba.

Naiwan si Akila kasama ako. Laging si Akila. Natatakot ako na baka madamay pa siya kung lagi siyang tatayo sa tabi 'ko, baka pati siya ay talikuran nila.

Naramdaman 'ko ang dalawang kamay na humawak sa maliliit 'kong palad. Nakita 'ko si Akila na may malambot na ngiti sa akin.

"Pag pasensyahan mo na sila. Hindi pa bukas ang isip nila palibhasa'y bata pa rin sila."

Kahit siya ay alam niya. Alam niyang hindi nila ako tanggap.

Umaasta silang masaya sa tabi 'ko, at nakikipag tawanan. Pero kagaya ni Red, mabigat ang loob nila sa akin.

Tumitig ako sa mukha ni Akila, at nakita ang emosyon na ayaw 'ko. Awa. Lalo akong naawa sa katawan na 'to. Sianrass, hindi mo din ba nais na lumabas ng tore dahil ito ang makikita mo?

Tunay kang kaawa-awa.

Pangit ang lumalabas sa bibig niya dahil pangit ang kinalakihan niya, isa pa ay kulong siya sa tore. Ano nga ba ang malay niya sa pakikipag komunikasyon sa ibang tao? Sampal at sabunot ang almusal niya, at walang may nasa tabi niya sa tuwing nalulungkot siya. Kaya papaano siyang masasanay sa iba kung lumaki siyang sarili lamang niya ang kayakap niya?

Hindi nila maipagpatawad ang maliit na pagkakamali mula sa maliit na batang dumadanas ng malaking kahirapan.

"Tara sa kusina. Kumain na tayo. Gutom ka na siguro." sabay hila niya sa akin.

Tumayo ako, at nagpahatak sa kanya. Pagkapasok namin sa kusina ay tahimik parin sila, at masama parin ang mukha ni Red. Naupo ako sa dati 'kong inupuan. Tinulungan naman ni Akila si Red sa pagluluto. Nabasag lamang ang katahimikan ng dumating ang iba pa.

"Kanina nga ay habang humuhukay si Jubelian, nakakita siyang ugat kaya hinatak niya. Hindi niya alam ay bulate pala iyon na kakulay ng lupa." kwento ni Selance.

Umiling si Jubelian, "Alam 'kong bulate iyon. Kinuha 'ko para ibato kay Azula."

Nagtawanan sila ng batuhin ni Azula si Jubelian ng madampot niya.

"Walang hiya ka kahit kailan. Alam mo ba na ang pangit nung bulate? Kamukha ni Euler pag galit." ani Azula.

"Hoy! Aba, malayo!" tutol agad ni Euler.

Naghalakhakan sila ng makita ang galit na mukha ni Euler.

"Sabi sa inyo kamukha niya pag galit, e!"

Nagpatuloy ang tawanan at asaran nila hanggang sa maluto ang pagkain. Maya-maya din ay dumating ang tatlong lalaki, at umingay nanaman.

Matapos kumain ay nag kanya-kanya sila. Lumabas ang ilan para maglaro, ang iba ay nag ligpit bago umakyat para matulog, at ang iba ay may ibang inatupag.

Iyong tatlong lalaki ay sumama sa Kapitan nila para mag aral na gumamit ng espada. Ang Kapitan nga nila ay dating Knight sa kaharian ng bansa nila. Nag retiro na siya dahil matanda na, at kailangan na asikasuhin ang mga bata. Nalaman 'ko na tinuturuan niya silang lahat na lumaban kung kaya naman ay takot ang mga sigang bata sa kanila.

Kaya siguro tumakbo iyong mga batang lalaki pagkakita na kasama 'ko sila Red. Hindi nga naman kasi mukhang basta basta ang mga nakatira sa bahay na 'to.

Ang tatlong lalaki naman, sila Derek, Lagrance, at Alphonse, lagi silang wala dahil iba ang ginagawa nila sa mga babae. Katulong sila ni Kapitan sa gawain niya. Hindi 'ko alam kung ano iyon at wala na akong plano na alamin pa. Nakaka ilang naman siguro kung lahat nalang ay tatanungin 'ko samantala aalis din naman ako dito. Ayaw 'ko na masabihang chismosa, o pakielamera.

Ang una palang bata sa bahay na ito ay si Akila. Kaya hindi na nakakapag takang siya ang parang ate at nanay nila. Malambot ang puso ni Akila sa mga batang kagaya niya, ulila at pulubi. Katulad 'ko, pinatuloy niya lang din ang ibang mga bata dito. Una ay si Red hanggang sa mag sunod sunod na. Doon sila nabuo. Utang na loob nila kay Akila, at Kapitan ang kinakain at tinutuluyan nila kung kaya't walang tumututol sa kanila sa pagdedesisyon.

Si Lagrance naman, kahit kapatid ni Akila, hindi sila sabay na napunta dito dahil magkalayo pala sila noon. Nang dumating siya dito para hanapin si Akila ay kasama na niya si Alphonse, at Derek. Sila ang naging mga katulong ni Kapitan.

Kahit hindi sila magkakamag anak, at magkakadugo, pamilya ang turing nila sa isa't isa at ama nila si Kapitan. Wala na silang ibang makakapitan kaya ang isa't isa ang hawakan nila. Si Yerenica ang nag kwento nito sa akin kanina ng nagpapahinga kami sa silungan. Aniya'y malaki ang utang na loob niya sa bawa't isa dahil sa pag tanggap nila sa kanya, at walang may makakatibag sa samahan nila. Kahit na ang mundo pa. Kahit na ako pa.

Nang ikinuwento iyon ni Yerenica sa akin ay malayo ang tingin niya, at may mababang boses. Bakit nga ba ngayon 'ko lang napansin? Nang pinaypayan niya ako ay bumaling sa amin ang mga kasama niya at nagpatuloy. Tapos ay tinawag ng isa sa kanila si Yerenica, at sinabing may ipapakita siya.

Ako na walang ginagawa, at nagpapahinga lamang ay pinapaypayan pa ng isang pagod. Malamang ay magagalit sila sa batugang katulad 'ko.

Kaya talagang mas pinapakita sa akin ni Red ang pagka muhi niya ay dahil marami silang namumuhi sa akin. Sa ugali 'ko, sa pag sulpot 'ko.

Bumangon ako, at lumakad papuntang itaas. Nasa dulo ang kwarto 'ko, at ng mga kasama 'ko kaya madadaanan 'ko pa muna ang kwarto ng iba pa namin na kasama. Nang mapadaan ako sa kwarto na tinutulugan ni Akila at ng iba niyang kasama ay narinig 'ko ang mahihinang sigaw ni Red. Kausap si Akila.

"...hindi mo ba nauunawaan, Red? Bata lamang siya." malamang ay iyon si Akila, siya ang nag iisang pilit na umuunawa sa baliko 'kong ugali.

"Hindi 'ko siya tanggap dito, Akila. Hindi namin siya tanggap. Hindi lang kami makatanggi dahil sa may respeto kami sa iyo, pero nagiging pabigat ang paslit na 'yun. Umaasta siyang reyna!"

Napatulala nalang ako sa kisame. Tama naman siya, tama. Pumasok na ako sa kwarto namin, at naupo sa hinihigaan 'ko. Mula dito ay tanaw 'ko sa bintana ang iba namin na kasama. Nasa ibaba sila at kausap sila Alphonse. Seryoso ang mukha ng tatlo lalo na si Lagrance habang ang mga babae naman ay iritado ang mukha.

Alam 'kong ako ang pinag uusapan nila. Sa paraan ng pag galaw ng kanilang mga kamay, pag buka ng bibig, at galit sa mukha. Alam 'kong ako. Bumuntong hininga ako, at napapitlag ng bigla ay mag-angat ng mukha si Lagrance dito. Napayuko ako sa gulat.

Nasisiguro 'ko na dito siya tumingin. At alam 'ko na nakita niya ako dahil nag tama ang paningin namin. Sasabihin ba niya sa kanila? Nasandal 'ko ang ulo sa pader.

Pakiramdam 'ko ay lumawak lang ang tore, at kulong pa rin ako sa itaas. Malamig, at malungkot. Matamis pero mapait. Iyon ang lasa ng buhay ni Sianrass.

The Another WorldWhere stories live. Discover now