CHAPTER 187 " WITCHES AND BITCHES "

313 18 9
                                    

"  Pasensya ka na kung biglaan tayong nakapagsimba ngayon, " sabi ng binata habang naglalakad kasama si Chelsea.

" Okay lang Vincent. Honestly, nagustuhan ko nga 'yung sermon ng pari kanina, " masayang tugon ng dalaga.

" Talaga? Alin naman du'n ang nagustuhan mo sa mga sinabi niya. "

" Hmm, 'yung tungkol sa pagpapatawad... sabi ni father lahat ng nilalang sa mundo ay nagiging makasalanan dahil sa kani-kanilang personal na rason. Kung nakagawa sa 'yo ang sinuman ng pananakit, panglalamang, pagtataksil o anumang uri ng masamang gawain ay marapat na huwag kang gumawa ng masama o gumanti sa mga taong iyon... bagkus mainam raw na patawarin at ipagdasal mo na lang sila. Ang ganda 'no? "

" Maganda nga 'yun Chelsea. Ang nagustuhan ko naman sa sinabi niya kanina ay tungkol sa pagtanggap sa ating puso. Mas mainam na tanggapin ang katotohanan kaysa magpasilaw sa mga kasinungalingang gusto nating mangyari. "

" Ta-tanggapin ang katotohanan... magpasilaw sa kasinungalingang gusto nating mangyari? Ang lalim naman ata nu'n Vincent. "

" Hindi ba ang ibig sabihin nu'n ay matuto tayong maniwala sa katotohanan kaysa maniwala sa kung anong gusto natin. Kung tutuusin related siya sa sinabi mo kanina kasi kapag naniwala tayo sa katotohanan mabuti man o masama dapat handa tayong tanggapin iyon lalu na kung kinakailangan nating magpatawad hehehe "

Napangiti ang dalaga sa kanyang narinig. " Tama ka... kapag natanggap mo ang katotohanan... magpapatawad ka... "

Pero sa kalagayan ko ngayon Vincent hindi ko alam kung kaya kong patawarin sina Ms. Luciana at Jewel. Hindi ko pa rin alam kung anong rason nila... bakit nila iyon nagawa o kung may rason ba talaga sila sa pagpatay kay Papa. (Chelsea)

(FLASHBACK)

"2 weeks ago"

Sa unang gabi ng tuluyang pagpapalit anyo ni Chelsea bilang isang halimaw ay nakapatay siya ng tao. Nasunog niya iyon dahil sa galit na kanyang nararamdaman. Hindi si Eliziah d' Ultima ang may pakana ng kamatayan ng kanyang ama na buong inaakala niya. Naalala rin ng dalaga kung paano siya nakipagkasundo kay Dr. Margareth Cheng upang gamitin ang U.B. Drop sa kanyang katawan upang magamit sa gagawing paghihiganti. " I am one of those freaks out there... halimaw katulad ni Nathalie... tama pa ba 'tong ginawa ko sa sarili ko? " sambit niya sa kanyang sarili habang lumilipad pauwi sa kanilang bahay.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon