CHAPTER 173 " THE GOOD, THE BAD AND THE UGLY "

411 13 1
                                    

Kabababa lang ni Victoria sa kanyang kotse dala ang kanyang hand bag at isang plastic na naglalaman ng pagkain. Habang naglalakad ito sa parking lot ay waring may hinahanap siya sa paligid. Bigla siyang napangiti nang makita nitong muli ang isang babaeng pulubi na naghahalungkat sa basurahan. " Miss, ito oh... may dala ako ulit sa 'yong pagkain. Akala ko hindi na naman kita makikita eh, " iniabot nito sa dalaga ang isang supot na naglalaman ng mga pagkain.

Agad naman itong hinablot ng pulubi. " Sa-salamat! " tinignan nito ang mga laman ng supot. Halatadong gutom na gutom ang babae dahil sabik nitong kinagat ang laman ng manok na hawak. " Ah, magdahan-dahan ka baka mabulunan ka hija. "

Patuloy sa pagkain ang pulubi ng bigla siya nitong tinanong. " A-ano nga ulit ang pa-pangalan mo? "

 " A-ano nga ulit ang pa-pangalan mo? "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Ako si Victoria... d'yan ako sa loob ng mataas na building ako nakatira. Ikaw ano ba'ng pangalan mo? "

" Wala akong pangalan... "

" Simula ng tumira ako sa condo palagi kitang nakikita rito malapit sa basurahan. Hindi ka ba natatakot, mabuti at hindi ka nahuhuli ng mga bantay dito. "

Napangisi ang dalagang pulubi. " Imposibleng mahuli nila ako rito... di-dito na a-ako lumaki... kabisado ko ang ga-galawan nila hmm... "

" Kaya pala, pero hindi ka ba nilalamig dito. Tuwing gabi palagi kang nagbubungkal sa basurahan. "

" Nilalamig ako... pe-pero a-anong magagawa ko... wa-wala akong bahay... wa-wala akong heater katulad niyong mayayaman, " patingin-tingin ito sa paligid habang kumakain.

" Ah, hintayin mo ako rito may ibibigay ako sa 'yo, " nagtungo muli si Victoria sa kanyang sasakyan. Kinuha niya doon ang isang makapal na sweater upang ibigay sa pulubi. " Ito oh, sa 'yo na lang, " masaya nitong iniabot ang sweater.

 " Ito oh, sa 'yo na lang, " masaya nitong iniabot ang sweater

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" A-ano 'yan? Hi-Hindi a-ako nagsusuot ng gan'yan. "

" Sweater ito para hindi ka lamigin. Masyadong malamig sa gabi at least kahit paano ay mainitan ang katawan mo. Isuot mo... " ani to sa kausap. Tinitigan lamang iyon ng pulubi. Patuloy ito sa pagkain na ginagawa hanggang isang silbato ng guwardiya ang bumasag sa kanilang pag-uusap. " Hoy! Nanggugulo ka na namang pulibi ka! "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon