/14/ Sianrass Diana Euclid

1.5K 157 4
                                    


Sianrass Diana Euclid.

Palingon-lingon sila sa paligid habang naglalakad kami palayo sa tore. Kung saan kami papunta, malay 'ko. Sila na ang nakakaalam.

Balot na ang katawan 'ko ng isang manipis na tela. Iyon ay iyong tela na suot sa ulo ni Yerenica, malaki pala iyon pag binuka. Balot agad ang katawan 'ko. O baka sadyang maliit lang ako?

Hindi ako makatulog. Nagising na ang diwa ko noong oras na inalis nila ang kadena sa kamay, at paa 'ko. Nadala ng mga bakal ang antok 'ko. Nag mulat ako ng mga mata, saka tumingin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang daanan. Malamang ay hindi, hindi naman ako dito nadaan kahit minsan.

Walo sila na magkakasamang pumunta sa tore. Ang totoo ay kompleto sila. Ang sampu ay nandoon sa pupuntahan namin, at nag aantay. Sila Akila, Eredia, Alphonse, Lagrance, Eurula, Louanica, Admona, at si Jubelian ang nag punta. Sila kasi ang makakatulong pag dating sa ganito. Ang iba naman ay ginagawa din ang gawain nila, kami na lamang ang inaantay.

Sa totoo lang ay naguguluhan pa rin ako sa kung ano ang nasa isip nila. Nag aalab ang galit nila sa akin, pero dumating pa din sila para kunin ako. O baka kukunin nila ako para ihagis sa apoy? Mas makabuluhan iyong isipin.

Napa ungol ako ng humapdi ang sugat 'ko sa pagkaka patid ni Lagrance. Ngalay na marahil siya. Hinampas siya sa balikat ni Akila.

"Mag ingat ka naman!" pasinghal niyang bulong.

Humingi na lang ng paumanhin si Lagrance, saka ako ibinigay na kay Alphonse. Namamanhid na ang payat niyang braso sa kabubuhat sa akin.

Nakarating kami sa kailangan na puntahan ng mabilis. Nagmamadali kasi silang lahat sa takot na baka maabutan kami. Sinalubong kami ng iba pa nilang kasama pagkarating. Gaya ng iba ay nagulat sila ng makita ang kalagayan 'ko.

"Banal na tilapya, ano 'yan?! Sugat pang isang buwan?!" gulat na gagad ni Faydom ng makita ako.

Nag iwas lang ng tingin ang iba, at naiiling pa. Parang hindi kaya ang nakikita nila. Matapos ay nag usap usap sila sandali tungkol sa pupuntahan namin. Hindi pa pala ito 'yun, dito lamang ang tagpuan nila.

"Maayos ba doon?" ani Akila. "Walang makakasunod sa atin?"

Umiling si Selance.

"Maayos doon, at tahimik. Malabo tayong matunton ng iba doon."

"Sige, tara na. Wala tayong panahon na magpahinga o huminto dahil maaabutan nila tayo kung ganoon."

Nag patuloy kami sa pag lakad at takbo papunta sa sinasabi nila. Pasahan ang mga lalaki sa pag buhat sa akin. Pag nangalay ay ipapasa sa iba, maingat at takot na baka masagi ang sugat 'kong sariwa. Si Derek nga ay napapa igting pa ng panga sa tuwing kukunin na ako, at titignan ang sugat 'ko. Natatawa tuloy ako sa isipan 'ko. Paano nalang kaya kung napanood pa nila ako ng malatigo? Baka sumuka sila sa pagkaka pilipit ng sikmura.

Tumingin ako sa langit saka sa kanila. Bahagyang humahampas ang hangin sa nanlalambot 'kong katawan. Napansin 'ko na hindi sila ignorante sa ganitong bagay. Nagawa na ba nila ito noon? May itinakas na ba sila? Tumatalon sila sa mga sanga na parang normal na nilang gawain. Kahit na ng pasukin nila ang tore ay para silang dumudulas lang sa basang padulasan. Kung sabagay ay wala naman halos bantay ang tore, talagang mapapasok agad iyon. Pero matatakot ka parin, di ba? Tumitig ako sa seryosong mukha nila, tapos ay kay Derek. Sinanay kaya sila ni Kapitan? Hindi malabo. Bigla ay nagbaba ng tingin sa akin si Derek, at nahuli akong nakatitig.

"Bakit? May problema ba?"

Tumalon siya, at umapak sa isang sanga tapos ay muling tumalon. Magaan na parang dahon.

The Another WorldWhere stories live. Discover now